Prologue

2 1 0
                                    

Jiana's Pov

Patuloy ang pag-iyak ko habang naka higa sa aking kama. Isang buwan na simula nang iwan ako ni Eugenio para sa girl best friend nya.

Lumabo lang ang lahat dahil hindi ako kasing dali makuha katulad ng inaakala nya.

Ang totoo nyan matagal na kaming mag ex ni Eugenio ngunit gusto nya makipag balikan nitong mga nakaraang buwan at pumayag naman ako roon basta ay liligawan nya ulit ako.

Malapit ko na sana ulit syang sagutin ngunit nagkaroon kami nag hindi pagkaka-unawaan.

Gusto niyang makipag kita saakin kaya tinanong nya kung ayos lang, sinabi kong siya ang bahala dahil okay lang Naman saakin ngunit iba ata ang pag kakaintindi nya sa sinabi kong yoon at nagalit sya kaya napag desisyonan naming huwag nang ituloy ang ligawan.

Ang akala ko ay maaayos pa Namin this time kaso hindi na pala, umaasa lang ako.

Nalaman ko sa kaibigan ko na may relasyon daw si Eugenio sa kaniyang kaibigan, nung una ay hindi ako naniniwala pero kalaunan ay napag tanto kong totoo nga iyon.

Flash back...

Nasa bahay ako at nag sscroll lang sa TikTok habang binabasa ang mga quote rito na wari'y alam kung ano ang nararamdaman ko nang biglang nag chat saakin si Miaca isa sa kaklase ko.

(Convo)

Miaca Mariano

Nakita mo ba ang my day ni Jelly? Yung best friend ng ex mong malaki ang ulo?

Hindi pa beh, dipa ako nag open
Ng Facebook ei. Bakit?

Send a video.

What if sila pala matagal na?

(End of conversation)

Hindi ko pinansin ang huling chat ni Miaca at pinanood nalang Ang video.

Habang pinapanood ko ang video nakita kong nag p-practice ng pag martsa ang mga G-12 students doon dahil nalalapit na ang kanilang Graduation.

Wala naman akong nakitang mali sa video dahil magkaibigan naman sila
at natural lang na mag kasama sila dahil parehas din silang G-12.

Ngunit nang dumating ang araw ng Graduation may litratong sinend saakin ang aking pinsan at sinend ulit iyon saakin ni Miaca.

Litrato iyon ni Jelly at ni Eugenio na mag kasama at naka suot ng toga.

Doon na ako nag taka at Napa isip na tama nga sila, may namamagitan sa dalawa.

(End of the flashback)

Hanggang ngayon ay iniisip ko kung bakit sa kaibigan nya pa ako pinag palit.

Parang kailan lang ay tinatanong pa ako Ng Jelly nayon kung bakit kami nag hiwalay dahil ang alam ng mga G-12 ay kami na kahit nanliligaw palang ulit sya.

Tumayo ako sa aking kama at nag punas ng luha. Nakita kong nasa kusina ang nanay ko at nag luluto kaya umiwas akong pumunta roon para hindi nya makita ang mata kong namamaga.

Nakatulala ako malapit sa kulungan ng aso ko ng biglang sumakit ang sikmura ko. Naalala ko tatlong araw na ang naka lipas nang nag inuman kaming mag ttropa para maka limot at mukhang ngayon ako dinalaw ng acidic.

Pinilit kong tumayo upang ipag bigay alam iyon sa aking ina at nagalit siya dahil paniguradong nung umalis daw ako ay uminom daw kami ng alak at di naman sya nag kakamali roon.

Nang araw nayon ay ang pag hinto ko sa pag inom ng alak at ang gawain ko nalang sa gabi ay ang umiyak kahit alam kong wala na iyong magagawa dahil official ng si Jelly at Eugenio. Minamyday na nila ang isa't isa at hindi na nahihiya ngayon.

Dumating na rin ang pasukan at G-12 na ako. Inaamin kong hindi pa ako nakaka move on, hindi ko rin alam kung bakit pero mas minabuti kong ganon kesa mag hanap ng panibagong lalaki sa buhay ko.

Ito pala ang unang araw nang f-2-f simula nung nag lock down. Andaming transfer at inaamin kong may mga itsura naman sila. O dahil naka facemask lang sila at diko nakikita ang buong mukha nila?

Naka upo ako sa room namin nang bigla akong Maka ramdam ng ihi kaya naman ay nag pasama ako sa mga kaklase ko.

Habang nasa Cr ay naiihi na rin ang mga kasama ko kaya nag sipag ihian narin sila at papalabas na sana kami nang biglang may bumungad saamin grupo ng mga lalaki at bubuksan na sana ang pinto ngunit nauna namin itong buksan kaya nagulat sila.

Umalis kami ron habang tumatawa pero di maipag kakaila na gwapo ang lalaking nauuna ah.

Mga transfer ang mga iyon dahil hindi ko pa nakikita ang mga iyon noon. At tama nga ako dahil ang G-11 adviser na subject teacher namin ay sinabi na may mga transfer students sya from St. Paul

Nagkaroon ko ng interest sa isa sa mga studyante nya at dahil don mejo nakalimutan ko si Eugenio. At tuwing papasok ako sa school ay nag papapansin ako sa room ni ma'am Mae, na noon ay hindi ko naman gawain.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 02, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Boundless LoveWhere stories live. Discover now