"Before we ate lunch, kailangan na muna natin mag asessment," Napairap na lamang ako sa hangin.
Bwisit itong teacher na ito pinunta ba naman ako sa pinaka likod wala man lang akong katabi talagang pinaka likod ako pinaupo. Nakakaasar ayoko na itong subject niya kung pwede lang huwag na pumasok sa subject niya eh, pero kailangan noh ayaw ko bumagsak.
Nagsimula na nga magpa assessment si sir rodny, buti at nakagamit kami ng TV naka connect ang laptop niya duon at duon din nakalagay lahat ng lesson niya para saamin. Hindi naman ako nahihirapan dito sa likod kasi hindi ko na kailangan tumayo at itaas ang leeg ko kasi nga naka TV kami.
Ang kinakabwisit ko lang naman ay ayoko dito sa likod dahil hindi ako makakapag concentrate sa subject niya, ano bang problema niya saakin. Kaasar.
"Are you all done?" Tanong ni sir. Agad naman kami nagsabi ng 'yes'. Madali lang naman ang pinagawa niya arrange the words lang pero yung iba mahirap pero buti at naansweran ko.
"Okay sa firts raw muna mag umpisa hanggang sa pinakalikod," Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Nagtama ang paningin namin. Ako ang unang umiwas ng tingin dahil nakakaasar ang ngisi niya. Para akong pinag tritripan ng teacher na ito ah.
Lumipas pa ang mga ilang minuto at nasa last raw na ang magpapa check, tangina ang tagal hindi pa pala last raw yun kundi ako ang pinaka huli kaya ako ang huling lalabas. Kingina anong trip ng teacher na ito.
"Next," aniya ni sir. Dahil ako na lang ang pinaka huli ay agad akong pumunta sa harap at inabot ko sakaniya ang aking notebook. Nagtaka ako dahil hindi niya kinukuha nung lumingon ako sakaniya ay nakatitig pala siya saakin. Bigla ako kinabahan.
Problema ng teacher na ito.
"Sir can you please check my notebook, 12pm napo overtime na," mahinahon kong sabi. Pinipigilan ang mainis, napatingin naman siya sa notebook ko at kinuha yun at chineck.
"You have one wrong go to your seat and change your answer in number 3," Seryosong sabi ni sir. Nanlaki naman ang mata ko akala ko kahit may isang wrong o ilan pa yan ay pauuwiin niya na.
" Its just one mistake sir,"Asar ko nang sabi.
" And so?" Taas kilay niyang pambara saakin.
" Sir naman, kailangan po ba na ma perfect yan para pakawalan mo na ako?" Hindi ko makapaniwalang sabi.
" Hmm, yeah." Bored niyang sabi at iniwas ang tingin saakin. Asar ko naman kinuha ang notebook ko kahit sagut sagutin ko si sir hindi pa din siguro mag babago isip niyan. Teacher siya eh.
Bumalik nanaman ako sa harap para ipakita ko ang aking answer ulit.
"Oh," inilapag ko na lamang sa table ang notebook ko.
"I hate your attitude Miss Fleur. Im your teacher you should respect me." Malamig na sabi ni sir rodny kaya kinabahan ako.
"Sorry po sir rodny," Mahina kong sabi. Kahit minsan siraulo ako meron pa din naman akong respeto sa mga nakakatanda saakin. Ewan ko ba kasi bat inis ako kay sir.
Nang mag angat ako ng tingin sakaniya ay nakatitig nanaman siya saakin, ang sarap niyang titigan kung pwede lang tagalan at hindi nakakailang ginawa ko na maghapon.
"Dont you dare do that again, its rude," diretso niyang sinabi yun habang nakatitig saaking mata. Agad naman ako napaiwas ng tingin sakaniya.
YOU ARE READING
Loving You From Afar | Completed
عاطفية(Loving Series #1) Jenn, thoughts that she never been fall inlove with someone but looking with Rod, who was a serious person he met Jenn by gotten his attention. They believe in the saying that the right person is the wrong time and for them, they...