R H A E N Y R A

"O anak, bagay 'to sa'yo. Mas binata ka tingnan sa suit na ito!"

"Maaa! Nakakahiya. Hindi na ako baby okay?"  Sabay iwas ni Calcifer sa pagaayos ng mama niya sa buhok niya.

"What do you think Rhae? 'Di ba ang pogi ng anak ko ngayon?"

Napangiti ako.

Kung ako lang ang tatanungin, kanina ko pa minamasdan si Cal.

Maayos ang porma niya ngayon.  Kasalukuyan kaming nasa botique shops at namimili ng susuutin sa prom.

Siyempre sinama na ako nila tita kasi madalas naman akong tambay sa bahay nila.

Well at least makikita ko si  Cal naka suit and tie. Kahit ba hindi sa mismong prom.

"A-ano sa tingin mo Rhae?"

Pero hindi ko mapigilan mag-imagine. Lalo pa't napapaligiran kami ng sari-saring mga formal gown at kasuotan pang prom.

Ano kaya magiging itsura namin dalawa kung sabay kami dumalo?

"Rhae... magugustuhan kaya 'to ni Minna?"

At para akong hinila sa lupa.

"Uhm, oo. Bagay ang black sa'yo. At malinis tingnan boba na lang siya kung hindi niya pa magugustuhan ayos mo."

"Salamat Rhae! The best ka talaga!" At ngumiti siya. Na mas lalo lang naglabas ng pagiging chinito niya.

"Rhae? Hindi ka ba talaga a-attend ng prom?Sayang naman once in a lifetime event lang 'yon!" Tumabi si tita habang bumalik si Cal sa fitting room.

"Naku tita! Wala po ako mami-miss out no! Isa pa hassle lang po 'yong Prom!" Mabilisang sagot ko.

"Actually, to be honest hija, I really though Cal would ask you to be his date in the prom."

Nagulat naman ako at nahiya. "H-ha? Naku tita! Magkaibigan lang po k-kami he would never-

Napahawak siya sa braso ko at ngumiti. "I know Hija. Kaya nga gusto ko mauntog ang anak ko eh. Minsan talaga napaka-clueless."

Napaubo ako sa gulat tapos napalingon sa ibang direksiyon.

Una si Harvey. Ngayon naman si tita! Ganoon na ba ako ka obvious?!

"U-uhm tita! CR lang muna ako!" Palusot ko sabay tayo.

....

Naglakad-lakad muna ako sa labas ng botique dahil alam kong maya-maya pa matatapos si Cal.

Kaso pumukaw ng attensiyon ko ang mga matatangkad at may hitsurang mga babaeng nagku-kumpol maglakad.

Ang ingay kasi nila at halatang sobrang animated ng kanilang usapan. Sa sobrang absorbed nila sa pinaguusapan hindi na nila napapansin na nagsisitinginan na ang mga tao sa paligid nila sa ingay na kanilang ginagawa.

Teka... 'yong babae sa gitna... si Minna 'yon ah! At mga kagrupo niya sa room! 'Yong mga social climber!

Binaba ko 'yong cap ko saka umaksiyon na tumalikod dahil malapit na sila sa kinatatayuan ko.

If there's anything more awkward, it's to have to say hi to someone you don't like just because you saw them randomly somewhere else. Ayaw ko ng drama.

"Oh my gosh girl! You'll be the laughingstock of the school!"

"Oo nga naman Minna! What we're you thinking agreeing to be the date of Porkchop in the prom?! So baduy!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 01, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm In Love With The Fat GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon