Dumeretso kaagad ng banyo si Blake pagkauwi namin at ako naman ay nagtanggal na ako ng suot kong hikaw ng tumunog naman ang phone ko, at tumatawag si Mama. “Hi, Ma.” mahina kong sabi.
“Oh my god, buti naman ayos kalang.” bakas sa boses nito ang pag-aalala na kinakunot ng noo ko.
“Of course. I'm okay, bakit hindi naman ho ako magiging okay.” tanong ko.
“Ang sabi ng Papa mo na may nagtatangka sa buhay ni Blake ngayon, at maaaring madamay at mapahamak ka.” saad nito at natigilan naman ako.
“Paano niya naman ho nalaman ang impormasyon na 'to?” takang tanong ko.
“May source ito na siyang nagsabi sakaniya. Alam mo naman na isang respetadong pulis ang Papa mo.” sabi nito na kinabuga ko.
“Well, pakisabi po sa respetadong pulis na ho na yan, na sana mas maging matalino ho ito sa pagkuha ng impormasyon kung kani-kanino, dahil nakikita niyo naman. I'm fine, and Blake is fine too.” sabi ko at huminga ng malalim si Mama.
“Hindi ito okay, anak. Inilalagay kalang ng lalaking yan sa kapahamakan.” sabi nito na kinabuga ko.
“Ma, yung lalaking sinasabi niyo, asawa ko ho siya, at hinding-hindi niya ako pababayaan at para sabihin ko din ho na pinoprotektahan ako ng asawa ko. In fact, pakisabi nalang po sa Peter na yan na kaya patuloy pa din siyang humihinga dahil pinipigilan ni Blake ang pamilya niya para may gawin sakaniyang masama. Dapat nga tumatawag na siya kay Blake para magpasalamat pa.” galit kong sabi.
“This is nonsense, Isabella!” di makapaniwala si Mama sa mga sinasabi ko pero patuloy pa din ako, at hindi ako titigil sa pagsagot sa kanila ng ganito kung patuloy nilang gaganituhin ang asawa ko, na nalalagay na din sa kapahamakan ng dahil saakin.
“It's not nonsense, Ma. Nagsasabi lang ho ako ng totoo.” sabi ko at huminga siya ng malalim.
“Ang gusto ko lang naman sabihin anak, baka pwedeng umuwi kanalang muna dito hanggang sa.. kumalma na ang lahat o kaya naman, kapag nagawan na ng paraan ng Papa mo itong gulong ginagawa ng asawa mo.” sabi nito na kinapikit ko.
“Sinasabi niyo ho bang iwan kong mag-isa ang asawa ko? Na mag-isa niyang harapin ang mga problema niya?” tanong ko at agad itong umuo.
“Naga-alala lang ako sa'yo, Isabella.” sabi nito at tumawa ako ng mahina.
“Ma, question lang, kapag ho ba nalagay yang asawa niyo sa kapahamakan at sa tingin mo mailalagay ka nito sa kapahamakan na sinasabi niyo, iiwan niyo din ho ba siya?” tanong ko at natahimik ito.
Napangisi ako, saka ko naman nakita ang pagbukas ng pinto ng banyo at kita ko ang basang Blake na natatakpan lang ng puting tuwalya sa baywang nito.
“Hindi ko ho iiwan si Blake, Ma. Sige na ho, magpapaalam na ako.” sabi ko saka in-end ang call at tumayo na para harapin si Blake na seryoso pa din habang nagpupunas ng paa sa doormat na nasa tapat ng pinto ng banyo at naglakad papuntang closet.
“May narinig ka ba?” mahinang tanong ko at kinuha nito ang towel at pinunasan ang buhok niya.
“Not much, pero alam kong gusto niya na iwan mo na ako.” sabi nito saka kumuha ng pantulog niya kaya agad akong lumapit at niyakap siya kahit nakatalikod ito saakin.
“I'm not going anywhere.” sabi ko habang inaamoy ang natural nitong amoy, “I'll never leave you, Blake.” sabi ko at humarap ito saakin at hinalikan ang noo ko saka siya tumango at niyakap ako ng mahigpit.
The following day, nakaupo lang ako sa tapat ng salamin habang naghahanda sa pagpasok ko ng hospital. I hope I can get back to normal. Work, love, laugh, life. I want to enjoy Blake and not be stressed worried about him. Tumayo na ako at bago ako lumabas ay tiningnan ko muna sandali ang reflection ko sa salamin saka ngumiti ng konti, saka naman sumilip si Blake sa pinto.
“I'm driving you to work this morning.” sabi nito at tumaas naman ang isang kilay ko.
“And why, Mr. Miller?” tanong ko saka ko pinold ang braso ko at natawa naman siya ng mahina.
“Because I want to make sure you arrive safely. Ready to go, Mrs. Miller?” sabi nito at napangiti ako saka lumapit sakaniya.
“Blake, hindi mo na ako kailangan ihatid papunta sa trabaho ko. I'm perfectly fine.” protesta ko.
“I know, pero hindi naman natin 'to kailangan pagdebatehan di ba? Bakit ayaw mo bang ihatid kita?” sabi nito at tuluyan na akong sumuko sa pagprotesta.
“Ano pa nga bang laban ko sa lakas ng charm mong Capone ka ha.” sabi ko habang pinipisil ng mahina ang ilong niya at natawa nalang siya at umalis na kami.
CONTINUED
Pagdating namin sa ospital pareho kaming bumaba at hinarap ko naman siya.
“See? We arrived here safely, and I insist on going to work alone. I was an independent woman bago mo ako nakilala, at gusto ko pa din maging independent kahit mag-asawa na tayo, at hindi natin kailangan pagdebatehan yan.” panggagaya ko sa sinabi nito kanina at napatawa nalang siya at tumango.
“Fine, you can try tomorrow, but I want you to promise me na tatawagan mo agad ako if you sense anything weird.” sabi nito at magsasalita pa sana ako ng magsalita muli siya. “I'm picking you up after this work. No arguments.” sabi nito sabay wink na kinangiti ko nalang.
“Got it, Sir!” sabi ko at sumalute pa at lumapit para halikan siya sa pisngi niya. “I'll be waiting for you, eager to see you after work.” sabi ko at niyakap naman niya ako.
“And now you're being sassy.” sabi nito at nilagay ko ang dalawang kamay ko sa batok niya. “I know you love it.” sabi ko at nilapit nito ang mukha niya sakin. “I do, but I'm still going to worry.” sabi nito.
Huminga naman ako ng malalim. “And I'll still be fine, my darling husband. I swear it.” pagkasabi ko nga non ay nilipat agad nito ang kamay niya sa may pisngi ko para angkinin ang labi ko na kinapikit ko. “I'm sorry for being so stubborn about this.” sabi pa niya then he kisses me deeply again, the hunger behind his kiss a little too lingerie to my comfort. “Blake, I swear on my life if I sense something weird, I'll let you know.” this seems to bring him some kind of comfort.
Binitiwan na nga niya ako saka tumango. “Fine. Go. Have a good day, darling.” sabi nito at ngumiti ako.
“I missed that, call me darling everyday.” sabi ko at muli ko siyang hinalikan at nagpaalam na, chineck ko muna ang daan bago tuluyan ng naglakad papunta sa kabilang street.
Suddenly I hear Blake's voice frantic. Nilingon ko ito at nakita ko siyang nagmamadaling tumakbo palapit saakin, saka ko naman tiningnan ang kaliwa ko, at ganon nalang ang gulat ko ng makita ang napakabilis na sasakyan na papalapit saakin. “Isabella! Watch out!” Blake's scream is guttural, fierce.
Pero dahil sa sobrang gulat ko at para akong napako. “Isabella!” sigaw nito at mabilis niya akong tinulak at tumama ang sasakyan kay Blake na kinaawang ng labi ko. “B–Blake!”
Kita kong nahihirapan na siya pero nong makita niyang lalapitan ako ng sasakyan ay pinilit nitong kinuha ang baril niya at sunod-sunod itong pinaputukan, nabasag ang salamin, at may tama din ang gulong nito pero nagawa pa din nilang makatakas, lalo na ng makita nila ang mga nakasunod na sasakyan kay Blake ay nagsibabaan na.
Agad akong lumapit sa kaniya at inalalayan siyang tumayo. “B–Blake.. ”
Ngumiti ito. “Ayos kalang ba? ” tanong nito habang tinitingnan kung may sugat ba ako at sunod-sunod akong tumango para sabihin na ayos lang ako. “T–Thank, god.” sabi nito sabay halik sa noo ko.
Nakita ko ang pagsunod nina Eian sa sasakyan na bumangga kay Blake, yakap-yakap ko lang siya ng maramdaman ko na may mainit na bagay ang nararamdaman ko sa braso ko at unti-unti kong binaba ang tingin ko sa tyan niyang may sugat mula sa nabasag na salamin sa sasakyan. “B–Blake!!” agad kong binalik ang tingin ko at kita ko ang nahihirapan niyang mukha at papikit-pikit na din ito, hanggang sa lahat ng larawan mula sa mga panaginip ko ay bumalik.–Blake is bleeding and dying..
Agad ko siyang niyakap at sumigaw para humingi ng tulong dahil nakayakap nalang ito saakin at hindi gumagalaw.
YOU ARE READING
A DANGEROUS MAFIA BOOK1&2
عاطفيةIsabella Reizl Montereal is no stranger to dangerous men, but when the infamous, sinfully hot Alexandro Blake Miller stumbles into her hospital, she finds herself swept into mafia turf war like no other. Is Isabella strong enough to tame the devil w...