PART 1

131 2 0
                                    

CHAPTER ONE

3:30pm na pero hindi parin tapos sa pagdidiscuss ang professor namin. Kahit antok na antok na kami, wala paring tigil sa pagdidiscuss si sir Lloyd tungkol sa Freshwater Ecology. 30 minutes na syang nag oovertime sa amin.

"Pst!" nakarinig ako ng sitsit mula sa back side ng classroom. Sino kaya yun?

"Uy Camille! tignan mo tong ginawa kong doodle." bulong ni Lysa na nasa likuran ko.

Tumingin ako sa likod at nakita ko sa isang small paper yung doodle na gawa ni Lysa. May nakasulat na "BORING". Muntik na akong matawa ng malakas buti na lang at madali kong natakpan ng kamay ko yung bibig ko.

May pagka adik din tong dean's lister namin eh. Pag nabored talaga kung anu ano pinaggagawa. Akalain nyo ba namang nagdoodle pa ng "BORING" tapos bigla na lang ipapakita sa akin.

"Okay class, next meeting may quiz tayo sa freshwater ecology. Mag-aral kayo hindi yung tulog kayo ng tulog sa klase ko. Class dismiss." sabi ni sir Lloyd habang inaayos ang mga gamit nya.

At natapos na din ang pagdidiscuss ni sir. Break time na namin na nabawasan na ng 30 minutes. At nang tuluyan nang makalabas si sir sa classroom, nagsigising na ang mga tulog. Nagmake-up na ang mga kikays. Naglabas na ng mga baon ang childish at kaming mga average student naman ay lumabas na ng classroom para bumili ng makakain.

"Lumalala yata ang pagka adik ni Lysa eh." bulong ko kila Monica at Suenirisse habang palabas ng classroom.

"Ha? bat naman? Anyare?" tanong ni Monica.

"bigla ba naman akong tinawag tapos pinakita saken yung doodle nya na may nakalagay na BORING." sagot ko sabay tawa ng mahinhin.

"ay sauce! yun lang pala. Akala ko naman kung ano na." sabi ni Suen sabay automatic palo sa braso ko.

"Yung totoo te? Naka Shabu ka no? wala namang nakakatawa dun eh. Mahilig naman mag doodle si Lysa ah. Normal na yun na ipinapakita nya yung mga doodle nya." sabi ni Monica na pinagtawanan pa ako.

"ay ganon? so ako yung adik? eh kung isumbong kaya kita kay Myron na ikaw yung secret admirer nya." sagot ko kay Monica na bigla na lang tinakpan yung bibig ko.

"shhhh. quiet ka lang. Baka may makarinig sayo." bulong ni Monica saken.

"grabe. Yung totoo? nasa hallway parin tayo? alam ko bibili tayo ng pagkain eh. 4:15 na kaya. may klase pa tayo ng 4:30 diba?" sabi ni Suen sa amin sabay tawanan to the max kami.

...

...

...

...

...

...

...

...

...

After 123456789 years, nakabili din kami ng pagkain. As usual, fried siomai with rice binili ko at yung dalawa naman embutido with rice. Nagkagulo pa kami sa sukli at in the end, naayos din naman.

"Camille!" may narinig akong tumawag ng pangalan ko. Pwera na lang kung ibang Camille yung tinawag nya.

Napalingon kami ni Suen then nakita namin si Tristan. Nakangiti pa. Mukhang masaya ang loko.

"Oh, Tristan ikaw pala. Anong meron bat moko tinawag?" tanong ko sa kanya.

"Ha? eh di naman ikaw yung tinawag ko. Ibang Camille kase." sagot nya.

At talagang ako pa ang napagtripan netong lokong to. Gutom na kaya ako tapos tumigil kami ng kalalakad dahil tinawag nya ako tapos sasabihin nyang hindi ako yung tinawag nya. Yung totoo? Nang iinis lang? At dahil sa sobrang inis, eto lang ang nasabi ko kay Tristan..

True Love Waits...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon