loving him was a regret

3 1 0
                                    


"Gusto nga kita.. " seryosong saad nya habang ako naman ay hindi makapaniwala "ahh okay, sabi mo eh" natatawang anya ko.


"Gusto kita", "mahal kita", " hindi kita iiwan", "kaya kitang hintayin" mga salitang ka'y daling sabihin ngunit mahirap gawin. Siguro yung iba masasabing bitter ako, oo bitter na kung bitter pero anong magagawa ko kung puso ko na ang nag sabi?. Lahat ng mga relasyon ay hindi nag tatagal, maswerte ka nlng kung makahanap ka ng "green flag". Lahat na kasi ng tao ngayon red flag hindi man sa pang bababae o panglalalake. Meron din sa ugali. Sobrang malas mo nalang kung parehas yung napunta sa taong gusto mo nakailang beses na akong nag mahal at nasaktan kaya't ganito ang pananaw ko sa buhay,


pero lahat ng ito nag bago nang makilala kita, pinaramdam mo saking hindi ako nag iisa, lagi mo akong inuupdate kada oras, isang tawag ko lang agad kang pupunta, sa mga araw na kasama kita nakakaramdam ako nang tunay na pag mamahal, iba sa pag mamahal na sinapit ko nung una, higit pa sa pag mamahal na inaasam ko nung una. Hanggang sa unti-unti na kitang nagugustuhan ngunit natatakot kung tama ba na mahalin kita?, na iba kaba sa kanila?, na totoo kaya ang mga ipapangako mo?, hindi mo ba ako iiwan?, na hanggang kailan mo ako kayang hintayin? "mahal kita" saad mo na ikinatuwa nang puso ko sabay halik saakin labi, iyon na ang pinaka masayang araw ng buhay ko. 10, 10 buwan mo akong hinara, 10 buwang walang tigil na pangangakong ako lang ang iyong prinsesa, 10 buwang pagtatakip ng unan sa muka tuwing gabi dahil sa di mapigil na kilig, 10 buwang fast reply lahat, ikaw na ata ang green flag na hinahanap ko. Hinihiling na sanay huminto ang mga oras na iyon Lumipas ang mga araw na unti unti kanang nag iiba kung dati'y hatid sundo ngayo'y hindi na, yung dating fast reply ngayo'y "slr" na, sa tuwing tinatanong ka kung may problema ang lagi mong sinasabi "sorry busy." Ang dating mga sweet messages napalitan na ng mga cold messages kung dati'ynag tatakip ng unan dahil sa kilig ngayo'y dahil sa patagong pag iyak tuwing gabi. Hindi ko pinansin ang mga guni² ko sapagka't nag titiwala ako sayo. Kinabukasan na ang iyong kaarawan kaya't naisipan kitang suprisahin gayun din kasabay ng pag sambit ko sayo nang "sinasagot na kita". Dumating na ang iyong kaarawan at ang lahat ay handa na, ika'y aking nilapitan nang biglang gumuho ang aking mundo nang makita kang may ibang kahalikan, bakit tila ako pa ang nasupresa?, ang sabi mo pa'y ako lang ang iyong prinsesa?, parang kahapon lang nung sinabing mong mahal mo ako, na ang sabi mo pa'y kaya mong hintayin ang aking "oo" ngunit ano ito? Kung maibabalik ko lang ang nakaraan, hindi na sana ako naniwala sa matatamis mong salita, hindi na sana kita nakilala pa, hindi na sana kita minahal at hindi na sana ako nasaktan pa.

Short Random's StoriesWhere stories live. Discover now