that Frap

11 1 0
                                    

maagang nagising si karylle para sa araw na ito. kaya maaga rin syang nag ayos para pumunta sa SMT network.
dahil maagang nakarating si Karylle ay naisipan nya munang mag punta sa starbucks Para magpalipas ng oras. habang inaantay nya yung kanyang order isang lalaking pumasok sa store ang naka pukaw ng kanyang atensyon. hindi sya pangkaraniwan lamang dahil sa kilos nito ay muka itong malambot. naka white shirt na may nakalagay sa gitna ng shut up na word at naka skinny jeans. blonde ang hair na hindi maitatagong extention. at simpleng shoes na terno sa kanyang kasuotan. agad na ibinaling muli ni karylle ang kanyang atensyon sa pag babasa ng libro. ng tawagin na ang kanyang order ay agad syang lumapit para kunin ito. sa pag abot nya ng kanyang order ay isa ring kamay ang may hawak sa kapeng binili nya.

"excuse me?"

" o ayan maluwag na ang daan, dumaan kana" pilosopong sagot ng kausap nya.

" order ko to. nagkakamali ka ata ng kinuha?" sagot ni karylle.

" miss baka ikaw ang nagkakamali, order ko to baka namamalikmata ka lang"

"sabing akin nga ito e. frap yung inorder ko at frap to kaya akin to" inis na sagot ni karylle

"miss akin nga ito" nang iinis at tila natutuwa pang sagot nito

"at kelan pa naging frap ang order mo? nauna ako kaya akin ito" galit na sagot ni karylle

"at kelan pa naging jm ang pangalan mo?" sabay turo sa frap na hawak nya na may nakalagay na pangalan na JM

"at miss isa pa. nung in order ko ito wala ka pa dito,kaya ibig sabihin nun nauna ako sayo" sabay grin kay karylle na tila ba ng aasar.

hindi naman maitago sa muka ni karylle ang hiya lalo ng ang inis sa kagaspangan ng ugali ng nakasalamuha nya. agad na umalis ang nakasagutan nya. agad namang ibinigay ng babae ang order ni karylle at pagkatapos makuha ay umalis na rin sya. hindi naging maganda ang simula ng araw nya kaya naisipan nya ng bumalik sa SMT network para makalimutan ang nangyari kanina.

nang makarating sya sa network ay agad nyang nakita si drake na kanina pa pala nag aantay sa kanya.

"Oy k kanina pa kita inaantay san ka ba galing?"

"nag coffee lang ako dyan,napaaga kase yung punta ko"

"Tara kanina pa tayo inaantay sa board room"

agad na mang sumunod si K sa sinabi ni Drake.

*sa loob ng boardroom*

"Hi Karylle! you look great today" bati ni Ms. Chatty kay K at sabay beso dito.

"Thank you Ms. Chatty its nice seeing you again." masayang bati ni K.

"shall we start this meeting?"

"ok lets start ms.chatty, im so excited to meet the other cast" magiliw na sagot K.

"unfortunately, hindi makakapunta ang ibang cast, but the thing is eto talaga ang set up namin"

"what do you mean set up? hindi ko na intindihan ms. chatty?" naguguluhang tanong ni K.

"katulad ng nabanggit sayo nung in offer itong project na ito,may twist tayo at eto yun. hinati namin by two groups ang cast. hindi nyo sila makakasabay sa kahit anong orientation for this project hindi nyo sila makikilala."

"so sinong makakasama ko sa Orient ms.chatty?"

"let me introduce to you your Co-stars and groupmates" sabay tawag sa mga co stars na kanina pag nag aantay sa labas.

"this is Grace,Bianca,Leo,Bryan, and Yna. sila ang makakasama mo sa group, by the way guys this K your groupmate"

sabay sabay na nag hi ang lima kay K. natuwa naman si K dahil may new set of friends ulit sya sa pagbabalik nya ng SMT at na excite sya sa twist ng project na ito.

"i cant wait to work with you guys" masayang bati ni K sa kanila.

Matapos ang 10 minuto ay na dismiss na rin sila sa meeting. dahil sa may bago syang kaibigan na isipan nyang ayain ito na mag lunch.

"guys could you join me for lunch? my treat!"

"naku nakakahiya naman po sa inyo ms.Karylle. wag na ho." nahihiyang sagot ni Bianca

"K. K ang itawag nyo sakin. masyadong pormal ang Ms Karylle, atsaka wag na kayong mahiya. hello? magkakatrabaho tayo wag na kayong mahiya. libre ko dalii!"

wala ng nagawa yung lima kundi ang sumama kay Karylle.

"sige po Ms. Karylle, ay K pala. sasama na po kami." na ninibagong sagot ni Leo.

"ok thats good! san nyo gustong kumain?"

"kayo pong bahala K"

"ok sige. last request. please remove the PO word. nagmumuka akong matanda guys. HAHAHA"

"ah sige K" mabilis na sagot ni Bryan.

"tara Jollibee na lang tayo"

*jollibee*

Nagiging komportable na sila sa isat isa kung kaya't nakakapag kwentuhan na sila ng mga kung ano ano.

"excited na ba kayong makilala yung other group" tanong ni yna.

"oo excited na excited kaso mukang mga 1 month pa bago natin sila makilala kase bukas ang start ng orient at ang alam ko next month pa ang start ng mismong project na ito." sagot ni Grace habang kumakain ng burger

"dba si K ang main cast? so yung isa pang main character ay nasa kabilang group. naco curious ako kung sino yun" sagot ni Bianca habang nakatulala

"pero badtrip kanina. yung sinakyan kong jeep na siraan muntik pa tuloy akong hindi umabot sa meeting kanina,buti na lang naayos agad ng driver at walang gaanong traffic." pag ku kwento ni Yna

bigla namang naalala ni K yung nangyari kaninang umaga sa kanya. kung saan may nakasagupa syang Impakto, este tao pala.

" o bat bigla ka atang nasimangot dyan K anong problema?" takang tanong ni Leo.

"ah wala may na alala lang ako na nakakairita"

"ano yun? kwento mo naman samin." pag aaya ni Yna

"meron lang akong naka away kanina na impakto. hindi ko kilala pero sa kilos at at galaw nya para syang bakla pero lalaking manamit. ay basta bwisit sya"

hindi na nag tanong pa ang lima kay k dahil napansin nilang badtrip talaga ito.

lumipas ang ilang oras at napag pasyahan na rin nilang umalis at umuwi, kanya kanyang paalam na sila sa isat isa bago kunin ang mga number nito. agad namang dumating ang driver ni K para sunduin sya.

habang nag surf sa phone nya ay napansin nya naman yung frap na binila kaninang umaga agad nya itong kinuha at tinitigan ang pangalan na nakalagay na sadyang ikina inis nya...

JM rin kase ang nakalagay tulad ng sa lalaking kinaiinisan nya.

TO BE CONTINUED MGA TE.

Started with a No ends up with a Yes!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon