CHAPTER TWENTY EIGHT

302 6 0
                                    

I wake up in the next morning feeling more rested than I thought I'd feel.

Habang nagiisip kung ano bang susuotin kong damit para sa pagbabalik ko ngayon sa ospital ng mapansin ko ang pag-galaw ni Blake sa higaan, nakapikit ito, at maya-maya ay nagmulat din siya saka tumingin sakin at ngumiti. “You're unusually happy today.” sabi nito at ngumiti din ako.

“Of course, I am!” sabi ko saka siya hinarap at ngumiti, “I'm back to work. It's my happy place.” sabi ko at napansin ko naman na parang na-offend ito kaya natawa ako ng lihim at agad tumabi sakaniya at hinalikan ito sa pisngi niya. “You're my happy place, too, but work is... gives me purpose.” sabi ko at ngumiti ito saka tumango.

“I know, baby. I love seeing you like this excited.” sabi nito habang hinahalikan ang balikat ko at nangaamoy pa talaga, hay nako talaga itong mister ko.

Tumayo na nga ako at narinig ko ang mahina niyang pagtawa, “Kiss lang naman eh.” nakangisi nitong sabi at inirapan ko siya at nagcheck na nga ng isusuot ko.

After kong makapag-bihis ay lumabas na agad ako at nakita ko si Blake na prenteng nakatayo sa labas ng pintuan at inaantay ako. Blake smiles when he sees me. “Ready to start your day, doc?” tanong nito at agad ko namang sinukbit ang kamay ko sa braso niya at tumango, “Absolutely, My Capone!” ngumiti naman siya at agad nitong hinalikan ang noo ko bago kami bumaba at hinatid niya ako papasok sa ospital.

Pagkapaalam ko nga kay Blake ay pumasok na ako sa loob at sinalubong kaagad ako ni Veronica. Agad nitong inispread ang mga braso niya para yakapin ako. “Ah! You're back! I missed you so much!” sigaw nito at natawa nalang ako at niyakap din siya pabalik. “I missed you too, Veron!” agad naman niya akong binitiwan mula sa mahigpit na pagkakayakap saka niya ako pinagmasdan. “You are glowing. Glow-ing. Oh my god, tell me everything. How was it?” tanong kaagad nito.

Natawa naman ako. “Hmm. The honeymoon was... amazing!” Sabi ko sabay kagat sa ibabang labi ko at napatalon-talon naman ito at magtatanong pa sana ito pero agad na naming narinig ang “Paging Dra. Veronica!”

Napairap naman ito. “Crap. Gotta go, but we need to catch up later.” sabi nito at tumango naman ako tumakbo na nga siya na parang si flash, and papunta na nga ako sa Doctor office namin para makapagpalit ako ng lab coat ko ng tumunog naman ang phone ko. It's Mom! It's a video call.

Kahit medyo sumama ang loob ko sa kaniya dahil sa di nito pagsipot sa kasal namin ay sinagot ko pa din ang video call nito.

“Hi, Ma, is everything okay?” tanong ko.

“Hello, nak! Oo, ayos lang ako.” nakangiti niyang sabi. “Sigurado ka po? Hindi naman kayo tumatawag ng ganitong oras ah? Ayos lang ho ba talaga kayo?” tanong ko at para naman siyang kinabahan at sandaling tumingin sa kaliwa nito at sunod-sunod na napalunok. “Mom?? Sino yan? May kasama ba kayo?” tanong ko at ngumiti ito ng alangan saka mabilis na umiling.

“W–Wala, wala! Tumawag lang ako kasi.. gusto ko sanang may sabihin sa'yo pero mas maigi sana kung sa personal natin ito paguusapan.” sabi nito at kumunot naman ang noo ko. “Ano ho ba kasi ang nangyari, Ma? Pinagaalala mo naman ako eh.” sabi ko at huminga siya ng malalim.

“Ano.. sa tingin ko kasi.. sa tingin ko, buhay pa ang Papa mo.” naiiyak nitong sabi at para naman akong napako sa kinatatayuan ko.

“M–Ma.. sa tingin ko hindi ko .. hindi ko kayo masyadong naintindihan, a–ano nga uli sinabi niyo?” nanginginig kong tanong.

“Alam kong narinig mo, anak, buhay ang Papa mo.” pagkasabi niya non ay tuluyan ng nanginig ang mga kamay ko..

“Anak... Isabella, ayos kalang ba?” tanong nito at sunod-sunod akong huminga ng malalim. “O–Okay.. I'm in shock.. Ma, hindi ako naniniwala sainyo, wag ka naman hong magbiro ng ganiyan!” naiiyak kong sabi at umiling ito kaya napapikit ako at napahawak sa ulo ko. “M–Ma naman! Andon ako! Nakita ng dalawang mata ko noong nilibing si Papa! Kaya paano niyo sasabihin na buhay pa ito ha?!” umiiyak kong sigaw.

A DANGEROUS MAFIA BOOK1&2Where stories live. Discover now