CHAPTER 4

1.7K 73 12
                                    

"Uy Chi, siya ba iyong long time crush na kinukwento mo sa amin ni Rafa? Ang liit ng mundo noh. Di mo akalain na magkikita ulit kayo. Ang cute ng tadhana niyo."Di magkanda ugaga na litanya ni Joly habang nasa harapan kami ng bilog na glass table.

Hindi ko siya mapagtuonan ng pansin sa pagkat mistula parin akong tulala.

Hindi maalis sa paningin ko ang likod ni Delvin na nasa counter habang kausap nito ang isang lalake na mukang kakilala din niya.

After ng moment namin kanina nang magpakilala siya sa akin ay saka din niya ako nakilala ng sabihin ko ang aking pangalan.

Halos di nga ako makapaniwala eh. Tama nga si Joly, ang liit ng mundo. Ang natatandaan ko, sa ibang bansa nakatira ang pamilya nila Delvin.

Ibig sabihin baka matagal na silang andito sa pinas at nagkataon na ngayon lang muli nagsalubong ang landas namin.

Marami pa sana akong gustong itanong sa kanya kung kumusta na siya, ano mga pinagkakaabalahan niya sa nagdaang panahon.

Pero mahiya ako magtanong ng ganun kasi nga di naman kami ganun ka close.

Dito niya kami niyaya ni Joly sa isang eleganteng Coffee Shop para makapagkwentuhan daw.

Syempre tuwang-tuwa naman kami lalo na ako.

Hindi ako makapaniwala na siya si kuya Delvin. Ang binata na crush ko noong bata pa ako.

Pakiramdam ko biglang lumukob sa pagkatao ko ang pagiging teenager ko dahil sa kakaibang nararamdaman.

I felt like may mga butterflies na nagsisiliparan sa tyan ko. At hindi ako mapakali na ewan. Nag-iinit din ang buong katawan ko na ni minsan ngayon ko lang naramdaman.

Crush ko parin pala talaga ang lalakeng ito. Dati parang paghanga lang, pero ngayon kakaiba na. Ramdam kong masaya ako na makita siyang muli.

Takte! Ganito pala kiligin sa unang pagkakataon.

"Sorry girls for waiting. Kausap ko kasi yung  may ari nitong Coffee shop."Malapad na ngiting bungad ni Delvin.

Inilapad nito sa mesa ang 3 coffee na ini order niya at may kasama pang nuttella sandwiches.

Umupo siya sa katapat ko at ang titig niya sakin nakaka-hypnotismo.

Ramdam kong pati ang kasama ko ay di rin magawang umimik. Kapwa kami tahimik na nakatitig lang sa kanya.

And he smiled at us.

"C'mon girls, stop staring at me haha."He says and laugh a little tone.

"S-salamat po sa coffee kuya pogi."Halata sa tinig ni joly ang pagkahiya at kanya naman hinila palapit sa kanya ang coffee.

Lihim pa nya akong siniko sa braso dahilan para mapakurap ako ng tatlong beses at napabalik sa ulirat.

Sa sobrang taranta ko, wala sa sarili na dinampot ko ang coffee saka hinigop at dahil sa kagagahan ko napaso ang dila ko.

"Aaarayyy, ang init!"Napatayo ako sa init nun at napa-ihip ng hangin sabay labas ng dila pa dahil tlagang napaso ako.

Nakakahiya!

Agad naman tumayo si Delvin at lumapit sa akin na halatang may pag-alala sa expression nito.

"Come here, let me see!"Tiningnan nito ng marahan ang dila ko at sobrang close ng mukha niya sa mukha ko."Here eat this to cooldown your tongue."May dinukot siyang parang candy sa bulsa nito saka binalatan at ipinasok sa bibig ko.

At ramdam ko agad ang lamig nun. Agad nawala ang init sa dila ko, sobrang lamig ng candy at ang bilis matunaw. Masarap pa siya.

Saka ko narealize ang katangahan ko. Alam ko naman coffee yon pero ginawa ko pang tubig lang kung higupin.

(R-18)A TASTE OF BEBENGKATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon