Third Person's POV:
Marahas nyang napahilamos ang kanyang mga kamay sa kanyang mukha ng mawala na sakanyang paningin ang dalaga. Hindi nya na naman nacontrol ang kanyang sarili.
Naglakad sya pabalik sa puntod ng kanyang anak. Sa loob ng apat na taon walang mintis ang araw araw nyang pagdalaw sa puntod ng anak. Parang ito lang ang paraan para mapukaw ang sakit at panghihinayang na kanyang nararamdaman.
May kung anong likido ang tumulo mula sa kanyang mata.
He's crying.....
Nasaktan nya na naman ito. At hindi nya ito masisisi kung ganoon nalang ang galit nito sakanya, na halos isumpa na sya ng dalaga. Inaamin nya na may pagkukulang sya dito pero hindi nya lubos maisip kung bakit nito nagawang saktan ang batang nasa sinapupunan palang nito apat na taon na ang nakalilipas.
Gayon pa man ay tanggap nya na ang lahat. Nakabangon na sya at patuloy na hinaharap ang pang-araw araw na pamumuhay.
Napukaw naman ang kanyang atensyon ng sariling telepono. May tumatawag.
"Yes ma?" Bungad nya sa kabilang linya. Pilit nyang inaayos ang boses nya.
"Hijo? Nasan ka?"
"Pabalik palang po ng office, may problema po ba?" Nag-aalalang tanong nya.
"Wala naman hijo. Gusto sana kitang makita"
"Dadaan nalang po ako dyan ma, i have to go bye ma."
"Alright hijo...bye"
*toot-toot*
***
"Sir, may bagong labas na naman po sa market at under po iyon ng Montero Group" salubong sakanya ni Mr. Perez... Tuloy tuloy lang syang naglakad hanggang sa nakaupo na sya sa swivel chair nya. "May mga bagong hotel din po ang naitayo at ito po ay hawak din ng Montero" tiningnan nya naman ito habang nilalaro ang ballpen sa ibabaw ng desk nya.
"Bakit ngayon mo lang nalaman ang tungkol sa hotel na pag-aari pala ng Montero?"
"Kasi po...kasi sir gumamit sila ng ibang pangalan para hindi natin tapatan ang bagong hotel na pinapatayo nila"
"Alright, sayo ko na pinagkakatiwala ang pagbubukas ng bagong hotel ng Legaspi Group." May kinuha naman syang folder at inabot dito. "And regarding sa new product na nilabas nila, do whatever it takes para mabura agad ito sa market."
"Yes sir."
"Good."
He's doing everything, no...not everything maybe atleast of it para mapabagsak o malamangan ang Montero Group na apat na taon nang nakikipagkompetensya sakanya. Ngunit noong mga panahon na ang daddy nya pa ang tumatayong presidente ng Legaspi Group ay wala namang iringan o kompetansya sa pagitan ng dalawang kumpanya.
Simula nang si Vince na ang humawak ng Montero ay tinuring nya nang isang kakompetensya ang kumpanya ng mga ito.
"Sir, you have a meeting with the Legaspi University Department heads at 8am tomorrow"
"Ok"
Gab's POV:
*Gaven Calling...*
"Babe?" I answered habang nagmamaneho.
"Where are you?" He asked.
"On my way to office, napatawag ka?"

BINABASA MO ANG
Kapag ang panget, GUMANDA? [Spell(ASA)]
Romance"Mahirap maging panget" yan ang karaniwang naririnig ko sa mga babaeng nag-gagandahan at nag-se-sexy-han... Huwow, BIG words "mahirap" at "panget" . tss.... Yun ang akala nila, kung magsalita sila ng word na "mahirap" akala mo naranasan na nila. Ak...