Chapter 1

2.1K 27 3
                                    

Para sa kanya itong una na kabanata. Gusto ko kasi ang personality niya na masayahin at inaappreciate ang mga works ng iba. =)

_________________________________________________

Tahimik lang kami habang lulan sa kotse, karga ko yung mga gamit ko. Sabi ni Delbert sa akin na titira ako sa bahay ng 'iseseduce' ko ng..... basta, it depends daw hanggang kailan ko ma aacomplish ang 'mission' ko. Kung sana di ko lang mahal 'tong lalaking ito.

Tiningnan ko siya, masaya ako na kapiling  ko siya na natagpuan ko siya at naipagtanggol niya ako. Kinupkop niya ako at...

Well, to get things clearer let's start from the past

FLASHBACK*

"Sir, ito na po yung mga inorder ninyo. Limang beers at isang dalawampu na barbecue." sabi niya. Hiyang-hiya na siya sa kanyang suot--- isang maikli na palda at isang itim na bra. Hindi siya sanay sa ganito pero kailangan niyang gawin kundi ay pupulutin lang siya sa kalsada.

"Oh, pare! Ito na pala yung mga inorder natin oh!" sabi ng isang mataba na lalaki.

"Oo pero mukhang kulang yata, miss" sabi ng isang matangkad na lalaki pero manyakis naman ang mukha at nakatitig sa kanya lalo na sa kanyang hita.

Maraming customer ang tumitingan na sa kanya ng ganyan pero di lang niya pinapansin pero ngayon nakaramdam siya ng matinding takot. Pero kailangan niyang maging matatag para sa kanyang sarili at paninindigan.

"W-wala na man po kayong ibang inorder" Nagpasalamat siya at buo ang kanyang tinig kahit gusto na niyang umiyak at tumakbo sa takot.

"Meron!" At dun siya hinila sa beywang at pinahiga sa sofa habang hinahalikan ang kanyang leeg. Pilit niyang kumakalas pero sadyang malalakas ang mga ito habang ang iba pa nitong kasama ay nagtutulungan na rin. Alam niyang pinagtitinginan na sila ng mga tao ngunit walang isa ang gustong tumulong.

Umiyak na siya kahit anong pilit niya at gamit ng kanyang lakas ay di niya matutumba ang mga demonyong nagtutulungan sa kanya. Pilit siyang hinahagkan subalit iniiwas niya ang kanyang mukha.

Huhubaran na siya ng mga ito. Nararamdaman na niya ang mga kamay nito sa kanyang hita pataas. Ayaw na niya, gusto na niyang umiyak. Pumikit siya ng mariin at nagdasal sa kalangitan.

'O diyos ko. Tulungan niyo po ako, ayaw ko na po. Maawa---'

*Bogsh

*Blag

*Wapak

*Dogsh

At iba-iba pang sound effects ang narinig niya.

Ng magmulat siya ng kanyang mga mata ay nakita niya ang isang lalaki na nakikipag suntukan sa mga lalaking bumabastos sa kanya.

Yun lang niya naisip na wala ng lalaki ang nakadagan sa kanya at nakahiga pa rin siya kaya bilis pa sa alas kuwatro na tumayo siya. Sakto din dahil natapos ang labanan ng lalaki laban sa mga nambastos sa kanya.

Talo lahat ang mga demonyo, nanalo ang anghel. Dun naman tumingin sa kanya ang lalaki sa kanyang mukha. Mukha lang, di katulad ng ibang lalaki kung makatingin sa kanya ay mula ulo hanggang sa kanyang malilinis na kuko.

Dun din dumating ang manager. Ang isa pang demonyo o mas tamang sabihin na demonya. Dun lang lumapit ng nagkagulo na samantalang nung hinaharass pa siya ng mga kasapi nitong demonyo ay di man lang tuminag.

 "Ahhh, Sir? May---" Di siya pinansin ng lalaki at lumapit sa akin at binalutan pa ako ng jacket. Tapos pinahid ng hinlalaki ng ang pisngi niya. Dun lang niya alam na umiiyak na pala siya kanina pa. Niyakap siya nito.

Seducing a GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon