A Special Memory

5 1 2
                                    

Isang taon na pala...

Isang taon nang pangugulila sa isang matalik na kaibigan na itinuring ko na ring kapatid.

Isang taon na pero hanggang ngayon 'di ko pa rin matanggap ang sinapit n'ya. Hanggang ngayon nandito pa rin ako sa dilim at kahit anong gawin ko 'di ko pa rin matanggap ang lahat.

"Elise, sorry ha kung 'di ko man magawang dumalaw sa'yo. Nami-miss na kita." sambit ko habang hawak ko ang larawan niya at umiiyak.

At sa mga sandaling ito, bumalik ang nakaraan.

"Meryll p'wede bang magpahinga na muna tayo? Pagod na pagod na ako." Hingal na sabi ni Elise.

Naupo kami sa isang malaking ugat ng puno. "Bakit ba tayo napunta sa sitwasyong ito? Gutom na ako at sobrang uhaw na rin. I need watahh." dugtong pa n'ya.

"Ako nga rin gutom na. Huwag ka na lang maingay baka mas lalo tayong magutom nito. Magpahinga ka muna d'yan, ako na muna ang magbabantay." sabi ko sa kanya. Gusto ko rin naman siyang makapagpahinga kahit kaunti kasi alam kong mahaba-habang takbuhan pa ang gagawin namin.

Isang oras na ata akong nagbabantay at nakaramdam na rin ako ng antok. 'Di ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako ng maramdaman kong may sumisiko sa akin.

"Meryll, gising! Parang may tao. Baka nandito na siya."

"Huwag kang maingay baka marinig tayo. Baka naman mga ligaw na hayop lang 'yan ." sagot ko sa kanya.

Dahan-dahan kaming tumayo at naglakad.

Nang makalayo na kami sa lugar, sinimulan na namin ang walang katapusang takbuhan.

Tiningnan ko ang cellphone ko habang tumatakbo kung may signal na ngunit sa kasamaang-palad wala parin.

Inabot na kami ng hating-gabi sa kakatakbo para lang makalayo sa kanila. Pero parang may naririnig pa rin kaming sigaw.

"Tumakbo lang kayo!!! Kahit saan kayo magpunta maabutan ko rin kayo!!" sigaw ng humahabol sa amin.

Hindi namin sila magawang iwan. Para kaming nakikipag-unahan sa hangin na kahit nakalayo na kami ay nand'yan pa rin.

"We're going to be fine , Elise. Kumapit ka lang sa 'kin ng mahigpit at huwag kang lilingon."  Sabi ko sa kanya para palakasin pa ang loob n'ya.

Takot na rin naman ako pero ayaw kong ipahalata sa kanya baka mas lalong siyang matakot.

"God tulungan n'yo po kami. Natatakot na ako sa ano mang posibleng mangyari." Sabi ko sa isip.

Tumatakbo lang kami ng walang patutunguhan. Tumatakbo para sa mga buhay namin. Wala na kaming pakialam kung puro sugat na ang katawan namin makaalis lang sa lugar na 'to. Nagulat na lang ako ng biglang napabitaw si Elise sa akin.

Napahinto kami at nakita kong nakalubog ang isang paa n'ya sa may maliit na hukay. Agad ko siyang nilapitan para maitaas ang kanyang paa ngunit nahirapan kami. Parang may kung anong bagay na humahadlang sa paa n'ya para 'di na makaalis doon. Marahil ay umang 'yon ng mga mangangaso para sa mga hayop.

Pinilit pa rin namin na maalis ang kanang paa niya kahit pa humiyaw na siya sa sobrang sakit. Nang maangat na namin ang paa niya laking gulat namin na naputol na pala ito. Walang humpay ang daloy ng dugo na mas lalong nagpaiyak kay Elise.

"Elise, huwag mo nang tingnan." sabi ko.

Pumunit ako sa aking damit. May mahabang tela ang suot kong blouse na design nito sa likod. Ginawa ko 'yong pantali sa naputol n'yang paa.

Kumapit siya sa akin at paika-ikang lumakad. Di pa man kami nakalayo sa may hukay, bigla na lang may tumama na palaso sa braso ko. Natamaan rin sa may binti at likod si Elise. Ngunit ang ikinabigla ko ang pagtagos ng isang sibat sa may tiyan niya. Napaiyak na ako dahil sa dami ng dugo na dumaloy sa sibat. Gan'on din sa bibig niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Special MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon