XXI.

2.3K 111 19
                                    

XXI.

 

-Xyla-

 

2 days left at babalik na ako sa BDT. Nung kahapon kasi eh wala si Jungkook kaya yung 3rd day ng pagiging slave nya ay nasayang lang! May practice raw kasi sila. Malapit na rin kasi ang dance competition nila.


Actually, inimbitahan nila akong sumali sa practice pero 'di ako pumayag. Shunga lang? 'Di nga ako member 'di ba?


"O Mr. Boredom lubayan mo ako!!!" Sigaw ko. Andito ako ngayon sa kwarto ko at nakahilata lang. Si Thea naman kasi eh 'di ako pinasama sa family outing nila. -_-


Nagpagulong-gulong pa ako at nang 'di ko na makayanan eh tumayo ako saka bumaba. Pupunta na lang ako sa park.


"Ma, sa park lang muna ako!" Sigaw ko saka dali-daling umalis. Uutusan na naman ako nun eh!


Pagdating ko dun, dumiretso ako sa mini house na palagi kong tambayan.


O.o??


Anong ginagawa ng hudas na 'to rito??!!


"Hoy! Teritoryo ko 'to kaya alis!" Singhal ko sa kanya. Napalingon sya sa 'kin pero ang mas ikinabigla ko ay ang pamumula ng mata nya.


Oh my God! Look at his butt! Dejoke lang!


"T-teka, ba't ang pula ng mata mo?! Nag-ddrugs ka ba??!!" Sigaw ko habang nakaduro sa kanya.


Hindi sya sumagot saka nag-iwas ng tingin. Tss. Ang tanga mo naman Xyla! Mapula lang 'yong mata eh nagddrugs agad?! 'Di ba pwedeng umiyak la——


"Umiiyak ka ba?" Tanong ko. Hindi pa rin sya sumagot. Bumuntong-hininga ako saka sya nilapitan.


Nakokonsensya ako kaya ko 'to gagawin!


"Halika! Punta tayong amusement park!" Sabi ko saka sya hinila. Hindi naman sya pumalag.


Nang makarating kami dun, bumili ako agad ng ticket para sa ferris wheel. Sa pagkakaalam ko eh challenging ang ride na 'yon.


Hindi pa rin sya nagsasalita kaya agad ko syang hinila papasok sa isang bahay dun sa ferris wheel.


Nang umandar 'yon, bigla namang tumalon ang puso ko pero pinigilan kong tumili. Ayokong magmukhang tanga sa harap nya 'no! Ako 'tong pumili ng ride na 'to tapos ako ang titili?!


"A-alam mo, 'pag na-naiiyak ako, dito ako sumasakay para naman medyo tumigil ang mga luha ko mula sa pag-agos." Nauutal kong sabi.


Sheyt! Ang kaso 'di ako umiiyak ngayon! Maiiyak pa lang! Waaah! Ba't ako sumakay rito?!


Dancing Queen (BTS: Complete) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon