Part 1 Meet Tinay

36 1 0
                                    

"Maam would you like a coffee or water? "

Hindi sumasagot ang babae, tulala lamang ito na nakatingin sa bintana ng eroplanong patungong Basco, Batanes.

"Maam, again do you need anything?"

"Kailangan ko siya, siya ang buhay ko." Tumutulo ang luha niyang naibibigkas.

"Ah Maam?" Umalis na lamang ang flight stewardess nang humagolgol na sa iyak ang babae.

Present...

Pitong taon na pala ang nakalipas. Nakatatak parin sa isipan ko kung paano ako na broken hearted nong naghiwalay kami ng ex-boyfriend ko. Kung pano ako gabi gabing uminom para lang makalimutan ko siya. Kung pano ko hinaharap ang bawat umaga ko na wala na, walang Bebe ko sa buhay ko. Kung pano ako nagmakaawa na bumalik siya. Kung pano naging miserable ang buhay ko. Hanggang sa... nakita ko na lang ang sarili ko na bumibili ng ticket papuntang Basco, Batanes. At yun walang tigil akong humagolgol ng iyak sa eroplano. Langyang buhay to pano ba namang hindi eh 3 months palang kaming nag break meron na agad siyang pinalit.

Ako nga pala si Christina Rafael but just call me Tinay. Astig, mabait at kalog sabi nila. Well, right now mag two twenty nine na ko and from the time na humagolgol ako nang iyak sa eroplano at until now na nasa eroplano ako patungo uli ng Basco, Batanes, ang unang lugar kung saan natutong humilom ang puso ko.

Flight Attendant: Maam would you like a coffee or water?

Tinay: Coffee please.

I worked as a Managing Director sa isang prestigious Travel Publishing Company. Dahil sa hilig ko na rin magtravel. Kami ang provider ng "Happy Travel" magazine sa airline na ito. Nagpapatakbo narin ako ng sarili kong business. It's a travel agency around the Philippines. I have also different investment narin. Nasa akin na nga siguro ang lahat. But, only one thing is missing.  'Wala akong lovelife'.

But no, hindi ako choosy. I've dated a lot of guys for seven years. And I've named them according to what they are. Si Mr. Makulit, Mr. Pafall, Mr. Paasa, Mr. Pafeel, Mr. Pabebe, Mr. Perfect at Mr. Babaero.

Flashback

Si Mr. Makulit, nakilala ko siya nong alam mo na broken hearted ka at itong tao na ito, ang hilig niyang iparamdam saiyo na hindi ka nag iisa. Nandyan siya para mag comfort saiyo. Makinig sa mga rant mo sa ex-boyfriend mo. At handa siyang tumulong sa araw na kailangan kailangan mo siya.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 31, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

365 Days to Find LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon