"Class dismissed, you can take your lunch...good bye class!" Paalam saamin ni Ms. Castro"Good bye, and thank you Ms. Castro!" Sabay sabay naming sabi.
Pagkaalis ni Ms. Castro ay nag kaniya-kaniya na sila ng mundo. May ibang nag uunahan makalabas sa pinto. May ibang pumupwesto sa gilid para kumain. At mga tropa mong uunahin maglaro nang ml kesa mag lunch.
Niligpit ko na ang gamit ko sa table ko at nilagay sa bag. Hindi kasi ako nakapagdala nang lunch ko kaya no choice ako kung hindi gastusin ang allowance ko.
Ayoko kasi na ginagasta ko yung allowance ko. Gusto ko kasi makatipid, hindi ko rin alam wala rin naman ako pinaglalaanan gusto ko lang talaga. Mayaman naman kami kaya no problem sa money.
Naramdaman kong may naupo sa harapan ko. Agad ko tumingala at si Chelsey at Arana ang nakita ko.
"Oh... Anyare diyan?" Turo ko kay Chelsey.
Malungkot kasi ang mga mata niya at ang mata ay namumula mukhang kakaiyak niya lang.
"BH ang lola mo. Napapala nang malandi!" Pagpaparinig niya sa isa.
Agad naman sinamaan nang tingin ni Chelsey si Arana. Lumingon saakin si Chelsey at ngumiti.
"Sama ka?" Nakangiti niyang tanong.
Agad ako naguluhan kaya napatingin ako kay Arana na nag kibit balikat lang. Nilingon ko ulit si Chelsey.
"Saan?" Taka kong tanong
Umayos siya nang upo at nag cross arms habang nakasandal sa lamesa. Ngumiti siya nang nakakaloko kaya kinabahan na ako.
"Sa bar..." Mabilis niyang sagot.
Napatingin ako kay Arana na salubong ang kilay na nakatingin kay Chelsey. Nilingon ko ulit si Chelsey na nakangiti pa rin saakin.
"A-ano gagawin natin doon?" Tanong ko.
YOU ARE READING
The Creepy Boss
RomanceCasper Demetrio is a CEO of the company Lucenzo Ethereal which is a 2nd large company worldwide. He also graduated as a Surgeon Doctor, but he did not continue because he was already managing their company. His family is all doctors. But his parents...