CHAPTER TWENTY NINE

269 4 0
                                    

I stand in front of my bed, alone with my thoughts. Gosh, I had no idea I would feel so nervous about seeing my dad again.

Pumasok naman si Blake at lumapit saakin at agad akong hinarap sakaniya. “You ready to do this, doc?” tanong nito, sinubukan ko namang itago ang pangamba ko at tumango sakaniya. “Yep, I'm ready.” pagkasabi ko non ay hinawakan niya ang kamay ko.

“Remember, no matter what, I'm by your side, doc. And about what happened the other night.. I'm sorry, hindi ko sinasadya na takutin ka o pagdudahan ka.. hindi ko lang talaga alam kung anong iisipin ko non. Isabella, pamilya ko na pamilya mo na din ang iniisip ko dito, sana alam mo na ayoko lang may mangyari sa kanila.” mahinang sabi nito habang hinahaplos ang kamay ko kaya lumapit ako sakaniya at hinawakan ang pisngi nito. “I know, Capone, naiintindihan kita, hindi ako galit.” pagkasabi ko non ay hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa pisngi niya at hinalikan 'yon saka siya tumango.

Pagkadating namin sa bahay nila Mama ay nagsimula ng sumakit ang tyan ko dahil sa sobrang kaba. Agad kaming pinagbuksan ni Mama ng pinto at agad kong nakita ang isang lalaking nakatayo sa likod nito habang nakatingin saakin na naiilang.

Itinaas nito ang kamay niya na parang inaasahan nito na yayakapin ko siya pero hindi ko ginawa, at napatingin naman ito sa katabi kong si Blake kaya ibinaba nito ang mga braso niya. “Anak, maraming salamat at pumunta ka dito.” masayang sabi ni Mama saka ako niyakap, at napatingin naman siya sa asawa ko.

Ngumiti naman siya dito at agad lumapit si Blake para humalik sa pisngi ni Mama. “Good evening, Ma.” bati nito at tinap nito ang balikat ni Blake.

“Magandang gabi din sa'yo, kukuha ko lang kayo ng maiinom, anong gusto niyong inumin?” tanong ni Mama.

“Gusto ko ho ng kape para naman may gana akong makinig sa mga kalokohan na ito.” seryosong sabi ko at napayuko nalang ang lalaking matagal ng di nagpakita saamin dahil inakala naming patáy na.

“Magdinner na din kayo dito.” sabi ni Mama na di pinapansin ang pabalang kong pagsagot.

Ngumisi ako. “Dinner with someone who lied to my mother and me.” saad ko at napahinga ito ng marahan. “That's more accurate.” sabi ko pa habang hindi inaalis ang tingin ko sakaniya at napababa ito ng tingin.

Bumuntong hininga si Mama at iniwan na nga kaming tatlo sa sala, si Blake ay nakatayo lang sa gilid ko at pinapanood kami, seryoso lang din siyang nakatingin kay Papa.

Binigyan ako ng isang malungkot na ngiti nito, “Kamusta kana? D–Dalaga kana ah. N–Namiss kita.” sabi nito saka yumuko at natawa naman ako ng mahina.

“Missed me? Talaga ho ba? Pagkatapos niyo kaming abandonahin ni Mama?” seryosong tanong ko.

Tumango ito. “Deserve ko ang mga masasama mong tingin at panlalamig mo saakin, anak, naiintindihan kita.” sabi nito.

“Hindi.. hindi ito sapat, kulang pa itong pinapakita at pinaparamdam ko sainyo!” galit kong sabi at naramdaman ko ang paghaplos ni Blake sa likod ko na dahilan para medyo kumalma ako.

Huminga ako ng malalim saka ngumiti. “Oo nga ho pala. This is my husband, Blake, Blake this is... P–Peter!” sabi ko saka huminga ng malalim. Bumakas nanaman ang sakit sa mukha ni Papa ng marinig iyon saakin, pero inilahad pa din nito ang kamay niya kay Blake.

“Alexandro Blake Miller!” seryosong sabi nito na medyo kinakaba ko. “I know exactly who you are. Your reputation proceeds you.” sabi pa nito at kita ko ang pagngisi ni Blake habang halata ang mga mahihigpit nilang kamayan sa isa't-isa.

“I could say the same. In fact, I considered coming by your office the day you took over but ultimately decided against it.” saad ni Blake na halatang kinagulat ni Papa.

“Why did you decide against it, Mr. Miller?” saka nila binitiwan ang isa't-isa.

Tumawa naman si Blake. “Figured my reputation probably extends to your pawns.” sabi nito.

Goodness. I could cut the tension in this room with a knife.

“Well, Mr. Miller, perhaps that was a wise decision. If you'll excuse me, gusto kong makausap ang anak ko, nang kami lang!” seryosong sabi nito at napalingon naman ako kay Blake ng lapitan niya si Papa kaya napatayo na ako. “Hindi ikaw ang magdedesisiyon niyan.”

Pagkasabi niya non ay hinarap ako ni Blake at ngumiti. “Isabella, what do you say? If you want me to leave. I'll leave.” sabi nito kaya huminga ako ng malalim.

Tiningnan ko si Papa. “I will give you five minutes, Peter!” saad ko saka hinarap si Blake. “Five minutes lang, Capone.” sabi ko at nagnod ito at hinalikan muna nito ang noo ko bago ito lumabas ng living room.

“Go on. Say whatever it is you want to say.” sabi ko at naupo ng muli.

“Anak, alam kong galit ka saakin.” sabi nito.

“Buti alam mo.” sagot ko at napabuntong hininga siya.

“Look Isabella, hindi ko gusto na saktan ka.” saad nito at napaiwas ako ng tingin.

“Baka nga.. pero ang punto dito, nagawa mo pa din.” sabi ko at sinubukan niyang hawakan ang kamay ko pero tinabig ko lang 'yon.

“Alam ko, pero nagawa ko lang yon para protektahan kayo ng Mama mo. Kapag bumalik ako, mapapahamak kayo at hindi ko kakayanin kung pati kayo mawawala.” sabi nito at tiningnan ko siya.

“Pero bakit ka nga umalis? Bakit mo kami iniwan?!” sigaw ko at sinusubukan kong wag umiyak sa harapan niya.

“I was in deep with the mafia! Kailangan kong umalis. Kung hindi ko gagawin yon, isusunod nila kayong targetin. Bumalik kaagad ako pagkatapos kong masira ang network nila.” paliwanag nito.

“Pero sana tumawag ka! Hinayaan mo kaming isipin na wala kana! Hinayaan mo kaming ipagluksa ka tas ngayon babalik ka dito na parang wala lang, na parang hindi kami nahirapan sa pagkawala mo!” sigaw ko.

“Ayoko lang maulit ang nangyari sa kapatid mo!” sigaw na din ni Papa at para akong nanghina.

“Sandali, sinasabi mo bang–?” nanginginig na tanong ko at napahilamos si Papa sa mukha niya.

“Ang sinasabi ko, ginawa ko lang kung ano sa tingin kong tama, anak!” saad nito saka siya lumapit at hinawakan ang magkabilang braso ko. “Isabella, anak, hayaan mo akong itama ang pagkakamali ko sainyo, hayaan mo akong makabawi.” sabi nito at tinitigan ko lamang siya habang umiiyak at nakayuko.

Kahit ayaw ko man o kahit anong pigil ko ay kusa nalang kumawala ang luha sa aking mata, inis kong inalis ang mga kamay niya sakin habang umiiling at para na akong nanghihina sa mga nangyayari kaya naman napaupo nalang ako at nasagi ko pa ang vase na nasa tabi ng sofa.

Napatitig nalang ako doon. The vase crashes to the ground, breaking into a million pieces. That's kind of how my heart feels right now. How appropriate!

Pumasok naman ang naga-alala na si Blake at si Mama. “What happened? Are you okay?” tanong nito at tiningnan ako at chineck pa kung napano ba ako. “I'm fine, nasagi ko lang yung vase.” mahina kong sabi. Napahawak nalang ako sa braso niya ng magsalita uli si Papa.

“Alam kong wala ka ng tiwala saakin, Isabella, but I will make this right. I'll protect you.” sabi nito at hindi ako sumagot.

Hinila naman ako ni Blake papunta sa likod niya at tiningnan ng deretso si Papa. “No, you won't. That's my job now!” seryosong sabi nito at napaangat nalang ang tingin ko sakaniya at saka ko naman nakita ang masamang tingin ni Papa kay Blake.

“Protect her? Paano? Alam ko ang negosyong pinapatakbo mo! Hindi mo pwedeng idamay sa gulo ng buhay mo ang anak ko!” sigaw nito at binitawan naman ako ni Blake at nilapitan ito.

“Why don't you stay in your own lane when it comes to my wife!” Blake's words are biting, my father stands firm.

“Naalala mo ba ang nangyari sa casino mo? I-considered mo nalang na regalo ko ito noong kinasal kasa anak ko pero sa susunod, you won't be so lucky, dahil ako mismo ang maglalagay sayo sa kulungan!” saad pa nito at napailing ako.

“Anong ibig mong sabihin?!” galit na tanong ko.

“Ang sinasabi ko ay yung dapat ginawa ko na noon pa ang protektahan kasa masasamang tulad niya.” saad nito saka niya tiningnan si Blake ng masama.

A DANGEROUS MAFIA BOOK1&2Where stories live. Discover now