CHAPTER 1

14 0 0
                                    

CELINA POV

Mula dito sa aking kwarto ay nakatanaw lang ako sa labas habang nakabukas ang bintana.




Ang sarap pagmasdan ng mga ibo tila ba sila ay masaya at malayang nakakalipad, pero katulad ng mga tao may iba din mga ibon na nakakulong sa madilim at pinipilit mabuhay.




Hindi ko maintindihan bakit may mga taong mapang-abuso sa hayop. Yung ibang aso at pusa kung abusuhin sila sobra-sobra pwede naman kung ayaw nilang pakainin palayasin na lang nila hindi yung sasaktan nila.




Napatingin ako sa pinto ng magbukas ito at sumilip si kuya sa kwarto. "Baba na daw, kakain na" Tanging tango lang ang sinagot ko dito, hindi ko naman din kasi sya close para nga magkakilala lang kami ni minsan hindi ko naramdaman na may kuya ako dahil hindi kami close.




Pagkababa ko ay nagsisimula na sila kumain kaya pumunta na ako sa pwesto ko upang kumain na din, sila papa at kuya naman ay naguusap habang kumakain. Hindi ko alam kung ano ang pinaguusapan nila at kung sakaling alam ko ang pinaguusapan nila hindi ako sasabat like heller bat ako sasabat, eh hindi naman ako belong sa pamilyang to.




Natapos na ako kumain at nagpaalam na ako sakanila pero ganon parin hindi parin ako tinignan ni papa.




Pagkatapos ko umakyat ay umupo na ako sa kama at nag isip-isip. Ang hirap pala mag isip pag walang isip, alam mo yon para lang nakalutang sa kawalan yung utak mo? Ganon ang nararanasan ko right now.




Pero no joke, ang boring talaga gusto ko gumala. Gusto ko hanapin ang sarili ko. Ang tanga-tanga kasi pati sarili nawawala, sama ng loob lang ata ang hindi sakin nawawala.




Pagkatapos ko mag desisyon ay naligo at nagbihis na ako. Balak ko pumunta sa SM, balak ko kasi bumili ng libro.





Dinala ko na ang dapat dalhin. Pagkababa ko ay na abutan ko si papa nasa sala at nanonood lumapit ako dito. "Pa, alis muna po ako" Tumango ito sakin pero ang mga mata nya ay nakafocus sa pinapanood nya.




Pagkalabas ko ay nag lakad na ako papuntang sakayan, isahan sakayan lang naman ang kailangan para makapunta ako sa lugar na pupuntahan ko.




Pagkababa ko ng sinakyan ko ay hindi na ako nag sayang ng oras, dali-dali na ako pumasok sa SM para bumili ng libro, umakyat ako ng isang floor dahil na andon yung national bookstore kung saan katapat ng BDO.




Pagkapasok ko ay una bumungad sakin ang mga school supply alangan naman damit eh national bookstore ito. Pumunta ako sa kabilang side kung nasan ang mga libro kasi ito naman talaga ang pinunta ko.





Madami mga bago libro ang nandito ngunit ang pumukaw ng atensyon ko ay yung libro na may pamagat na '11:11, Love' tungkol ito sa girl na pumunta sa ibang bansa at isinakripisyo ang sarili nya pangarap para sa kapatid nya.





Nag libot-libot pa ako sa buong national, hanggang sa mapunta ako sa section ng mga sticky tabs and sticky notes at sa mga highlighters and ballpens, actually pag gusto ko yung binabasa ko nag a-annotate ako pag gusto ko mag bigay ng opinion mag didikit ako ng sticy notes at doon ko nilalagay yung opinion ko

....Bagay na hindi ko magawa pag dating sa pamilya dahil para sakanila isa lamang ako bata.




Tinignan ko ang pinamili ko at pumunta na ako sa counter upang bayaran. Naka 520 ako at may sukli pa akong 30 pesos dahil dahil 550 ang binayad ko. Napatingin ako sa gilid ng cashier kung saan may box at doon nilalagay ang mga donation, hinulog ko don ang sukli at lumabas na ng national bookstore.





Balak ko kumain sa KFC dahil sa lahat ng kainan ko ay ito ang na gustuhan ko, bumili lang ako ng 1 pc na chicken with mushed potato.




Pagkatapos ko kumain ay nag ikot-ikot muna ako, hanggang sa na pag desisyonan ko na umuwi na dahil pagod na buong pagkatao ko.




Pagkalabas ko ay madilim na, hindi ko namalayan yung oras. Sumakay na ako sa sakayan at sinabi ang lugar kung saan ako pupunta, tinignan ko ang cellphone na dala ko Friday ngayon, bukas ay pupunta ako sa simabahan dahil tuwing sabado ay na punta ako sa simabahan.




Huminto na ang sinasakyan ko at nag bayad na ako kay kuyang driver. Tinitigan ko ang kabuuan ng labas ng bahay malaki ito ay makulay pero kahit makulay ito ay parang walang ka buhay-buhay.




Binuksan ko ng dahan-dahan ang gate at pumasok na dito. Napabuntong hininga na lang ako ito na naman tayo mapapasabak na naman sa lukod pumasok na ako sa bahay ay walang tao dito sa baba siguro ay tulog na sila.




Umakyat na ako sa aking kwarto at nag linis na ng katawan at nag palit na ng damit at pumunta na sa kama
nakatitig lang ako sa kisame ay hinayaan magpakain sa antok.

Chasing the freedom Where stories live. Discover now