"Yehey meron daw recognition ang mga merong honor" Masayang anunsyo ni jhanice.
" Sana all, with honor. "
" Bobo 'neto, paano ka magkaka honor eh lagi ka ngang absent. " Lahat kami nakarinig niyon kaya naman tumawa kami. Nagsisimula nanaman mag ingay ang mga ferson.
" 'Yun oh may pa inasal nanaman ang pamilya ko. " sabi ng kaklase kong with honor.
Meron pa kaming 3 weeks bago ang recognition at bakasyon, hindi naman ako na eexcite kasi nga doon lang naman ako sa bahay nakakulong tapos wala pang pera nakakabagot ang ganoon.
Ilang linggo na din ang nakalipas noong jhs and shs ball, pagkatapos ng usapan namin ni sir rodny ay parang bumalik sa normal ang lahat. Bilang studyante niya lang ako at teacher ko naman siya. Hindi ko maintindihan ang mga kilos niya ang gulo gulo niya, parang pinagmumukha niya saakin na wala lang yung pinag usapan namin nung jhs and shs ball.
Nakakalungkot nga kung bakit ganoon siya, kapag pumupunta naman siya dito sa room ay iniiwasan niya ang pagtitig ko sakaniya at hindi na din siya nag pa pa-exit assessment saamin, gusto ko pa naman siya makausap pero siya na ang umiiwas wala nakong magagawa 'dun.
"Tulala nanaman ang prinsesa," Nang aasar na sabi ni Nelson. Ewan ko ba sa lalaking ito minsan kinakausap ako, minsan naman ay wala siya sa paligid ko.
"Pake mo naman," Asar na sabi ko. Narinig 'yata ni alyana dahil napalingon pa siya saamin, at tumawa ng mahina.
"Hala, bakit ba ang sungit sungit mo saakin kapag kinakausap kita? Nahuhurt tuloy ako." Nakangusong sabi ni Nelson. Narinig din ng mga lalaki sa likod namin kaya nagsi hiyawan ang mga ferson.
"Uyy relasyon!" Asar na sabi ni Jace, tapos tumatawa tawa pa.
"Yiiee." Sabi pa ng ibang boys sa likod, napapikit naman ako sa inis.
"Puwede bang lumayo ka saakin? Tingnan mo oh kung ano ano na iniisip nila," Mahinang bulong ko kay Nelson na may halong inis. Nginisian niya lang ako at tumahimik na lamang at hindi ako nilayuan.
Hindi nagtagal ay lumayo na siya saakin dahil meron na yung subject teacher namin, kahit malapit na ang bakasyon ay madami dmi pa din sila pinapagawa, nakakasawa gusto ko na ng academic break 'noh.
Buti pa nga ang teacher namin sa Statistics and Probability ay tapos na ang lectured noya saamin, kaya ang pinapagawa niya na lamang ay M-Y-S, minsan naman ay hindi na siya pumupunta dahil wala naman na siyang ituturo saamin.
"Excuse me." Sabi ni sir rodny ng may tumawag sakaniya. Naglelectured pa din siya saamin, pero ako heto at malayo na ang naiisip napukaw niya lang ang tingin ko sakaniya ng mag 'excuse' siya saamin.
Tinignan ko si sir rodny sa may labas ng bintana at meron siyang kausap sa cellphone, napapangiti at napapatawa pa siya sa kausap niya. Sino kaya 'yun, hay grabe napapa overthink nanaman ako neto eh. Natigilan lang ako dahil sa huli niyang sinabi.
"Yeah sure, I love you." Napaawang ang labi ko dahil sakaniyang sinabi at tigagal na nakatingin sakaniya. Kaya ba iniiwasan niya ako dahil may girlfriend na siya? Hays, napakagulo pero ano yung makahulugan niyang sinabi saakin nung prom? Wala lang ba yun? Pinaglalaruan niya lang ba ako? Akala ko pa naman ay green flag siya.
Nang akmang papasok na siya sa room ay nagtama ang paningin namin, natigilan naman siya pero hindi ako umiwas ng tingin sakaniya nagtatanong ang mata ko pero iniwas niya lamang ang tingin saakin at lumoob na sa room. Seryoso nanaman siyang naglelecture, ako naman ay walang gana makinig sakaniya minsan nagtatama ang panimgin namin pero binibigyan ko na lamang siya ng malamig na tingin.
YOU ARE READING
Loving You From Afar | Completed
Romance(Loving Series #1) Jenn, thoughts that she never been fall inlove with someone but looking with Rod, who was a serious person he met Jenn by gotten his attention. They believe in the saying that the right person is the wrong time and for them, they...