Kinamulatan ng mag kapatid na "Fernandez" ang maginhawang pamumuhay na bunga nang kasipagan ng kanilang mga magulang. Palibhasa'y maganda ang trabaho ng ama nilang si Mr.Arsenio Fernandez sa kompanyang pag-aari ng mga dayuhang Hapones at may sarili namang boutique ang ina nilang si Mrs. Yolanda Fernandez na isang fashion designer, kaya pawang sa private school nakapag-aral ang mga anak, na agad namang nakapagtrabaho. Si Romy ang panganay, nasa abroad at tauhan kung umuwi. Sina Arnel at mario naman ay parehong nag lilingkod sa isang private film sa Ayala. Ang nag-iisa at bunsong babae na lamang ang nag-aaral sa La Salle University. Nasa huling taon ito ng kursong A.B. Psychology at kabilang sa "top ten"
Ang matalino at magandang si ariana ay tunay na ipinagmamalaki ng pamilya. Dahil nag-iisa ngang babae kaya busog ito sa pagmamahal gayundin sa mga materyal na bagay. Maraming manliligaw ang dalaga subalit hindi niya pinag-uukulan ng pansin ang mga ito -- basted, hindi nito type 'ika nga. Marahil sadyang di pa tumitibok ang puso ni Ariana sa tawag ng pag-ibig. Napagkakamalan tuloy na suplada at pihikan ang dalaga.
Tanging ang mga kaibigan lamang nito ang nakatatalos ng tunay na pag-uugali ni Ariana. Kailanman ay hindi nakadama ng panaghili ang dalaga sa kanyang mga kaibigan na sina angel, grace ann at jessel na pawang May mga boyfriend na. Kahit anong udyok ang gawin sa kanya ng mga kaibigan ay talagang "no way!
Wala pa sa loob ni ariana ang makipag-nobyo o pumasok sa bagay na iyon.Ang magkakaibigan ito ay may paboritong "snack bar" kung saan sila nag hihintayan at nagpapalipas ng oras. Nag kakatuwaan silang nagbubunutan kung sino ang taya pag-tsibugan na ang pag-uusapan. Palibhasa'y pare-parehong may pera kaya walang problema pag dating sa anumang gastusin o bayaran.
BINABASA MO ANG
DAHONG HUGIS PUSO
Наукова фантастикаIKAW BA AY ISANG KATOTOHANAN? IKAW NA BA ANG KASAGUTAN SA AKING MGA DALANGIN NA MAGBIBIGAY WAKAS SA AKING PAGHIHINTAY? O ISA KA LAMANG PANGITAIN NA SA ISANG KISAPMATA AY MAGLALAHO?