Chapter 5

31 1 0
                                    

PRIME SUSPECT


Bella's POV

BUSY kami ngayon nina Lucille at Althea sa pag-aarrange ng mga school works ng lahat ng estudyante ni Teacher Carl. Ang aming adviser ay nagtungo saglit sa table nito upang ipagpatuloy na ang ginagawa nito na may kinalaman sa seminar na magaganap mamaya sa gymnasium.

Napatigil ako sa ginagawa ng biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong dinukot sa bulsa ko para tignan kung sino ang tumatawag sa akin.

It's mom. Ano kayang dahilan ng bigla niyang pagtawag sa akin?

"Sir, wait lang po. Tumatawag lang po si mama. I'll take this call." paalam ko kay Teacher Carl. Ngumiti lang siya sa akin at tumango.

Agad na akong lumabas ng faculty room para sagutin ang tawag ni mama, "Hello, mama? Bakit po?" panimula ko.

"Bella, anak. Pasensya na at biglaan pero may one week team building kami sa Cebu. Hindi na ako makakapagpaalam sa iyo ng personal. Nandito na ako sa bahay natin at nag-iimpake na ng gamit. Don't worry, itatransfer ko sa ATM card mo 'yung allowance mo this week." sabi sa akin ni mama. Rinig na rinig sa kabilang linya ang tunog ng mga inaayos ni mama.

Napahinga na lang ako ng malalim, "Ah, ganun po ba? Sige po 'ma. Mag-ingat po kayo 'dun."

"Salamat, anak. Oh siya na, ibababa ko na itong cellphone. Ikaw din, mag-ingat ka. Alam kong kaya mo na ang sarili mo. Bye, anak. I love you."

"I love you too po, 'ma!" I ended the call, after.

Ako na naman ang maiiwang mag-isa sa bahay. Well, I already used to be. Nasa abroad si papa at napaka-workaholic ni mama. Wala akong laging choice kundi maging mag-isa. Wala naman kasi akong kapatid. Solo lang ako na anak nila.

Inilagay ko na sa bulsa ko ang phone ko at akmang papasok na muli sa faculty room ng makita ko mula sa malayo ang naglalakad na si Lucille, paliko ito sa isang hallway. Nagtataka ko itong sinundan ng tingin. Hindi ko man lang namalayan na lumabas ito. Siguro ay dahil sa busy ako sa pagkausap ko kay mama sa cellphone.

Napahinga na lang ako ng malalim at nagkibit-balikat na lang bago tuluyang pumasok sa faculty room para ipagpatuloy ang ginagawa.

Tahimik akong nakatitig lang sa kisame ng aking kwarto. Kasalukuyan akong nakahiga sa kama ko. Tanging ilaw mula sa lamp ang nagsisilbing tanglaw sa akin. Kitang-kita ko mula sa bintana ang kumikislap na mga bituin at ang nagliliwanag na buwan.

Malalim na ang gabi pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Siguro ay dahil sa mga nangyari kanina sa room. Dahil sa nangyari kay Rosie. Ni sa panaginip ay hindi ko gustong maranasan iyon.

I didn't expect that to happened. Who would have thought that in my second day in Greenfield, something bloody like that will happen?

Sa tuwing pinipilit kong pumikit, hindi ko maiwasang maisip ang nakakaawang itsura ni Rosie bago ito bawian ng buhay. Ang pagbulwak ng masagana nitong dugo sa bibig. Ang pagkalagot ng hininga nito. Ang tuluyan nitong pagkamatay. Hindi ko kayang matagalan na isipin ang tagpong iyon kaya pinanatili ko ang sarili kong mulat at gising.

Can You Find Me? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon