Introduction

414 43 29
                                    

INTRODUCTION




Tahimik ang buong paligid at tanging ang yapak ng kanyang mga sariling paa at hingal ang naririnig ni Baekhyun. Nanginginig na siya at halos kapusin na siya sa hininga dahil sa katatakbo ngunit hindi niya magawang tumigil. Nanaig sa kanya ang takot sa kung anuman ang maaaring gawin nito sa kanya sa oras na maabutan siya ng humahabol sa kanya. Malakas ang pagkabog ng kanyang dibdib dahil sa sobrang kaba.



Halos madapa na siya nang lumiko siya sa isang eskinita dahil sa sobrang dilim. Ayaw man niya sa lugar na walang ilaw, kailangan siya magtago doon upang hindi makita ng sumusunod sa kanya. Saglit na tumigil si Baekhyun habang humihingal tsaka inilibot ang tingin sa eskinitang pinuntahan niya.



May nakita siyang isang malaking parisukat na basurahan at agad na isinilid ang katawan sa loob. Agad na sumalubong sa kanya ang masangsang na amoy ng basurahan ngunit ininda niya iyon. Mas mabuti pang magtago sa basurahan kaysa naman mamatay.



Nang akala niya'y makakahinga na siya nang maluwag ay bigla siyang nakarinig ng mga yapak ng paa sa labas.


Akala niya ligtas na siya sa kamatayan,



"Baekhyun~ Come out now~ Hindi naman kita sasaktan e. I just wanna talk about what you saw earlier. It was really nothing you know. Just a little misunderstanding."

May halong paglalaro sa boses ng lalaki, na para bang tuwang tuwa siya na natatakot si baekhyun sakaniya



Baekhyun held his breath. Rinig na rinig niya ang panganib sa boses ng sumusunod sa kanya na kasalukuyang naglalakad ngayon malapit sa kung saan siya nagtatago. Palakas nang palakas ang kabog ng kanyang dibdib dahil sa sobrang takot at kaba. It's just a matter of time before he finds him, Baekhyun was sure of it. Nanginginig niyang kinuha ang kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa at mabilis na pinindot ang numero ni Tao.



Halos mapasigaw siya nang marinig ang malakas na kalabog ng mga kahon malapit sa kanya. Agad niyang tinakpan ang sariling bibig upang hindi siya makalikha ng kung anong ingay. Umaagos na din ang kanyang mga luha dahil sa tindi ng tensyon na kanyang nararamdaman. Nangangatog na ang kanyang buong katawan, hindi na nga niya halos mahawakan ang kanyang cellphone ng maayos. Hirap man, sinubukan niyang pakalmahin ang sarili at sinubukan ulit ang cellphone.



"Byun Baekhyun! Nasaan ka?!"


Tanong ni tao nang sawakas ay sagutin na ang tawag niya, hindi siya agad naka sagot para pakalmahin ang sarili. Sinubukan ulit siyang tanungin ni tao,



"Baekhyun? Bakit ka tumatawag? Alam mo bang-"



"Tao! Tao! Tao, m-makinig ka sa'kin," nauutal na bulong niya sa kaibigan. "Listen to me. Help! Tulungan mo ako dito-"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Me Right, PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon