THIRD PERSON POV
Isang matangkad na lalaki ang kanina pa nagmamasid sa mansion ni Azriel.
Bigo itong makita ang nasa loob ng mansion dahil sa taas at daming mga tauhan ni Azriel ang mga nakapaligid dito.
Hindi naman ito napapansin ng mga tauhan ni Azriel dahil sa galing nitong magtago.
LUDO POV
Muli na naman akong naisahan ni Azriel.
Nagkunwari pang galit ito sa akin 'yon naman pala ay muli na naman niya akong pipikutin.
Naalala ko bigla ang ginawa niyang panggigipit sa akin noon para lang huwag maibenta sa kanya ang aming lupain.
Wala parin itong ipinagbago unggoy parin siya hanggang ngayon.
Ang aking anak na si Collan ay sumama kay Alejandro para mamasyal naiinip na daw ito kaya mag-isa ako sa loob ng kanyang malaking bahay.
Wala din si Azriel dahil may importante itong inaasikaso,hindi ko na inalam kung ano ito.
Dahil sa pagkainip ay naisipang kong maglakad-lakad muna.
Suot ang isang simpleng puting bestida na abot sa itaas ng aking tuhod ay nagpasya akong lumabas.
Hindi naman siguro magagalit si Azriel sa aking gagawin.
Nang marating ko na ang napakalaking tarangkahan na kulay ginto ay halos magulat ako dahil sa dami ng mga naka-bantay dito.
Lahat sila ay nakatulalang nakatingin sa akin.
Matamis ko silang ningitian ng tuluyan na akong nakalapit.
"Magandang umaga My lady"
Sabay-sabay nilang pagbati habang iniiwasang tumingin sa akin.
"Magandang umaga po mga kuya,"matamis ko silang ningitian.
May isang matangkad na lalaki ang lumapit sa akin.
Tumikhim ito at namumulang nag-iwas ng tingin.
"A-ano pong m-maipaglilingkod namin M-my Lady?nauutal niyang tanong.
"Uhmm...maari ba akong lumabas sandali upang maglalakad-lakad"
"Pagpasensyahan niyo na po pero bawal po kayong lumabas,iyon po ang bilin ng aming Boss."Nakayuko niyang saad.
Napanguso ako sa aking narinig.
Tinignan ko sila isa-isa ngunit lahat sila ay nakayuko para bang isa akong prinsesa sa napapanood ko noong bata pa ako.
"Pero ang sabi ng aking asawa ay maari akong maglakad-lakad ngayon araw."
Pasimple kong kinagat ang aking dila dahil sa pagsisinungaling at pasimple ko ring itinago ang aking mga kamay sa aking likuran.
Upang hindi nito mahalata ang aking panginginig.
"Hindi ka ba naniniwala?Gusto mo ba na tawagan ko siya para makausap mo?pasimple kong kinagat ang aking ibabang labi dahil sa kaba.
Matagal muna niya akong tinitigan bago niya inutusan ang lalaking malapit sa tarangkahan.
"Ador,buksan mo ang gate."
Mabilis naman nitong sinunod ng lalaki.
"Maraming salamat po,"
Magalang lang itong yumukod sa kanyang harapan.
THIRD PERSON POV
Nakangiting lumabas si Ludo sa napakalaking gate ng mansion ni Azriel.
Sa loob ng mahigit isang buwan na pananatili niya sa mansion ni Azriel ay ngayon lang siya nakalabas na mag-isa.
Kaya sobra ang tuwa ng kanyang nararamdaman.
Tumingala ito sa langit at pumikit upang damhin ang simoy ng hangin.
Napabalikwas naman ang lalaking kanina pa nagmamasid sa labas ng mansion ni Azriel pagkakita sa babaeng mukhang angel na bumaba sa lupa.
Napangiti ito ng makita niya itong nakapikit habang nakatingala sa langit .
Hindi niya maiwasang mamangha dito hindi lang ito sa larawan maganda kundi pati narin sa personal.
Pasimple niyang tinignan ang mga tauhan ni Azriel na pasimple ding binabantayan ang babae.
"Mukhang mahihirapan akong makalapit dito ah."nayayamot na saad niya.
Nataranta ito ng magsimulang maglakad ang babae.
Mabilis naman itong nagtago sa punong kanyang pinagtataguan ng makita ang mga tauhan ni Azriel na pasimpleng sinusyod ang buong lugar.
"Damn it"
Hala😲😲 sino ito??
Please vote❤️
BINABASA MO ANG
MAFIA OBSSESION (BOOK2)
SachbücherSa loob ng limang taon ay namuhay si Ludo ng tahimik kasama ang kanyang anak. Tuluyan na nga ba niyang kinalimutan ang nakaraan. Paano kung may muling magbabalik? Eros Del Fuego sa loob ng limang taon ay siya ang tumayong ama sa anak ng babaeng pin...