Simula

6 0 0
                                    

Dahan dahan ko ibinaba ang aking hawak na payong para damhin ang pagdampi ng bawat patak ng ulan. They say that this is therapeutic. Maliban sa maaari ka umiyak ng hindi nahahalata, ang ulan ang sandigan ng mga emosyon na nais nating ilabas ngunit mas pinipili natin ikubli.

Naglalakad ako patungo sa kawalan. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko ngunit natagpuan ko nalang ang sarili ko na naglalakad sa gilid ng dagat. Patuloy ang paglakas ng ulan kasabay nito ang patuloy na pag ingay ng hampas ng alon.

I feel the pain in my chest. As the memories keep flashing on my mind. I struggle in breathing since kanina pa ako iyak ng iyak. Sobrang sakit, hindi ko maipaliwanag yung sakit na nararamdaman ko. I really don't know how to put all the pain into words.

Iniwan niya ako. Sa loob ng tatlong taon, siya ang naging sandalan at kakampi ko sa mundong pakiramdam ko ay hindi naman para sa akin. Naging sobrang gaan ng mundo dahil palagi ko hawak ang kamay niya lalo na kapag may problema. Hindi niya ako hinahayaan mag-isa. Palagi siyang nakaagapay at sinisigurado na kahit madapa ako ay hahawakan niya ang kamay ko para makabangon muli.

Umikot ang mundo namin sa isa't isa. Kaya naman nakulong ako sa mundong binuo niya para sa aming dalawa lamang. I am not allowed to go out with my friends or even with my workmates. He has all the access with my accounts. Noong una ay wala naman kaso iyon sa akin dahil gusto ko maramdaman niya na mahal ko siya, na mahalaga siya, at siya lang.

Ngunit hindi pala maaari na palagi tayo nakapaloob sa "ideal" natin. Nasakal ako, naramdama ko na hindi pala dapat ganito. There's more world outside us which will help us grow. Although, he refused to grow. Nawalan siya ng trabaho and he lost his will to play his favorite sports, which is basketball. I keep on holding his hands, telling how much I believe to his capabilities because I knew that he's more than that. That he can do more than that. Pero mas pinili nalang niya na bantayan ako sa lahat ng ginagawa ko. I keep on pushing him to be the best version of himself but he doubted.

Umaabot na kami sa punto na nasasaktan niya ako through words and actions. Hindi ko naisip na maaari kami humantong sa ganito. Hindi ito yung lalaking ginusto at minahal ko. Hindi ito yung lalaking ginusto ko makasama sa pagtanda.

But there's this thing that changes everything.

A man came and let me feel that I am loved. Isang lalaki na pinaramdam sa akin kung ano ang deserve ko. He's tempting, and yes I cheated on him.

I saw my boyfriend from a far. He's holding his tears and I can clearly see that he got hurt from what he saw. I begged him to forgive me. I begged him to stay. But he left me.

Naiintindihan ko iyon. After that breakup, my life become a mess. I realized that I lost my other half the night that he left me. I lost my strenght, I lost my hope, and I lost someone who is always ready to catch me when the world is tearing me apart.

Idinilat ko ang mga mata ko at dahan dahan yumuko. Nararamdaman ko ang malamig na tubig na humahampas sa aking mga paa ngunit balewala ito. Hinawi ko ang ilang piraso ng buhok na napunta sa pisngi ko.

"Miss, tumataas na ang alon. Huwag ka na lumayo sa dalampasigan!"

Patuloy na sumisigaw ang mga mangingisda sa akin. Sinunod ko naman sila at hindi na ako lumayo pa. Naupo lang ako sa dalampasigan habang nakatulala sa kawalan.

This is my choice. I choose to cheat on him. So this is all my fault. Nararapat lamang na masaktan ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 31, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

No more one moreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon