08.

33 3 0
                                    

I hate to admit but I have been trying my best to stretch my neck to just look for that one certain guy. Nagsisimula na ang program at nagsasalita na si Timothy sa harapan pero, wala pa rin si Samonte. Even his friends aren't here.

For the whole opening program, I focused myself on the program while constantly monitoring my classmates. Inabala ko na lang ang sarili ko sa panonood ng program hanggang sa mag-umpisa ang mga performance.

Nagsigawan ang mga estudyante nang magsimula ang performance ng bawat representatives. The music club sang songs and the whole crowd jammed with them. Kapag makakarinig sila ng pamilyar na tugtog, maghihiyawan sila at makikikanta. From a distance, I saw my cousins dancing to the soft songs and it made me chuckle.

Mana talaga kay Tito Kobi.

"Thank you, music club for the wonderful performance! And now, after the singing session, we'll move to the dance! Excited na ba kayo?!" The female host beside Timothy exclaimed. Naghiyawan ang mga estudyante kaya mas lumala ang excitement ng lahat.

"Let's welcome, the dance club!"

Pumasok ang myembro ng nasabing club. Habang nag-aayos sila ng music, bumaba ang tingin ko sa phone ko nang makitang nag-chat ang mama ko.

Mama Kali: anak, enjoy sa foundation day niyo!

Ako: yes po, mama!

"Isang masigabong palakpakan para sa dance club!" The music started playing so, I turned my phone off and placed it on my jean's pocket. Bumaling muli ang atensyon ko sa stage kasabay ng malakas na sigawan. Nangingibabaw ang tili ng mga babae roon kaya napatakip ako ng tenga.

"Ang gwapo! Putek!"

"Gagi, mahuhulog yata ang panty ko! Check mo nga, teh!"

"Ackkkk! Pakasalan mo ako!"

Several screams was heard and the moment my eyes caught the one dancing on the stage, my jaw dropped in shock. My eyes watched as his body rolled while his hands are sliding from his hair down to his chest and abdomen. Mas lumakas ang hiyawan lalo nang gumiling siya.

My eyes went to his face and I almost gasped loudly when I saw how his tongue glides on his lips as he danced with the beat of the sexy song playing. May bandanang pula na nakatali sa buhok niya. Nakasuot siya ng puting sando at puting long sleeve na nakabukas lahat ng butones at itim na pants na hapit sa hita niya. All of the guy dancing are also wearing the same thing but with him, dancing in the middle and in front, he became the center of attraction.

"Teh, ang laway mo, baka tumulo," I blinked when I felt my jaw being pushed upwards, making me close my mouth. Nakarinig ako ng hagikhikan kaya lumingon ako at nakitang katabi ko ang Vice president ng classroom namin.

"Huh?"

She giggled. "Laglag panga mo no'ng sumayaw si Janus, ah. Ang hot, 'no?" When I saw her teasing smirk, I was snapped out of my thoughts. Umayos ako ng upo at tumikhim.

"What do you mean?" tanong ko at muling bumalik ang tingin sa stage. Napahinga ako nang malalim nang makitang mga babae na ang sumasayaw.

I didn't expect to see Janus Samonte dancing on stage! Akala ko ay tinamad siya sa pagpasok kaya hindi nagpakita nang ilang araw. Ngayon, makikita ko siyang gumigiling doon sa stage, sinong hindi magugulat?

"Feeling ko, crush ka ni Janus," aniya kaya muli akong napalingon. Ang mata niya ay nasa stage pero, halatang ako ang kinakausap.

"Anong sinasabi mo?" kunot-noong tanong ko.

"Nagpapapansin siya sa 'yo, Yara. Tapos, 'yong mga sinasabi niya sa klase, tingin mo hindi pa sign 'yon?" tanong niya kaya natigilan ako. Hindi ako nakaimik dahil hindi ko rin alam ang sasabihin ko. Hindi ko rin alam kung anong mararamdaman ko.

Been Through (SCS #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon