Papel <3 (One Shot Story)
By: HeavenlyRainbow
_______________________________________________________
"Sige na! Puntahan mo na!"
"Ayoko nga! Nakakahiya! Ano ka ba?!"
"Anong nakakahiya? Ikaw nahihiya? Ikaw Timmy ha.. may hiya ka pang nalalaman dyan!"
"E sa nahihiya ako e. O sige! Kung gusto mo, ikaw na lang. Go! Gora ka na dun!"
Sabay tulak ko sa kaibigan kong si Daisy. Kaimbyerna siya! Tinutulak niya ako papunta sa crush kong si Tommy. Alam naman niyang pulupot ang dila ko pagdating sa crush ko e. Sa classroom lang naman ako madaldal.
"E sa ginagawa mong yan, wala kang makukuha.. maagawan ka! Tignan mo, andyan na si Princess palapit na sa Prince Charming mo! Hala ka!"
Ay bwis*t na tipaklong na mukhang paa! Anong ginagawa niya sa Tommy ko?! Ba't naka cling yang kamay niya sa braso ng future husband ko?! Ba't nakapuppy eyes siya sa love ko?! Waah! Dukutin ko yang mata niya e.
"Pigilan niyo ko, pigilan niyo ko! Masasapak ko na talaga yang Princess na yan!" sabi ko sa mga kaibigan ko na sina Daisy, Rose at Chuchi. Nagtawanan naman sila pero parang natatakot rin sa makakaya kong gawin.
Black belter sa Taekwondo. Gang Leader. Suki sa Guidance Office. In short, dakilang basag-ulo.
"Hoy Timmy! Hindi ko sinabing manapak ka! Ang sabi ko puntahan mo na 'yang Tommy mo, bago ka pa maagawan!"
First year pa lang ako, crush ko na si Tommy hanggang ngayong third year na ako, siya pa rin ang pinapangarap ko. Ako ang nakauna sa kanya at wala ng iba. 'Yang Princess na yan, transferee lang yan! Galing sa putikan. Mabaho. Kasingbaho ng putok niya. Bwis*t siya!
Huminga ako ng malalim para kalmahin ang sarili ko. Hindi ako pwedeng mag burst out ngayon. Nakakahiya. Baka makita pa ng loves ko ang pagiging basag ulo ko. Kahit na palagi niya akong nakikita sa guidance office, iba parin kung personal diba? Baka matakot siya sa akin.
"Ok ka na??" tanong sa akin ni Rose. Tumango ako. Inayos ko ang fitted uniform at short skirts ko. Kahit parang lalaki ako kung makipaglaban o makipagbasag-uluhan, sexy ako at maganda. Maraming naiingit sa kagandahan ko. Pati na yang Princess na yan na mukhang paa.
Kumuha ako ng Judge bubblegum sa bulsa at nginuya ito. Kailangan ko kase iyon para kalmahin ang aking sarili.
"Go Timmy, Go!! Go for the Gold!", tumawa si Chuchi.
Inirapan ko lang sila. Go for the Gold? Tss.
Oh my Tommy wait for me there! I'm coming!
Naglalakad na ako patungo sa kanila. Nasa isang sulok sila katabi ng vision ang mission ng school at nag-uusap. I don't know kung anong pinaguusapan nila. Todo smile parin ako. Ang pinoproblemahan ko ngayon, e kung anong palusot ang sasabihin ko kay Tommy kung bakit ako lumapit sa kanila.
Nakailang hakbang nang. . . P0tek!! Lumingon siya! Lumingon si Tommy sa akin. I startled a bit at parang gusto kong tumakbo palayo pero huli na ang lahat. Ang panget naman sigurong tignan kung bigla lang ako humarurot ng takbo.
Tumingin lang silang dalawa sa akin, ang halipar0t e nakataas ang isang kilay.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Princess. Sarap balatan. Kung wala lang si Tommy dito e sinipa ko na 'to palabas ng campus. Ngumuso lang ako sa kanya at inirapan siya.