PROLOGUE

15 0 0
                                    


DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Minsan ba ay naranasan mo na o naramdaman na parang inaayawan kana ng lahat miski ang sarili mo pa pamilya? Kasi ako oo, katulad ngayon araw.





Na andito kami sa hapag-kainan kasama ang aking ama at ang ka isa-isahan ko kapatid at ang bago kinakasama ng aking ama. Sampung taon lamang ako nung namatay ang aking ina sa edad na tatlumpu sa sakit na cancer at limang taon na sya wala at limang taon na din ako na ngungulila sa pagmamahal ng isang ina.




Nangibabaw ang katahimikan ng binasag ni kuya ang katahimikan, pero ito ako tuloy-tuloy lang ang kain hanggang sa matapos na ako.




Tumayo na ako upang umakyat na sa kwarto "Akyat na po ako" Pag papaalam ko sa aking ama pero kahit tingin ay hindi man lang nya nagawa. Tumingin ako kay tita Helena ang kinakasama ni papa at nagpaalam na ako dito tanging ngiti lang ang sinagot nito sa akin.




Na andito na ako ngayon sa kwarto at nakatitig sa kisame. Simula ng magkaisip na ako doon ko napagtanto na iba ang pakikitungo sa'kin ni papa ni minsan hindi ko sya nakikitaan ng pagmamahal sa'kin. Alam nyo yon kakaiba yung pakikitungo nya sa'kin para bang

...Para bang hindi nya ako anak.




Yung tipong physically ang lapit ko sakanya pero pakiramdam ko ang layo-layo ko sakanya, kung tutuusin dapat masanay na ako na ganon ang pakikitungo nya sa'kin pero hindi ko parin maiwasan hindi masaktan. Simula bata ako nangungulila ako sa pagmamahal ng isang ama.




Sabi nila maswerte ako dahil may ama pa ako pero hindi nila alam na kahit buhay ang aking ama ni minsan hindi ko naramdaman ang pagmamahal nya. Lagi sinasabi ng ibang tao na maswerte ako dahil bunso ako at nakukuha ko lahat ng gusto ko pero pagmamahal nga ng isang ama hindi ko makuha-kuha.




Kung para sakanila ay swerte ako dahil bunso ako doon sila nagkakamali, hindi nila alam ang kwento ko hindi nila alam kung gaano ako naghihirap ngayon.




Hindi ko maintindihan, why they always think that being the youngest is the favorite and spoiled?




They always think that being the youngest is the favorite and spoiled. Funny how people think that being the youngest child is the luckiest, but they don't even know what their going through.




They don't know how physically and mentally drained. No one talks about our pain kasi matanda sila at bata kami, tinatanggalan kami ng karapatan i-voice out ang nararamdaman namin.




Sometimes, I tried to open up pero ang natanggap ko ay pang i-invalidate. I hate the fact na alam ko na kung ano patutunguhan non pero alam nyo yon? andon parin yung hope, yung pag-asa na baka sakaling maintindihan nila ako na yayakapin nila ako at sasabihin nila na naiintindihan nila ako. Simple lang naman ang gusto ko, eh ang may tao iintindi sakin sa panahon na hindi ko maintindihan ang sarili ko mahirap ba yon?




Ang hirap sa mga matatanda porket matanda sila feeling nila alam na nila ang lahat na tama sila palagi dahil matanda sila. Hindi nila alam dahil don ay may na i-invalidate na sila na ibang tao.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Chasing the freedom Where stories live. Discover now