Ilang gabi at araw ang itinagal ko sa pagkukulong lang sa kwarto, dinadalhan na lang ako ni mama ng pagkain, sobrang kaunti lang ang nagagalaw ko dito at minsan hindi ko pa ito ginagalaw, alam kong ang nagiging hubby ko ngayon ay hindi healthy para sa anak ko but even I tried to eat or to sleep, I ended up being frustrated at walang gana sa lahat.
Tok..tok..tok...
"Anak, kailangan ka daw makausap ni Atty, Gutierrez, nasa baba siya ngayon" tawag sa akin ni mama sa labas ng kwarto ko.
"Ano daw pong kailangan niya?" Walang ganang tanong ko habang naka sandal lang sa headboard at nakatuon ang atensyon sa kawalan.
"I don't know...basta ang sabi niya importante daw" sagot niya.
Ilang segundo din akong hindi nakapag salita at nag dadalawang isip kung handa na ba akong makipag usap ngayon sa iba.
"Sige po, pakisabi na lang na pakihintay lang po ako saglit" huminga muna ako ng malalim bago tumayo at inayos ang sarili.
After I fixed myself ay bumaba na ako at naabutan ko si Atty. Gutierrez na nasa sala at nakikipag usap sa mga magulang ko.
Nagawi naman ang tingin nila sa akin at agad na tumayo si Atty. Gutierrez para kamayan ako.
"Magandang umaga Mrs. Hasegawa"
"Magandang umaga Attorney...ano pong sadya niyo?" Tanong ko at sabay na kaming umupo.
"Uhmm...gusto ko lang sanang iabot ang mga dokumento na to" he said sabay abot ng makakapal na apat na envelope sa akin.
"What are these documents for, attorney?" Nagtatakang tanong ko.
"Tapos ng imbestigahan ng korte ang lahat ng properties ng pamilya Hasegawa, and as a result of their investigation, all their businesses and properties were legally acquired...kaya walang karapatan ang kobyernong bawiin yun sa mga Hasegawa" paliwanag niya.
But I'm still confuse, may roon ng edeang pumapasok sa isip ko pero ayoko namang mag assume na tama ako.
"And?" I said para mas ipaliwanag niya ng malinaw.
"You are the only living Hasegawa, kaya lahat ng pera sa banko, mga properties and businesses ay ililipat sa pangalan mo" dagdag na paliwanag niya.
Pare-pareho naman ang mga naging reaksiyon namin ng mga magulang ko, lahat kami ay nagulat at hindi makapaniwala, as I said before hindi basta-bastang mayaman lang ang pamilya ni Skyler, they are billionaire.
"Even the hospital?" Paninigurado ko.
"Lahat"
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon, kung dapat ba akong matuwa o dapat ba akong mag alala, because in the first place I don't have any experience or idea sa pag papatakbo ng isang malaking negosyo.
"That is not permanent Mrs. Hasegawa, because when the child turn 18 everything will be transferred to her name...because by blood and her name she is the original Hasegawa" dagdag niya.
I just nodded at isa-isang binasa ang mga dokumentong inabot niya, ang pinaka napansin ko ay ang mga titolo na napakarami at hindi lang daw iyon basta-basta titolo ng mga bahay, karamihan daw duon ay mga mansion at mga private resorts.
I'm so overwhelmed to all those things na dumating na sa point na hindi ko na alam kung ano bang gagawin ko sa mga to.
Nagpaalam na si Atty Gutierrez kaya muli ko nanamang ikinulong ang sarili ko sa kwarto.
THE END
![](https://img.wattpad.com/cover/310951634-288-k238846.jpg)
BINABASA MO ANG
MY PSYCHOPATH WIFE (BOOK I)
Romance(FREE STORY) DARK ROMANCE GENRE Love turns sinister as woman falls for a woman who seems perfect in every way-soft, caring, kind, and beautiful. She is her favorite person, showering her with affection and attention. But her world is shattered when...