Chapter 1

51 1 0
                                    


THE NEW GIRL


Bella's POV

HUMINGA ako ng malalim at napapikit ng mariin para maiwaksi ang kabang nararamdaman ko ngayon. Nasa tapat ako ng isang saradong silid-aralan na paglalagian ko ng natitirang semester this school year.

It's my first day as a newly transferred student here in Greenfield High Academy!

Ito ay isang 'underrated' private school sa lugar na nilipatan namin noong nakaraang sembreak ni mama. Balita ko ay konting estudyante lamang ang pumapasok dito dahil sa mahal nitong tuition fee at dahil na rin sa kalayuan sa siyudad. Mas mabuti na rin iyon para kahit papaano ay hindi ako tablan ng social anxiety ko. Hindi ko na kailangan makihalubilo sa maraming tao hindi tulad noong nasa dati akong eskwelahan. Mas gugustuhin ko mag-aral dito kahit mahal ang tuition dahil sa sitwasyon na ito, salamat sa savings ni mama at padala ni papa galing sa abroad. May inaalok din ditong dormitory pero hindi na ako nag-dorm dahil walking distance lang naman dito 'yung bago naming bahay ni mama. Mas makakatipid pa.

For sure, magkakaroon ako ng peace of mind dito. Manifesting!

Dali-dali na akong kumatok sa pinto ng room at tinanggal ang kaba at nerbyos sa katawan. Wala pang isang minuto ng bumukas ito at tumambad sa akin ang isang babaeng nakangiti. Short hair siya at may dimple. Cute at mukhang mabait.

I cleared my throat, "H-hello, ito po ba ang section "11-Gemstone"?" I asked.

She widen her smile, "Yes, dito nga. By the way, ikaw ba si Bella Santos? 'Yung transferree?"

I nod, "Yes"

"Ayy ikaw pala 'yon, welcome!" Nakangiti niya akong inalalay papasok sa room at umupo kami sa unahan.

"I'm Althea Sanchez, you can call me "Thea" for short. We can be friends, actually!" masigla niyang sabi sa akin pagkaupo namin.

"Ang bait mo naman tas ang friendly pa!"

Maya-maya lamang ay may dalawang estudyante ang lumapit sa kinauupuan ko, isang babae at isang lalaki.

"Ikaw ba 'yung bago naming kaklase? Hi! I'm Rose Anne, "Rosie" na lang for short! Welcome to the club, girl!" intro sa akin nung girl. May pagka chubby siya and cute, 'happy-go-lucky' type of girl siya.

"I'm Kyle naman, at your service! Nice to meet you!" sabi naman sa akin nung guy. May pagka-smooth siya gumalaw at mukhang joker. May clip pa siya sa buhok niya at mukhang naka-foundation. Confirmed!

Nilibot ko pa ang paningin ko sa loob ng silid, may nakita akong dalawang babae sa isang tabi na busy sa pagbabasa ng libro at pagsusulat ng notes, "Sila 'yung mag bestfriend na laging study first! 'Yung naka-eye glasses na girl na mukhang nerd, 'yan si Caitlyn. 'Tas yung katabi niya na cutie girl na blonde ang short hair, 'yun si Lucille ang top 1 ng Gemstone!" pakilala sa akin ni Althea sa kanila.

Nilibot ko pa ang paningin ko sa paligid at may nakita naman akong isang lalaki na nakaupo sa likod na tahimik na nakamasid sa lugar namin, may kakaiba sa paraan ng pagtingin niya, "At iyan naman si Andrei, tahimik lang iyan lagi. Walang kibo. Walang pakialam sa paligid. Mahilig lang siyang mag-observe sa paligid niya"

"I see" agreed ko.

"Nasaan na pala 'yung iba pa nating kaklase? 14 tayo, diba?"

Can You Find Me? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon