Prologo

14 2 0
                                    

"Kayla Cielle Fernandez, may pinaka-mataas na karangalan!"

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at naglakad papunta sa stage. Today's my Senior High School Graduation. I attained the highest honor but my heart is still down the abyss. I forced a smile. I walked the distance from my seat to the stage wearing the smile I have mastered for years.

Nang makarating ako sa stage kita ko ang paglingon ng teachers ko sa likod ko. They're surely looking for anyone to accompany me.

"Cielle, wala ka bang kasama?" tanong ni Ma'am.

I smiled and shook my head. "Busy po sila Sister sa orphanage kaya po hindi po ako nasamahan" sabi ko.

Kita ko ang lungkot at awa sa mga mata ni Ma'am nang sabihin ko iyon. Humawak siya sa balikat ko at ngumiti. "Ako na lang ang magsasabit sa'yo ha?" sabi niya na tinanguan ko.

Lumakad kami papunta sa gitna at tinanggap ang medal ko. Isinabit iyon sa akin ni Ma'am at saka kami humarap sa photographer. I smiled and fought back the tears that are pooling in my eyes.

Humarap ulit ako kay Ma'am at nagpasalamat bago ako bumaba sa stage. Ramdam ko ang pagpatak ng luha ko habang naglalakad ako pabalik sa aking upuan. Nang makaupo ako ay pasimple kong pinunasan ang mga luhang bumasa sa aking pisngi.

I watched my classmates receive their awards with their parents by their side. Kahit ang mga kaklase ko na perfect attendance ang award, kumpleto ang parents na kasama, ako na may pinakamataas na honor, ni isa wala.

I couldn't help but feel envious. I am beyond thankful sa pagkupkop sa akin nila Mother Superior sa orphanage, sa pagbibigay nila sa akin ng pagkakataon na mabuhay at makapag-aral pero hindi ko matanggal ang inggit sa puso ko. Bakit ako? Bakit sa dami ng taong gumagawa ng masama sa mundong 'to, ako ang pinagkaitan? I just want a complete family, bakit hindi ako nabigyan?

All my life, I was filled with questions. Sino ako? Saan ako nanggaling? Sinong mga magulang ko? Ang sabi lang sa akin ni Mother Superior nakita nila ako sa tapat ng pinto ng simbahan. Walang kahit anong pagkakakilanlan maliban sa isang kwintas na naglalaman ng pangalan ko, Cielle. How kind of my parents to give me a name then leave me afterwards, right?

Nang matapos ang ceremony lumabas ako ng auditorium at dumaretso sa isang park. I have no one to celebrate with. Kahit gaano ko kagustong i-celebrate ang achievement ko, who will I share this joy with? Kids in the orphanage always outcast-ed me. Telling me I am a weird kid, abnormal, and so unworldly, and probably that's the reason why my parents abandoned me.

I looked at my hair. My hair is a mix of black and white. I once attempted to color it all black pero halos isang araw lang ang lumipas at lumitaw din ulit ang totoong kulay ng buhok ko. I just stopped doing that, wala rin namang point. Kahit naman maging itim ang buhok ko hindi rin naman ako babalikan ng mga nang-iwan sa akin.

Isa pa ang mga mata ko. Akala nila Mother Superior noon may sakit ako sa mata dahil sa mga kulay no'n. My eyes have two different colors. My left eye have gray almost ashy color while my right eye have black color.

Abnormal ba talaga kapag ganito? May mga tao naman talaga na may ganito, 'di ba? Did my parents really considered these traits horrendous?

Napatingin ako sa diploma ko na nababasa na. Umiiyak na naman ako. Bakit ba kasi? Bakit ba kasi nila ako iniwan?

Mabait naman ako. Masunurin din. Hindi ako sumasagot sa mga nakakatanda sa akin. Matalino pa ako, lagi akong top sa klase. I can be anyone they want, so why? Why did they chose to leave me alone? The world is so cruel to me pero wala akong mapagsumbungan. Wala akong matakbuhan pagkatapos ng isang nakakapagod na araw. Wala. Walang kahit sino.

I buried my face on my palms. I let my tears pour habang dinadama ko ang pagkadurog ng puso ko sa hindi ko na mabilang na pagkakataon.Hanggang kailan ba ako masasaktan? Hanggang kailan ko ba bibitbitin lahat ng hinanakit sa puso ko? Until when? Just until when should I endure? If I endure this forever babalikan ba nila ako?

Natigilan ako saglit nang naramdaman kong lumalamig ang paligid. I looked up and saw the skies getting darker. Napangiti ako. I always felt like the skies empathizing with me. Sa mga pagkakataong nilalamon ako ng lungkot, sinasabayan ng mga patak ng ulan ang luha ko.

I continued looking at the skies not minding if I'm getting wet already. Who cares? No one will get mad if I'll get sick.

I just stared at the skies. It's already roaring with thunders and lightnings but I didn't budged on my seat. I never felt afraid of those. It's rather comforting.

"Kaya siguro hindi ako natakot sa inyo kasi wala namang magpapakalma sa akin, 'no?" sabi ko habang nakatingin sa langit.

Mukha na ata akong sira pero hayaan na. I've always been the weird kid. Panindigan ko na lang siguro.

Natawa ako sa naisip ko. I leaned on the tree behind me and reached out for the falling raindrops.

If only the heaviness in my heart could be emptied the way the clouds pour rain when they get heavy, siguro masaya na ako. Siguro hindi na ako naiinggit.

I heaved a sigh and put my hand down. I looked at my medals and wiped it.

I am in the middle of drying my medals when I felt someone looking at me. I looked behind me and saw a woman standing under the rain. Napalunok ako.

Her stature looks so authoritative and powerful, parang hindi papabangga kahit kanino. Also her gaze, there's something about them. They look sad but seems so empty at the same time.

I stood up and looked at her more. The wind blew colder with every step she took.

"Cielle" sabi niya na nagpakunot ng aking noo.

"Kilala mo ako?" tanong ko.

She nodded as tears started to form in her eyes. My confusion grew bigger. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang lumuhod sa harap ko.

"Patawad, Cielle. Patawad" iyak niya.

Naguguluhan akong lumuhod sa harap niya.

"What do you mean?" tanong ko.

Tumingin siya sa akin at hinawakan ang aking mga pisngi.

"Kailangan mong sumama sa akin. Kailangan kang makita ng iyong Ina. Kailangang-kailangan ka na niya"

StruckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon