Chapter 2

9 0 1
                                    

Tangina ang init.

Gusto kong umiyak dahil nasa bahay palang ako ramdam ko na yung stress sa suot ko. Just like what I've mentioned the theme is retro/vintage style. And yung peg ko ngayon ay parang si Velma ng Scooby-Doo. I'm wearing a Korean white headband, pearl necklace, and gold necklace for layering. For my top, a little bit of a baggy blue sweater, then a brown checkered mini skirt. And lastly, I just wear my black high socks and my black Converse. Not bad! I'm cute naman, mukha lang teenager.

Pero mainit pa rin!

I just grabbed my black sling bag, sprayed some perfume on my body, and left the house.

After an hour nakarating din ako ng school. Marami na ang tao pero hindi pa nagsisimula ang program. Medyo na a-anxious ako dahil wala pa akong kasama at nahihiya sa paligid ko, introvert thingz.

Mula sa kinakatayuan ko kitang kita ko kung ano ang nagaganap sa field. May mga naglalaro palang ng mga larong Pinoy. Hindi kami nag-participate dito dahill wala kaming balak mahimatay sa gitna ng field. Tinatamad na nga akong pumasok, maglaro pa kaya sa ilalim ng araw? Maldo andwae! Kitang kita ko yung excitement sa mga mukha ng mga students na naglalaro.

Ang ganda ng set-up nila! May bandiritas din paikot ng field. Waaaa! This is it pancit! Mukhang exciting sa afternoon session.

Dumiretsyo muna ako sa likod ng stage para sumilong at tinawagan ang aking mga kaibigan. Pero bago ko pa mapindot yung dial button ay may sumigaw na ng pangalan ko.

"Celestine Juliannaaaaa!" Napapikit ako dahil ang tining ng boses ni Aria. Tama ba ako ng rinig? Buong first name ko ang binanggit? Talaga naman! Ayoko sa lahat binabanggit first name ko e. Nangaasar tong isang 'to. Tumakbo pa siya papalapit sa akin. Infairness ang cute niya sa suot niya, baby blue square top na long sleeves and below the knee na denim skirt.

"Ang taas ng energy, Aria Colleen C. David?" bawi ko sa kanya. Nilakasan ko yung boses ko dahil may dumaang lalaki sa harap namin. Naka brown si Kuya, if I remember correctly Manufacturing 'to.

Akala mo ah? HAHAHAHAHAHA.

"Kakapasok mo lang, Tin! Hindi pa nag sisimula yung program binubugaw mo na ako." bigla niya akong hinila sa braso at pumunta kami sa Gazebo ng course namin.

"Ganon talaga! Ayun nga ang pinunta natin diba? Practice lang 'yon." nag peace sign ako sa kanya.

"Nasaan na pala sina Elle?" tanong ko kaagad sa kaniya.

"Traffic daw sa Recto sabi niya sa gc, mga 15 minutes andito na din yon kasabay bebe niya." sagot ni Aria.

"Oki okii!" excited na sagot ko.

Nang marating namin ang tapat ng Gazebo ay napa-wow ako. May blue curtain foil backdrop na nakapalibot sa Gazebo pero semi circle lang. Mayroon ding photo booth sa gilid which is exclusive for ECE students lang. May game din sila na Tiktok Dance Challenge at ang kanilang prizes ay sweets and snacks.

"Sayaw kana Aria." yaya ko sa kanya. Umupo muna kami para antayin yung dalawa. Sa Gazebo na 'to kasama namin freshman pati seniors namin.

"Ay hindi ko kaya yan beh, lap dance lang alam ko." bulong niya sa akin. HAHHAHAHAHAHA baliw talaga 'to.

"Hello! Attendance na kayo dito." sabi ng isang babaeng long hair, mamula -mula ang pisngi, naka brace, sabay abot sa amin ang ipad.

"Good afternoon po!" sabay sabi namin ni Aria.

"Attendance mo na yung dalawa" bulong ni Aria sa akin.

"Gaga hindi pwede ichecheck nila yan. Maya maya nandito naman na sila." sagot ko. NAka excel file ang attendance namin at tinype ko lang ang "Present" sa tabi ng pangalan ko. Ayan, Okay na pwede na umuwi! Joke.

Mr. ExtraWhere stories live. Discover now