CHAPTER 47

54 4 1
                                    

GIANA'S POV

ALAS DOSE na ng gabi ngunit narito parin ako nakatinghala sa itaas ng bilog na buwan. Iwan ko ba kung bakit hindi parin ako maka tulog dahil kagaya ng nasaisipan ko, nagbabakasakali parin akong masilayan si Charles na tumatakbo papunta sa kinaroroonan ko.

Habang nakatingin sa malayo, makikita ang mga nagagandagang sunflower sa paligid na klarong nakikita sa sikat ng buwan kahit paman black ang white lang ang kulay nito.

Malalim na ang tulog ni, Lucky. Pero ako dilat parin ang mga matang lumuluha. Iniisip ko nalang, kung dahilan ba ito ng lubusan kong pagpasuway sa asawa ko?

Karma na ba ito dahil sa ginawa kong kasakiman? Hindi naman kagagohan ang ginawa ko, kundi hustisya para sa nakaraan ko at sa kinabukasan ng anak ko.

Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko saka na napatinghala sa labas ng gate ng masilayan ang anino ng lalaking nakatayo.

Dali-dali akong lumabas ng mansyon at tumakbo papunta dito dala-dala ang sabik na kasiyahan.

“Charles!?” Agarang tawag ko sa pangalan nito.

Ng mga oras na napalapit ako dito ay parang isang ilusyon itong naglaho sa kinakaharap. Napaluhod ako sa pintu-an ng gate saka na napahogolhol sa iyak.

Nangungulila ako sa pagkawala niya, nasaan na siya? Nais ko siyang mayakap upang kupkupin ang puso kong nababalot ng lungkot.

“Charles? Huhuhuhu.”

“Ayos lang po ba kayo, Mahal na Reyna?” Isang anino ng lalaki ang biglang sumulpot sa harapan ko kaya  aktibo ko namang itinuon ang atensiyon ko sa kaniya, but then, it's not what I expected.

“Oh Melvin. Ah hehehe oum ayos lang ako,” pagsisinungaling ko saka na mariing tumayo.

Binuksan ni Melvin ang gate at agad akong tinulungan.

“Malalim na ang gabi, bakit gising kapa?” tanong ko.

“Binabantayan ko po kayong dalawa ni, Lucky,” sagot nito.

Napangiti ako saka na tuluyang tumindig ng maayos sabay na hinarap si Melvin at hinawakan ang magsikabilang balikat niya.

“Melvin, maraming salamat sa laging pagbabantay,” aniko.

“Walang anuman po, Mahal na Reyna. Nga po pala, bukas ng umaga ay meron ho tayong halalan. Tungkol po ito sa bali-balitang buhay pa raw ang Mafia Lord.”

Napatingin ako ng deritso sa mga mata niya kung nagbibiro ba ito o ano.

“A-Ano? Hahaha buhay naman talaga ang, Mafia Lord, Mahal na Prinsipe,” aniko.

“Ang nakaraang Mafia Lord po, Mahal na Reyna. Si Señorito Dastan Oliver Z. Ford. Ang ama ng bagong Mafia Lord na si, Sebastian Z. Ford.”

Parang bigla akong sinampal ng kidlat na nahulog langit. “Ano!? Buhay ang dating Mafia Lord? Pero paano?”

Napabuntong hininga si Prinsipe Melvin saka na hinarap ako ng may matalim na paningin.

“Sa ngayon hindi pa po matukoy kung totoo nga ba ang bali-balitang nagkalat sa buong Zandeveille. Pero malakas ang kutob ko na nagtatago lamang ang tunay na Mafia Lord upang tingnan ang pamamalakad ng kaniyang anak,” pahiwatig nito.

The Prostitute Wife Of the Mafia Lord (The Unwanted Wife's Revenge) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon