( Noelle )
NAROROON ako nagpupunas ng lamesa at nililigpit ang mga pinagkainan ng mga kumain na customers ng tita ni Cherry. Isang maliit na kanteen lamang iyon ngunit maraming kumakain. Masarap naman kasi talaga ang luto ni tita Cher at malapit iyon sa ginagawang gusali kaya naman ang mga contruction worker na nagtatrabaho roon ay doon kumakain.
Naririto kami sa probinsiya nila Cherry. Apat na buwan na simula noong umalis ako sa hospital at iniwan ang puso sa lalakeng pagmamay ari na ng iba.
"Ikaw babae ka sinabi ko sa'yo huwag ka na kumilos dito.", sabi ni Cherry matapos ako nitong tapikin ng mahina sa balikat ko. "Magpahinga ka lamang doon sa bahay.", dagdag nito at plano pang agawin ang mga plato na hawak ko.
Mabilis ko naman iyong iniwas habang nakangiti. "Kilala mo naman ako. Ayokong nakamukmok lamang sa bahay. Naiinip ako at gusto kong magkikilos.", sagot ko sa dalaga na sinundan lamang ako sa paglalakad papalapit kay tita Cher na tumatawa lang sa amin.
"Cherry, hayaan mo si Noelle, kaya niya yan, huwah kang praning.", natatawa pa ring turan ni tita Cher.
Natawa rin ako sa huling sinabi nito. "Oo, ang praning nitong si Cherry, tita Cher."
"Paano kung makasama sa'yo pati sa baby.", kunot ang noo na pag-aalala nito.
Ibinaba ko muna ang mga plato sa sink saka binalingan ang dalaga. Naiintindihan ko naman na nag-aalala lamang ito kaya naman super ang pasasalamat ko sa babae na ito.
Hinawakan ko ito sa tigkabilang balikat at tumingin sa mga mata nito. "Kaya ko, magsasabi ako kapag hindi ko kaya. Wala naman akong ibang nararamdaman bukod sa nahihilo konte. Ayoko naman maburo sa bahay ng walang ginagawa."
3 months na akong buntis. Nagbunga ang pagniniig namin ni Daver. Ilang beses akong pinilit ni Cherry na bumalik sa siyudad at sabihin ko raw kay Daver na magkakaroon na kami ng baby. Ngunit hindi ko iyon magagawa dahil ayokong makasira ng isang relasyon at pagmamahalan ng iba. Ikakasal na rin ang dalawa, baka nga kasal na ang mga ito ngayon at masayang nagsasama. Sinabi ko iyon kay Cherry para hindi na ako nito pilitin na sabihin kay Daver. Nasaktan din ito para sa akin at nalungkot para sa magiging anak ko.
Nalungkot ako sa isipin na iyon pero iyon ang totoo. Makapanganak lamang ako at makabawi maghahanap na kaagad ako ng trabaho para sa magiging anak ko. Bubuhayin ko siyang mag-isa, kakayanin ko. Hinding hindi ko siya iiwan at pababayaan tulad ng ginawa sa akin noong bata pa ako. Hindi ko iyon ipararanas sa magiging anak ko. Hindi naman ako nag iisa, kasama ko si Cherry at tita nito. Alam ko tutulungan nila ako sa pag-aalaga at pagmamahal ng magiging anak ko.
Matapos maubos ng mga luto ni tita Cher. Pinagtulungan namin ang pagliligpit. Itong si Cherry umatake na naman ang kapraningan pina-uuna na ako sa bahay at kaya na raw nila nintita Cher iyon. Pero dahil makulit ako tumulong pa rin ako. Umiling iling lamang ito at parang nauubusan na ng pasensiya sa akin kaya naman hinayaan na ako nito.
Nagulat ako ng bigla makabasag si Cherry dahil nabitawan nito ang isang tasa. Nakatayo lamang ito at para bang gulat na gulat sa nakikita, nakanganga pa ito.
"Anyare sa'yo?"
Nagtatakang sinundan ko ang tinitingnan nito. May isang kotse na nakaparada sa harapan namin. Itim na itim iyon at tented ang mga salamin kaya naman hindi ko rin makita kung sino ang nasa loob.
"May pinagtataguan ka ba? O may inutangan ka?", nanlalake ang mga matang tanong ko.
Umiling naman ito na hindi pa rin inaalis ang tingin sa kotse.
"Sino ba yan? Kilala mo? Baka naman iyong isa sa naging jowa mo na pinagtataguan mo?"
"Hindi! Gaga!"
"E bakit ganyan reaksiyon mo? Mukha kang tinakasan ng dugo.", natatawang pabiro ko itong hinampas sa braso. "Puntahan mo na roon. Baka ikaw ang hinihintay kaya hindi pa lumalabas sa kotse.", matapos ko iyong sabihin tinalikuran ko na ito at tinulungan si tita Cher. Hindi naman ito nagtanong dahil alam rin naman nito ang naging trabaho ng pamangkin nito sa siyudad. At pareho naming nirerespeta si Cherry.
"Noelle, ahmmm. Ano kasi?", putol putol na turan ni Cherry na nakalapit na sa amin, ni hindi ko naramdaman na sumunod sa akin.
"Oh? Bakit? Umalis na?", takang tanong ko.
"Si Daver—.", alanganin itong ngumiti sa akin at awkward na nagkamot sa batok nito.
Napatitig lamang ako sa kanya at sumeryoso ang ekspresyon. Kahit hindi nito sabihin, alam ko kung ano ang tinutukoy nito.
"Hindi kaya ng konsensiya ko gurl. Kaya naman tinawagan ko siya. Inalam ko muna lahat bago ko sinabi sa kanya ang kalagayan mo."
Nilingon ko ang kotse, sakto naman at bumukas ang pinto ng driver seat at lumabas mula roon ang binata na matagal ko ng pinananabikan na makitang muli. Gustong manubig ng mga mata ko. Sa totoo lang walang araw at gabi na namimiss ko ang binata pero tinitikis ko iyon dahil nga alam kong masaya na ito sa piling ng ibang babae. Ang babaeng mahal nito.
As always napaka gwapo nito ngunit namayat yata ito. Nakasuot ito ng suit at naka sunglassess. Marahan nitong inayos ang buhok at suit nito.
"Sorry gurl! Sana hindi ka magalit sa akin.", alanganin nitong hingi ng pasensiya sa akin.
Nagsimulang humakbang ang binata patungo sa kinaroroonan ko. Nagpaalam naman si Cherry at ang tita nito na aalis upang makapag usap kami.
My heart start to beat again like crazy. Yung pananabik na makitang muli ang binata ay para bang nag uumapaw sa aking dibdib dahil para akong kakapusin ng hininga sa pagtanaw lamang sa binata. Seryoso ang mukha nito at para bang hindi na marunong ngumiti.
Hinubad nito ang nakasuot na sunglassess at huminto sa aking harapan. Hindi ito sobrang lapit ngunit sinigurado nito na may sapat kaming distansiya sa isa't isa.
Gusto ko itong lundagin at yakapin ng mahigpit ngunit nagtimpi ako. Hindi ko alam kung bakit siya naririto pero ang sigurado ko lang hindi ko ibibigay ang bata sa kanya kahit na malaking halaga ang ialok niya. Sa akin lamang ang bata kahit na magkademandahan pa kami, ilalaban ko ang anak ko.
BINABASA MO ANG
(SPG) Daver Mclarenz (Billionaire Series #1)
RomanceNoelle Santarin, isang mahirap at hindi nakatapos sa pag-aaral. Kinupkop siya ni Beth Santarin, hindi niya tunay na magulang. Nagtatrabaho siya sa mga part time jobs na nakikita niya para kahit papaano makabawi rito sa pagpapalaki sa kanya. Gusto ri...