"Ano ba naman 'yan sabi niyo 9am, anong oras na." Naiinis kong sabi. Kanina pa ako nandito sa paradahan ng uddiawan dahil pupunta kami sa solano kailangan pa namin mag tricycle para makapunta doon.
"Saglit lang Jenn, On the way na ako." Natatarantang sabi ni charlene.
"Oo saglit lang on the way na din ako promise," Sabat naman ni Izara.
"Siguraduhin niyo lang. 9:47am na mag iisang oras na ako naghihintay sainyo, pag wala pa kayo ng 10am uuwi na lang ako." Asar kong sabi at pinatay ang video call namin sa messenger.
Mabilis talaga akong mainip kapag hindi nasusunod yung oras, hay nako talaga yung dalawa na yun napakabagal kumilos. Ako din naman matagal din kumilos lalo na sa pagkain buti nga natitiis nila akong dalawa na mahintay sa pagkain.
"Jennifer! Oh god buti naabutan pa kita akala ko umuwi kana," Hinihingal na sabi ni Izara.
" Nasaan na si Charlene?" Simangot kong tanong.
" Malapit na daw siy-"
"Hi! Im here na. Lets go!" Pang aaya ni charlene. Nakahinga naman ako ng maluwag akala ko hindi na nila ako sisiputin, sumakay na nga kami sa tricycle dahil kaming tatlo nalang ang hinihintay.
Nung nakaapak na kami sa solano ay hindi ko maiwasang ilibot ang aking paningin, wala pa din naman masyadong nagbago. Ang tagal ko nang hindi nakapunta dito sa solano dahil sa 2 years na lockdown. Buti at nakalabas din.
"Saan muna tayo pupunta?" Excited na tanong ko.
"Sa ATAW," Sabi ni charlene. Kaagad naman kami nagsang ayon ni Izara dahil madaming paglalaruan doon sa ATAW meron pa ngang pag video-oke.
Excited kaming pumasok sa ATAW ngayon lang din naman kami mag bonding kaya susulitin na namin. Agad na muna kaming naglibot sa first floor baka meron kaming matipuhan na bilhin. Nasa seond floor kasi yung arcade, nang wala naman kami mabili ay pumunta na kami sa second floor para maglaro.
"Doon tayo!" Masayang sabi ni charlene at hinila pa kami papunta sa teddy bear machine.
"Hindi ako marunong manguha niyan," tukoy ko sa teddy bear.
"Sus basic lang yan," sabi naman ni Izara at naghulog siya ng barya sa machine.
" Gusto ko yun!" Masayang turo ko sa kulay pink na maliit na teddy bear.
" Watch me," Nakangising sabi ni Izara. Sinimulan na niya ngang kunin ang tinuro ko.
Tinawanan namin siya ni charlene ng hindi niya nakuha ang tinuro kong teddy bear. Nakasimangot si Izara ngayon at parang naagawan ng candy.
"Watch me," Pang aasar pa ni charlene. Tinawanan naman ulit namin siya.
" Funny," pairap na sabi ni Izara.
" Doon naman tayo sa may basketball," aya ulit ni charlene. May machine din yung pag basketball-an kaya ang nag shoshoot lang ang ibang naglalaro.
Naghulog kami ulit ng barya, nakisali na rin ako at naka dalawang shoot na ako. Ikaw ba naman kasi merong kapatid na lalaki syempre nagpapaturo din ako kay kuya mag basketball.
"Wow ang galing mo Jenn," Namamanghang sabi nila charlene at Izara.
"Siyempre nasa gawa muna ako bago mag salita," Nakangisi kong sabi habang nakatingin kay Izara.
" Yabang mo," Asar na sabi ni Izara. Tinawanan naman namin siya.
Habang busy sila ay sa pagshoshoot ng bola ay naboboring na ako pano ba naman kasi nakailang shoot na ako at sila ay minsan lang nakakashoot kaya hinayaan ko na lamang sila nag eenjoy naman sila eh.
YOU ARE READING
Loving You From Afar | Completed
Roman d'amour(Loving Series #1) Jenn, thoughts that she never been fall inlove with someone but looking with Rod, who was a serious person he met Jenn by gotten his attention. They believe in the saying that the right person is the wrong time and for them, they...