Sorry for the long update. Mas priority ko pa kasi ang book2 ngayon kaya mahina ang update dito. But I'll try to update hanggang sa kaya ko. Basahin niyo na lang din ang book2 at book3 habang hinihintay ang update dito..
The Lost Ultimate Hacker Assassin ang title ng book2.
The Downfall of the Prodigious Experimenter Assassin para sa book3.
Story yun ng mga kaibigan ni Frosty Lizehdelz. Mas maganda kong mabasa niyo yun :)
Kung gusto niyo din mabasa ang unang exposure ni Frosty Lizehdelz dito sa wattpad, basahin niyo nalang din ang book1. The Emperor's Empress ang title..
________________________________
-Frosty Lizehdelz's POV-
Exact 12 noon ay nasa tapat na ako ng office ni Mr. Zach. I'm about to knock ng bumukas ang pinto.
"Good afternoon, Mr. Zach." Bati ko sa kanya. Tumango lang siya sakin at pumasok uli kaya pumasok narin ako. Nandun na sa loob ang campaign team niya na nakasuot ng kulay violet.
O-kay. OP na ang color ng shirt ko. Ako lang kasi ang nakasuot ng color white. And now, all of them are looking at me.
"Which partylist are you, Miss? Are you a supporter of Mr. Henry Rosales of the other partylist?" Mataray na sita ng secretary ni Mr. Zach..
Tinaasan ko siya ng kilay bago sumagot. "Does my shirt bother you?"
"And heck with politicians." Dagdag ko na nagpalingon kay Mr. Zach sakin.
"What?" I asked him. Napabuntong-hininga nalang siya saka napa-iling.
"Alright. Everyone is already here so we'll start the meeting." He announced. Nagsi-pwesto naman ang lahat.
"We are going to discuss about the schedules. Beatrice, kindly distribute the papers." Saad niya at kumilos naman ang secretary niya na Beatrice pala ang pangalan.
Inirapan pa ako ni Beatrice pagkatapat niya sakin saka pabalang na inabot ang papel sakin na may laman na schedule.
Masuri kong binasa ang schedules ni Mr. Zach saka nilagay sa bulsa.
Nagsimula na silang mag-usap sa mga gagawin habang ako ay nakikinig lang sa isang tabi hanggang sa matapos ang meeting.
"Meeting adjourned. See you tomorrow in the campaign." Sabi ni Mr. Zach sa mga tauhan niya.
Naglabasan na ang nga tao kaya kaming dalawa nalang ang naiwan sa loob.
"Next time, wear anything violet." Sabi niya sakin.
"K." Tanging sagot ko at naupo sa isang couch sa tabi.
Ang boring naman kaya ayaw ko sa ganitong mission. Tsss. Walang thrill. Walang challenge. Walang excitement.
"What's your name?" Biglang tanong nya sakin.
"Frosty Lizehdelz." I answered.
"I mean your real name not your code name."
"And why?" I asked. Ano na naman ang plano nito?
"Don't expect me to work with you, miss, without knowing your name. Now, tell me your name."
"Xyrene." Sagot ko nalang para wala ng maraming satsat.
"Xyrene?" Pabitin niyang tanong na para bang gusto niyang malaman kung ano ang karugtong.
"Just call me Xyrene. Don't ask further."
"Fine."
Ilang oras na namayani ang katahimikan sa loob ng kwarto. Nagbabasa lang siya ng mga papel sa office table nya at sumasagot ng ilang tawag habang ako naman ay naglalaro sa cellphone ko.