"Bi!""Ano?", masungit nitong tanong sakin. Psh! Akala mo naman may regla!
"Gusto ko ng ice cream.", sabi ko rito. Kanina pa kasi ako nagccrave ng ice cream.
"Bili ka.", sagot nito.
"Ang sama mo!", sambit ko dito at dumeretso sa cafeteria. Ang sama naman niya, magpapasama lang sana eh!
Umorder na ako ng ice cream na chocolate at ube flavor at akmang uupo nang matigilan ako dahil biglang may pumulupot sa baywang ko. Buti nalang nailapag ko yung mga ice cream ng maayos.
"What the hell are you doing?!", gulat kong tanong dito pero imbis na sagutin ako ay inayos ang tali ng jacket.
"Stain.", para akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya.
"Sh!t!", now I know kaya pala parang may naupuan akong basa kanina pero hindi ko lang pinansin without knowing na marami nang nakakita!
"Ang tangaa mo naman Xairynne!", sabi ko at sinabunutan ang sariling mukha bago naupo sa upuan. Nakakahiyaa! Huhu!
"Buti alam mo.", napa-angat ako ng tingin dahil sa pamilyar na boses at nakita si Lee!
"Tangina mo!", mura ko dito at napatingin sa lalaking katabi niya which is yung nagtali ng jacket sa baywang ko.
"Thank you!", sabi ko dito at ngumiti kahit na nahihiya ako pero ngumiti naman siya pabalik.
"Ang plastik mo!", asik naman ng panget na katabi nito.
"Tae mo! Tulungan niyo ako ubusin muna 'to.", sabi ko sa kanila sabay turo sa ice cream na nasa harapan ko. Mamaya muna ako magpapalit, sayang naman 'to.
"Akin na lang ha?"
"Bayaran mo! Naiwan ko wallet ko hehe.", sambit ko.
"Matalino ka nga.", aniya at naupo.
"By the way, sino 'tong kasama mo?", tanong ko dito.
"Tanungin mo, busy ako.", punyeta talaga itong lalaking 'to!
"Hey kain ka din. By the way, Im Xairynne, ikaw?", magalang kong bati dito.
"Kaizer, classmate mo rin ako kaso hindi mo yata napansin.", aniya na ikinagulat ko. Hindi ko nga napansin.
"Siguro hehe, magkaibigan kayo ng taong yan?", tanong ko sabay nguso sa matakaw na nasa tabi niya.
"Yes matagal na."
"Seryoso? Ba't hindi mo kasama kahapon?", takang tanong ko.
"Malamang nahihiya sayo, dikit ka ng dikit sakin.", biglang sabi ng aso sa tabi niya kaya sinamaan ko ng tingin.
"Tanga! Ikaw yung dikit ng dikit sa'kin dahil maganda ako!"
"Yvck! Mandiri ka nga sa sinasabi mo!", nagkunwari pa siyang nasusuka kaya binatukan ko.
"Ang sama mo talaga sakin!", sambit ko pero hindi siya nagsalita.
"Kaizer, pwede pasama ako? hehe."
"Wala ka talagang hiya!", sabi pa ng aso kaya sinamaan ko ng tingin.
"Edi ako mag-isa bwiset ka!", tumayo na ako at iniwan sila na narinig ko pang tumatawa sila.
Alam kong may klase pa ako pero dibale na kaya umuwi na ako sa apartment ko at kumuha ng gamit ko at dumeretso na ng banyo. Naligo na ako then nagpalit ng damit. Pero sh!t! Eto na naman yung puson ko! Sinubukan kong hanapin yung water bag ko pero wala.
"Aysh!", napahiga na lang ako sa kama ko at ininda ang sakit.
*kringgg*
*kringgg*
*kringgg*
Inis kong inabot ang phone ko at sinagot ang tawag.
"Huwag ngayon please.", bungad ko dito dahil alam kong iinisin lang naman ako.
"Tsk. Pagbuksan mo ako."
"Bakit na naman?"
"Bilisan mo kung ayaw mong masira 'tong pintuan mo."
Ayshh! Bwiset na yun!
Pilit akong tumayo at binuksan ang pintuan na agad naman niyang tinulak kaya muntik na akong mawalan ng balanse buti nalang at inalalayan ako nito. Im not OA ha, this is me talaga kapag first and second day ng meanstruation ko, sobrang sakit ng puson ko.
"Anong ginagawa niyo dito at sino mga kasama m— Lee!!", kumapit na lang ako sa leeg niya nang buhatin niya ako. Bwiset na 'to, hindi man lang nahiya sa mga kasama niya. I saw Kaizer and Shein, hindi ko kilala ang isa pang babae na kasama nila.
Hindi nagsalita si Lee at basta nalang akong binuhat patungong kwarto ko at pinaupo doon.
"Pahinga ka ulit.", aniya at ngumiti pero inirapan ko lang.
"Here", napatingin ako sa babaeng kasama ni Shein at inabot ang inaabot nitong water bag at nilagay sa may banda ng puson ko.
"Thank you", sabi ko at pumikit na. Bahala na sila, I really don't have the energy to entertain them kasi sobrang sakit ng puson ko and body pain na naman.
*
Hindi ko alam kung ilang oras ang nakalipas pero paggising ko ay medyo nawala na ang sakit at lumamig na rin ang water bag kaya maingat akong bumangon at lumabas ng kwarto ko.
Nandito pa rin sila.
"Kaya kapag nagising siya, huwag ninyong pinapasakit ulo nun dahil ganun ang mga babae kapag may dalaw. At isa pa nagiging sensitibo kami, I mean depende yun pero mostly madali kaming masaktan and umiyak.", dinig kong sabi ng babae na hindi ko kilala.
"True! Para na rin kaming buntis kapag may dalaw kami dahil kung ano-ano na rin ang mga gusto naming kainin, kumbaga parang naglilihi.", segunda naman ni Shein na tinanguan naman ng dalawang lalaki.
"Kaya be gentleman kayo dapat.", sabi ng isang babae na ikinangiti ko.
"Hey, sorry nakatulog ako.", tawag pansin ko sa kanila.
"Hindi okay lang, ayos ka na ba?", tanong ni Shein sa akin.
"Ayos naman na, thank you ulit sa water bag.", sabi ko sabay upo sa tabi ni Lee. Yung dalawang babae ay nasa aingle sofa and then si Lee and Kaizer naman ay nandito sa mahabang sofa kaya dito na ako naupo.
"Welcome. By the way, I'm Karzhen.", pakilala nung babae.
"Im Xairynne but Jayd nalang.", sabi ko at ngumiti pa.
"Magkakaibigan na kayo dati?", tanong ko since Im curious.
"Hindi pero kilala naman namin ang isa't-isa dati.", sagot nitong Shein.
I didn't know why pero sobrang gaan na ng loob ko with them. Parang matagal ko na silang kilala pero hindi. Nag-kwentuhan pa kami with kasamang bardalugan na hindi maiiwasan. Kumain na din kami dahil nagluto pala sila ng food which is sobrang pinasalamatan ko. Bumili pa nga daw sila ng lulutoin kahit na may stock naman ako pero nahiya daw sila. Psh.
Another Chapterr, thankyou Kejsh!