"Jennifer Celeste! gumising kana at anong oras na!" Sigaw ni kuya sa labas ng aking kwarto.
Pwedeng huwag nalang ako pumasok naaalala ko pa din yung ginawa ko kahapon, nakakahiya paano na ako haharap sakaniya ng normal ngayon. Panigurado ako ang pag iinitan niya sa classroom kapag siya ang teacher namin. Shit paano na ito. Hindi kasi matahimik ang putanginang bibig ko na ito eh.
"Isa Jennifer Celeste! Kapag hindi kapa lumabas ng kwarto mo bubuhusan kita ng malamig na tubig diyan!" Pagbabanta ni kuya. Agad akong napaupo sa kama dahil sa sinabi niya.
"Oo na lalabas na!" Pasigaw ko din na sabi at nakasimangot na gumising at nag ayos ng sarili.
"Ang pangit mo," Pambabara ni kuya saakin. Kakatapos ko lang maligo at mag ayos ng sarili tapos sasabihan niya ako ng ganiyan.
"Anong panget? Sinong panget? Mas pangit ka," Pagganti ko sakaniya.
Kaagad kaming sinaway ni papa kaya tumahimik kami at payapang nag almusal. Pagkatapos niyon ay agad na din ako nagpaalam na papasok na.
Habang palakad sa school ay hindi ko maiwasang kabahan shutabels lord please help me. Agad akong natigilan ng makita si Nelson sa may gilid ng gate at parang may hinihintay. Ang lakas ng dating niya paano ba naman naka green oversized siyang t-shirt at naka slacks, nasa bulsa niya pa ang kaniyang isang kamay at yung bag niya naman ay nasa isang balikat niya lang. Crush ko talaga siya. Tinitignan ko ang mga babae na tumitingin sakaniya at ang iba ay namumula pa. Pinag patuloy ko na lamang ang paglalakad at hindi siya pinansin.
"Goodmorning Queen," Habol saakin ni Nelson. Napatigil ako sa paglalakad at hinarap siya.
" Im not Queen. I am Jennifer Celeste." Mataray na sabi ko na ikinatawa niya. "Mga lalake nga naman iba iba babae tapos kung ano ano pa pinapangalan saaming mga babae." Mahinang bulong ko.
"I heard that," Natatawa niyang sabi. Inirapan ko nalamang siya.
Binilisan ko ang lakad ko pero na hahabol pa din ako ng tarantado, pero agad din bumagal ang lakad ko ng masasalubong ko si sir rodny. Anong gagawin ko, tangina bahala na agad ako kumapit sa braso ni Nelson at yumuko.
"H-huy, okay ka lang?" Nauutal niyang tanong, agad ako tumango pero naka yuko pa din. Iniangat niya ang aking ulo at halos masamid ako sa sarili kong laway ng magtama ang paningin namin ni sir rodny. Ang sama ng tingin niya saamin pero yung mata niya ay nasa kamay kong nakapulupot sa braso ni Nelson.
Agad akong bumitaw kay Nelson ng malagpasan na kami ni sir rodny at agad ko na din binilisan ang paghakbang ng mga paa ko para lang makapunta agad sa room.
Hinihingal akong napaupo saaking upuan, ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Natulala pa ako saglit.
"Ayos ka lang?"
"Mama!" Gulat kong sabi.
Nagulat ako ng lapitan ako ni Alyana at kausapin, nagulat din ata siya pero agad din nawala yun.
"Ayos ka lang ba?" Pangalawang tanong niya na at nagaalala saakin.
"Oo ayos lang ako, ano kaba nanggugulat ka naman eh," sabi ko habang nakahawak sa dibdib ko na unti unti ng kumalma.
"Ok, akala ko may iniinda ka ng sakit," sabi niya sakin.
"Wala naman, hindi pa ba tapos nalinisan yung sa harap?" Tanong ko. Umiling siya kaya naman ako na ang nag aya na maglinis na kami.
YOU ARE READING
Loving You From Afar | Completed
Romance(Loving Series #1) Jenn, thoughts that she never been fall inlove with someone but looking with Rod, who was a serious person he met Jenn by gotten his attention. They believe in the saying that the right person is the wrong time and for them, they...