1

6 0 0
                                    

I was busy reading my book when someone took it from me. It was our vacant time so he has the time to annoy me.

"Give it back to me, Jaizer. Hindi ka na nakakatuwa."

Umiling ito sa 'kin at ngumiti ng nakakaasar.

"Alam mo, mukha ka ng libro. Try something new, Akisha. Life gets boring when you stick to something you already knew." Wika nito habang hawak pa rin ang libro sa kanang kamay nito.

"'Wag mo nga akong pakialam. Mind your own business, Jaizer. Ikaw ang mag-try ng bago. Try mo kayang 'wag mamakialam ng buhay ng iba."

After I said those, he hand me back my book. Maghapon ko itong hindi pinansin dahil naiinis din ako sa presensya niya. Lalapit lang siya para asarin ako at dahil do'n ay lalo akong nabubwisit sa kanya.

"You know what guys, diyan nagsimula ang lolo at lola ko," Rizza said. Nakita niya kasi kaming nagtatalo ni Jaizer.

"Oo nga. Saka 'di ba? The more you hate, the more you love." Freya added. Parehas naman kaming umaktong nasusuka ni Jaizer. Hindi ko nakikita ang sarili kong kasama siya, na magkakaroon kami ng isang romantic relationship dahil iniisip ko pa lang ito ay nandidiri na ako.

Dahil sa sobrang lakas magsalita no'ng dalawa, na halos sumigaw na ay palagi na tuloy kaming inaasar sa room. I hate gaining lots of attention lalo na't may koneksyon iyon kay Jaizer. Ewan ko ba kung bakit ang init ng dugo ko sa kanya.

Hindi ko na lamang pinansin ang mga kaklase kong asar nang asar sa 'kin kay Jaizer. Naiirita man ako ay wala naman akong magagawa kung hindi ang manahimik nalang dahil kapag nagsalita pa ako ay sasabihin nilang defensive ako. And I don't want them to think that way.

 Pero, dumating 'yong isang araw na hindi na lang niya ako pinansin or mas better sabihin iyong term na inasar. Ewan ko ba, I just found myself missing the way he teases me. Pero mas lamang pa rin yung relief dahil hindi na niya ako binubwisit.

"Uy Akisha, tingnan mo si Jaizer o, may inaasar nang iba." wika ni Freya. Nakakainis sila, bakit ba kailangan pa nilang sabihin sa 'kin e wala naman akong pakialam. Saka may mata rin ako, as if namang hindi ko sila nakikita.

"I don't care. Buti nga 'yon e, hindi na ako mabubwisit sa kanya." Wika ko rito saka umalis. Gaya ng palagi kong ginagawa, pumunta ako sa library para humiram ng libro pero sa kamalas-malasan ay nakasalubong ko pa ang Jaizer na 'yon. Akala ko ay bubwisitin niya ako gaya ng palagi niyang ginagawa pero nilagpasan niya lang ako. Hindi man lang niya ako natapunan ng tingin.

'E ano namang pake ko? Hindi naman siya kawalan.' Wika ko sa sarili ko. Hindi ko alam kung narinig niya ba 'yon at kung narinig man niya ay wala rin akong pakialam.

"Tss." I heard him hissed.

Hindi ko nalang ito pinansin at tuluyan nang pumasok sa loob ng library. Dahil vacant namin ngayon ay naisipan kong doon nalang magbasa dahil kung babalik lang ako sa room ay baka hindi ko lang din maintindihan ang binabasa ko.

"Nagbabasa ka na naman?"

Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Jaizer sa harapan ko.

"Anong ginagawa mo rito?" Balik na tanong ko sa halip na sagutin ang tanong niya.

"Gusto ko lang malaman kung bakit hindi ako kawalan sayo."

"Dahil hindi ka naman talaga kawalan. Alis na rito, bumalik ka na ro'n sa Princess mo."

Narinig kong tumawa ito. Tawang nakakaasar. Nakakainis pakinggan. Nakakairita.

"Nagseselos ka ba, Akisha?"

Tinapunan ko ito ng masamang tingin. 

"Bakit naman ako magseselos? Ha? E hindi ka naman kaselos-selos." sagot ko bago siya irapan.

"E bakit ka nagagalit?"

Dahil sa sobrang inis ko ay isinara ko ang binabasa kong libro at padabog na ibinaba iyon sa lamesa. "Hindi. Ako. Galit."

"May gusto ka ba sa 'kin, Akisha?"

Halos mag-echo ang mga salitang 'yon sa tainga ko at kung may kinakain man ako ngayon ay sigurado akong maisusuka ko iyon.

"Saan mo naman nakuha 'yang tanong na 'yan?"

"Just answer it, Akisha. Oo o hindi lang naman ang sagot."

Hindi ko ito pinansin at agad na umalis sa library. Nakakagigil ang isang 'yon. Masyadong mahangin.

Dumiretso na ako sa room pagkatapos niya akong asarin, ulit. Hindi ko alam kung bakit pero... basta. I feel something really strange kapag magkakasama kami ni Jaizer. Parang sasabog ang puso ko sa sobrang kaba. Hindi naman ganito ang nararamdaman ko dati kapag kasama ko siya pero ngayon, bigla nalang nag-iba. Ah hindi, baka sobra lang akong naiinis sa presensya niya.

"Hindi pa ba pumapasok si Jaizer? Isang linggo na 'yon a." Tanong ko sa kaibigan kong si Freya.

Humiyaw siya dahilan para makuha ng lahat ang atensyon niya. "Guys, mukhang may nakakamiss kay Jaizer o. Tinatanong ba naman ako kung bakit hindi pa raw siya pumapasok."Hayss, hindi ko alam kung bakit ba naging kaibigan ko 'tong babaeng ito.

"Have I heard it right? Sinong nakakamiss sa 'kin? Tell me at yayakapin ko." Wika ni Jaizer na kakapasok lang.

What the fudge! Bakit ngayon ka pa pumasok? Gusto ko na sanang lamunin ako ng lupa at ibalik na lang niya ako mamaya.

Kaagad nila akong itinuro lahat dahilan para lumapit sa direksyon ko si Jaizer.

Tumayo ako at akmang aalis na kung hindi niya lang ako hinigit palapit sa kanya. Sobrang lapit.

"Don't worry. Namiss din kita, Akisha." Wika nito dahilan para bumilis ng sobra ang tibok ng puso ko.

"Hindi kita namiss no, kapal naman ng mukha mo."

"Uyy si Akisha, in denial pa. 'Wag mo nang itanggi, Akisha, halata naman e." Sabad naman ni Rizza kaya naman inasar na ako ng lahat. I hate them. Ewan ko ba kung talagang kaibigan ko sila.

"Bakit ba big deal 'yon sa inyo? E ano naman kung namiss ko si Jaizer, namiss niyo rin naman siya 'di ba?"

Tumawa nang malakas iyong class president namin na si Leiman. "E bakit namumula si Jaizer?"

Nakita kong itinago nito ang mukha niya dahilan para hindi ko iyon makita.

"Baka may sakit lang. Kayo naman, kung anu-ano ang iniisip niyo riyan."

I gave them a death glare. Pero hindi iyon sapat para tumigil sila. Huminga ako ng malalim para pigilan ang sarili kong makapatay. Kung hindi lang iyon labag sa kautusan ni Lord ay malamang sa malamang, matagal na silang pinaglalamayan.

Mabilis akong naglakad papunta sa pinto pero bago pa ako makalabas ay nahagip pa rin ng mata ko ang bwisit na lalaking 'yon. Nakangiti ito na halos mawala na ang mga mata niya. Nakakainis. Nakakairita.

Bago matapos ang araw na 'to ay hindi talaga maaring hindi ako maiinis. Hindi ko alam kung pinaglalaruan ba ako ng tadhana dahil sa dami ng pwede kong maka-group ay siya pa talaga. Lumapit pa ako kay Ms. Dominguez kung pwedeng magpapalit ng partner pero nginitian lang ako nito sabay sabing... "Hindi,"

For a week ay makakasama ko siya? Naiisip ko pa lang ay kinikilabutan na ako. 

Pero...

Kabaliktaran ng iniisip ko ang nangyari.

For a week... For a fvcking week... he keep on saying that he likes me.

First and LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon