Sinabihan ka na ba ng boyfriend mo na maganda ka? Parati ka ba niyang pinupuri sa ganda mo? Pinapaalala niya ba sayo na ikaw lang ang pinakamagandang babae para sakanya? HALA SIGE IKAW NA!!? IKAW NG MAGANDA !!
Kainis to!!? Yung boyfriend ko puring puri yung sarili niya. Na gwapo daw siya, siya daw yung pinaka gwapong nilikha dito sa mundo.
Pinagtatawanan lang niya ko everytime na tinatanong ko siya kung maganda ba ko, ginagawa pa niyang example yung sarili niya.
Maganda naman talaga ako ha. Bulag lang ata tong partner ko kaya di niya na pansin. Sikat kaya ako sa school duh!
Gusto ko talagang malaman na kahit minsan man lang na nagagandahan siya sakin. Minsan? Bahala na! Basta galing sakanya. Every girls dream kaya yan ang masabihan ng maganda ng mahal mo.
Palagi nalang kaming kinukumpara ng mga tao. Boyfriend ko nga siya, pero daig pa ang mga babae sa pag iinarti. Minsan nga naisip ko kung ano yung nagustuhan ko sa kanya. Tsk.
"Oi! Tapos ka na ba sa papagwapo diyan? Gusto ko ng umuwi, ihatid mo na nako"
"Wait, last nalang"
"Ilang oras ka pa ba mananalamin diyan? Uwian na, ano pang silbi ng papagwapo mo?"
"Tss insecure ka lang kasi maganda ako " sabi niya habang inaayos yung buhok niya. Talagang ginamit pa ang term na maganda. "Siguro kung naging babae pa ko naka luhod na yung mga kalalakihan sa ganda ko hahahahaha"
Di nalang ako nagsalita. Ganito talaga palagi yung eksina namin. Minsan nga gusto ko ng sumuko sakanya. Palagi niya lang iniisip yung sarili niya.
"Karl, what if makikipag break ako sayo... ano yung gagawin mo?" tumingin siya sakin ng seryuso pero ngumiti kaagad ng nakakaluko
" I know you can't do that. Do you know why? Kasi alam kong mahal na mahal mo ko"
Naging tahimik kami saglit pero di ko na kinaya "IWAN KO SAYO!! BAHALA KA NA SA BUHAY MO!!" at tumakbo na ko palabas ng classroom. Di ko na pansin na tumutulo na pala yung luha ko. Kainis siya!! He really knows me well.
♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
Author;
Kumusta ang first chapter? Hehe sorry kung di pasok sa taste niyo. Pero nag enjoy ako habang gumagawa nito. Thank you for reading. It was really a great help and I appreciate it.