VINCENT'S POV:
"STEFY..?"
Paguulit ko ng hindi mag respond ang nasa kabilang linya.
"Yes Vincent its me..." Sabi sa kabilang linya.
Nanlaki ang mga mata ko. Napatayo ako at nagpalakadlakad sa hindi maipaliwanag na dahilan. Parang gusto kong tumalon sa saya. Dahil ang taong akala ko'y patay na ay buhay pa pala.
"My God buhay ka Besh. Pero pano nangyare yon. Nakita kitang nabaril at nahulog sa bangin. How's that possibke na buhay ka." Hindi ko mapigilang maitanong.
Hindi ko maiwasang hindi mag duda. Kahit kilala ko ang boses ni Stefy. Hindi ko maipagkakaila ang pag dududa sa kausap ko ngayon. Baka mamaya patibong lang ang lahat ng to at balak nila akong kunin para maging patibong kina Travis gaya ng sinabi ni Natasha.
"Bakla, mahabang istorya. Saka ko na ipapaliwanag. Kailangan nating magkita ngayon din. Number mo lang kabisado ko kaya sayo ako tumawag. May mahalaga tayong pag uusapan. Please, importante to. Na nganganib ang buhay ng mga anak ni Travis..." Sabi sa kabilang linya.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. My God. Totoo ngang si Stefy ang kausap ko. Marami siya alam tungkol sa buhay namin.
At ano itong sinasabi niya na nalalagay sa alanganin ang buhay ng mga anak ni Travis. Kong ganoon, may mahalaga kaming pag uusapan. Tama nga si Stefy. Number ko lang ang kabisado niya. Kahit nga number ni Nathan hindi niya kabisado. Kaya nakompirma kong siya nga si Stefy ang kaibigan.
"Ano, kong ganoon kailangan nating mag usap. Nang maipaalam natin to kila Travis. Nasa bahay ako ngayon. Kila Mama.." Sabi ko.
"Segi-segi, dadaan kami diyan.." sabi niya.
Anong kami. Ibig sabihin may kasama siya. Itatanong ko sana kong sino ang kasama niya. Pero bigla namang pinatay ang tawag.
Napaupo ako. Hindi ko alam kong matutuwa ako sa mga nangyari ngayon. Si Stefy nga ba talaga yon. Buhah nga ba talaga siya. Maraming mga katanungan ang nasa isip ko. Pero kong totoo ngang soya si Stefy. Nag papasalamat ako sa diyos na buhay siya. At hindi siya pinabayaan.
Pero kailangan ko ng umalis. Baka maya-maya dumaan dito si Stefy. Medyo kinakabahan ako sa mga nagaganap ngayon, sa mga nalaman ko ngayon.
Tumayo ako at kinuha ko ang aking Tote Bag. Saka lumabas ng bahay. Hindi na ako nakapag paalam kay Jhomong. Wala kasi sila Mama. Iwan ko kong nasaan. Basta lumabas ako.
Saka nagpunta ako sa may labasan. Hindi kasi nakakadaan ang kotse dito papunta saamin. Dahil nilalagad lang ito o di kaya sasakay ka ng Tricycle. Maliit kasi na iskinita ang ang pagpasok papunta sa barangay namin. At tricycle lang ang pweding makadaan at mga motor na single.
Kaya kailangan ko pang pumunta sa labasan para makita ang National High way.
Hanggang sa nakarating ako sa labasan. Naghintay muna ako. Hindi ko naman alam ang sasakyan ni Stefy. Naka Motor ba to o kotse. Kaya hindi ko alam kong pano ko siya mariricognize. Pero alam naman ni Stefy ang papunta saamin. Kaya pag may tumigil na sasakyan dito. Malamang sila na yon.
Nagpalakad lakad muna ako. Para maibsan ang kaba sa dibdib ko. Ilang minuto na pero wala pa sila. Hindi naman siguro scammer yon. Dahil kilala ako ng caller.
Naupo muna ako tyaka bumuli ng tubig. Habang umiinom ako. Biglang may tumigil na itim na Ferrari sa harap ko.
Napatayo ako. Saka hinintay kong may lumabas. At syempre hinanda ko ang sarili ko upang tumakbo kong sakali mang kalaban ang mga to.
Hanggang bumukas ang pintoan ng drivers door. Saka lumabas ang isang babaeng mahaba ang buhok at naka red na dress. Naka salamin pa ito ng black at naka boots. Hanggang sa namukha ko nga siya.

YOU ARE READING
MY BOSS/HUSBAND IS A GANGSTER. Book II
Короткий рассказThis story is a book II of my first story entitled My Boss is a gangster and please dont be so perfectionist reader. This story is dedicated to my family, friends and to my supporters. Who support to make this story published. Thank you so much read...