CHAPTER 45

75 5 4
                                    

CHARLES POV

“Hmmm.” Buong hina kong idinilat ang mga mata ko habang nakatingin ng malumanay sa paligid ng kwarto.

Ang mga sariwang hangin na pumapasok at lumabas sa loob ng bukas na bintana at ang mataas na sikat ng araw na tumatama sa mga mukha ko ang siyang pumukaw sa akin.

Sa subrang pagod ng katawan ko sa kakabantay kay Lucky buong magdamag ay hindi ko na namalayan ang takbo ng oras ng ako'y umaga ng matulog.

Para akong binagsakan ng limang sako ng bato ng makita ang basang mukha ni Lucky.

Kaagad akong napatayo at inamoy ang malagkit na tubig na nagmula sa mukha ng anak ko. “A-Anong... Ewww.”

Napatinghala ako sa itaas ng kisame at kaagad na hinanap ang maaring tumulo sa mukha ni Lucky. Ang lansa at ang bantot.

Kay tagal kong pinagmasdan ang itaas habang naghihintay ng kaunting patak mula rito.

“Saan?”

Mabilis akong napakurot ng kilay ng makita ang kwelyo ko ring basa. Parang sinampal ata ako ng kidlat ng mapagtantong galing rin pala sa bunganga ko ang mabahong tubig.

“Tangina!” Biglang pagmura ko sa sarili.

Lumalaway na pala ako habang sumasandal sa noo ni Lucky. Yuck!

Kaagad kong kinuha ang cellphone ko. At kaagad na bumungad sa paningin ko ang 25 missed calls.

“Patay. Lagot tayo nito kay Mommy mo, Lucky.”

Tanging nasa-isip ko ngayon ay ang kaba, sigurado akong puputok nanaman ang bulkan nito. Huhuhuhu.

Nanginginig ang mga kamay, muli kong tinawagan ang number ni Giana.

“H-H-Hello? H-Honey? Hehehe,” kabadong tawag ko.

Hindi pa ako nakapagtapos ng salita ay kaagad na siyang sumulpot. “Charles!?” kabado ang bosis niya na tela naiiyak ang tono.

“Uhmm, Giana? May problema ba? Pupuntahan kita giyan?” Aktibong sagot ko.

Napabuntong hininga ito. “S-Sorry ah.” Kahit kalmado ang himig niya ay mararamdaman ko parin ang labis na paghikbi nito.

“Sorry for what?” Kalmadong kong tanong.

“Patawarin mo ako. Promise, uuwi na ako at hindi na ulit gagawa pa ng hindi mo gusto,” anito.

Napabuntong hininga ako sa kaniya saka na napakagat ng ibabang labi.

Dahil sa totoo lang lumipas narin ang galit ko, hindi ko naman kayang magalit ng ganoon ka tagal. At ang rason kung bakit hindi ko man nasagutan ang mga tawag niya, 'yon ay dahil sa malalim na pagtulog ko.

“Uhmm... Pesensya ka rin, Honey ah. I'm a little tired that time kasi. Sana hindi manlang kita binigla, sorry.” I can still hear her sobbing.

I might hurt her, make her overthink a lot. Nabigla lang rin kasi ako sa lumabas na balita. Buong pag-aakala ko na nasama na siya sa paslangang nangyari, napaka risky pa naman ng ginagawa niya.

“You don't need to say sorry, Charles. I understand you. Anyway, uuwi ako ng bahay ngayon. Magsasama na tayo.”

Ang biglang pagsalita niya ay nagbigay ng ngiti at liwanag sa mga mata ko. I stretched myself and embrace our son, Lucky.

“Can't wait,” tanging sagot ko sa kaniya habang puno ng galak ang mga mata.

“Charles, I love you so much. Hindi ko na kayang mawala ka, hindi ko alam kung mabubuhay pa akong hindi ka kasama,” she sweetly said.

The Prostitute Wife Of the Mafia Lord (The Unwanted Wife's Revenge) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon