Chapter 21

275 5 0
                                    

Week



NAGING mas busy si Doc Cutler sa mga nagdaang araw at naiintindihan ko 'yon, alam ko namang hindi sa lahat ng oras ay libre siya kung kailan ko gusto dahil sa propesyon niya.

"Marie, alam mo ba kung paano magluto ng peach mango pie?" seryosong tanong ko habang nakahilata lamang siya sa may sofa.

"Oo naman, miryenda kaya namin 'yan sa probinsiya namin," sabay tayo at kaniyang kinauupuan, nanonood kami ng jujutsu kaisen season 2, medyo inaantok lang ako kaya naisipan kong kumain at lutuan ang doctor ko.

"Para kay Sir Cutler?" tanong niya.

"Oo, paborito niya kasi 'yan," sambit ko. Kinwento niya sa akin na favorite niyang binabalik-balikan ang peach mango pie kaya pagtututunan ko kung paano lutuin 'yon.

"Uuwi ba siya ngayon? Paano kung hindi na naman siya umuwi?" tanong niya.

"Naghahanda kasi siya sa masteral kaya hindi na rin nakakauwi," paliwanag ko naman. Alam ko naman na kahit anong bagay ang gagawin ni Doc Cutler may dahilan.

At kahit hindi niya ipaliwanag sa akin 'yon alam kong hindi siya magsisinungaling. Kung hindi naman siya uuwi ngayon siguro kakainin ko nalang at maghahati hati kaming dalawa nila Manang Melchora.

"One week na ah," sambit nito at nagkalikot ng phone nito. Ipinakita niya sa akin kung paano gawin ang peach mango pie na sinasabi ko sa kaniya.

Napatango naman ako rito at pinanood na lang 'yon, kahit man lang sa pamamagitan nito makapagbigay ako ng regalo na ikasasaya ni Doc Cutler ay ayos na ako ron. Nang mag-umpisa na kami ay siyempre bumili na muna ako ng ingredients para ron.

Wala kasing stock na mangga sa ref kaya bibili ako ng dalawang kilo, pati na rin ang lumpia wrapper. Kasama ko naman si Marie kaya ayos naman siguro kung maghihiwalay kami para mapabilis ang pagbili.

Inamoy ko muna ang mangga, nang masiyahan ay ipinakilo ko na ito at tumingin sa pinapanood nilang tv.

Nakita ko ang iba't ibang branch ng company at palatastas doon, ngunit nakapukaw din ng aking atensyon ay ang babaeng iyon, at nakaputi ito. Muling tumulo ang luha ng aking mga mata nang makita kung sino 'yon.

"Ineng ayos ka lang ba?" pag-aalalang tanong ng isang babae sa akin. Nang mapagtanto kong tumutulo na pala ang aking luha ay nababa ko naman ang bag na hawak hawak ko sabay punas sa aking pisngi.

"N-napuwing lang po..." sambit ko.

"Ayos ka lang ba talaga?" tanong niya at muling tumingin sa tv. Mukhang ayos naman si Nanay, hindi siya nalulungkot at mukhang hindi niya naman ako hinahanap.

Napakagat ako nang labi nang mapagtantong may amnesia na si Nanay, pero kahit siguro makalimutan niya ako ay palagay ako dahil naalagaan siya sa ibang bansa. Ayos na ako sa panood nood sa kaniya sa malayo.

"Mukhang hindi ka kasi maayos, baka naman naglilihi ka ah," pag-aalala. "Naku, huwag pa. Maaga kang magiging losyang, ang daming batang ina ngayon kaya huwag ka na munang magpabuntis..." sabay iling.

"May boyfriend ka na ba?" tanong niya. Iniabot niya sa akin ang aking manggang binili, nakakahiya naman kung sasabihin kong si Doc mas lalong hindi maniniwala ito.

"Meron po, pero nasa malayo po siya... salamat po pala rito..." sambit ko sabay ngiti.

"Mag-iingat ka," maligayang paalam nito at nagpasalamat naman ako. Iniwasan ko na ring pumunta sa maraming tao.

Baka kasi hindi ko makita si Marie, alam ko namang dumadaan siya rito sa gilid. Inaalala ko parin ang nakita ko sa Tv na nandoon si Nanay, buhay na buhay siya. Gusto kong makita na siya ngunit hindi pa ito ang tamang panahon para ron.

The Doctor Affection (De Viola #2)Where stories live. Discover now