Chapter 1Nilunok ko ang huling piraso ng fried egg at tumayo na habang iniinom ang aking tubig. Sinukbit ko na sa aking balikat ang aking bag at nagpaalam na kay mama. Nang makalabas na ako sa gate ay pumara agad ako ng tricycle.
Mabilis akong lumabas ng tricycle at nagbayad kay manong saka patakbong pumasok sa gate ng campus. Napangiwi ako ng mapansin kong flag ceremony pa pala kaya pumila na ako sa section namin.
“Ba’t ngayon ka lang? patapos na ang flag ceremony. Buti nalang di ka nahuli ng guard.” Sermon ng kaibigan kong si Sasha. Ngumuso naman ako sa kanya. “Mukha kang pato.”
“Kay lunes na lunes ang aga mong manermun. Sige ka, tatanda ka n’yan.” Nakangiti kong pagbabanta. Nakatikim naman ako ng isang irap galing sa kanya.
“May assignment kana ba sa Pagsulat sa Filipino?” Tanong nito na ikinalaki ng aking mga mata. “O, wala ka na namang assignment?”
“Nalimutan ko kasi hehe.” Nagpakawala ako ng mahinang tawa habang nagkakamot ng ulo.
“Ano ginawa mo the whole weekend?” Tanong n’ya sa akin kaya tumawa uli ako ng mahina. “Nagbasa na naman ng pocket books?”
“Medyu.” Napatampal siya ng noo saka nagbuntong hininga. “Mamaya pa naman sa second period yung Pagsulat.”
“Sige, ipapahiram ko nalang sayo yung notebook ko pagbalik natin ng classroom.” Ngumiti ako sa kanya at tumango na parang bata, ay bata pa pala kami.
Nag announce lang ang isa sa mga guro namin sa campus sa harap ng stage tungkol sa event na paparating at pinabalik na kami sa aming mga silid. Pinahiram agad ako ni Sasha ng kanyang notebook at nagsimula na akong gumawa ng assignment ko.
“Hindi ka na naman naka gawa ng assignment? ‘Hay Kaylee, ilang pocket books naman ang hiniram mo at na tapos mo sa buong weekend?” Naka pameywang na sermon naman ni Lore, isa din sa mga kaibigan ko.
“Hehe.” Ang nasagot ko na lamang.
“Ano pa nga ba?” Sabat naman ni Sasha sa tabi ko.
“Sasha!” Napatingin naman kami sa kaklase naming si Patrick.
“Ano kelangan mo?” Mahinhin na tanong ni Sasha.
“Tawag ka ni Sir, kunin mo daw ang copy ng announcement sa kanya sa baba ng building.” Sabi nito at tumalikod na para pumunta sa mga kaibigan.
“Sige, salamat Patrick.” Sabi ni Sasha saka tumingin sa amin. “Kunin ko lang ang announcement.”
“Sama ako Sha!” Lumabas na sila ng classroom kaya naiwan akong nagsusulat pa.
Malapit na akong matapos ng lumapit isa sa kaklase ko sa akin.
“Ano yan?” Tanong niya sakin saka lumuhod sa harap ko para pumantay sa arm ng chair ko. “Ngayon ka lang naka gawa?”
“Oo eh.” Mahinang tawa ang ikinawala ko habang siya ay nakangiting naka tingin sakin. “Tapos ka na nito?”
“Oo, nahirapan nga ako.” Sabi niya habang naka silip sa sagot ko sa papel.
“Weh? Ikaw? Mahihirapan?” Nakaismid kong tanong.
“Totoo naman a.” Nahihiya niyang sabi.
“O Demetri.” Nakuha nila Sasha ang atensyon namin ng tinawag niya si Demetri na nakaluhod parin sa harapan ko.
“Pinapatawad ka na ni Kaylee, Dem.” Pabibiro ni Lore.
“Ba’t natagalan kayo?” Tanong ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
The Warmth of the Sun in Winter
Teen Fiction"It feels like you were born to be my sunshine during my winter season, melting my icy heart with your warmth." "You warmed me, my sun, and freed me from my winter days."