Chapter 1: Missing

26 6 0
                                    

Chapter 1: Missing

Third person POV
"Ma, alis na po ako" saad ni Jano na kasalukuyang nag tatali ng sintas niya

"Hindi ka ba mag aalmusal muna? Bakit ang aga mo ulit ngayon, baka late ka na naman umuwi mamaya"

"Ma, wala si Gideon, remember? Ako muna nakaassign sa council ngayon"

"Oo nga pala, anong balita? Sabay pa sila ni Shiloh na nawala, I'm praying na they are fine. Ilang araw na ulit?"

"Two days ma, malakas kutob namin na magkasama sila ni Shiloh" sagot ng binata saka tumayo at kinuha ang bag bago lumapit sa ina para bigyan ito ng halik sa pisngi

"Una na ko ma"

"Mag iingat anak, if needed mag pasundo ka na lang din kay manong just to make sure you're safe"

"Yes, ma" sagot niya saka tinungo ang paradahan kung nasaan ang driver nila na nasa loob na ng kotse

"Tara na, manong" saad niya. Tahimik niyang binuksan ang ipad para icheck lahat ng mga task na kailangan niyang gawin ngayong umaga. Hassle talaga without Gideon and Shiloh.

It's been two days nang mawala ang dalawa, huli silang nakita sa cctv ng eskwelahan na tumatakbo  palabas ng campus. Gideon is the school president while Shiloh is their secretary, kaya madalas na magkasama ang dalawa.

"Patuloy ang paghahanap sa dalawang estudyante ng---"

"Manong, pakilipat ng station" utos niya sa kasama na agad naman nitong sinunod. He's done with it, ilang araw na niyang paulit-ulit na naririnig ang tungkol sa pagkawala ng dalawang kaibigan. Idagdag pa ang pag buntot sakanya ng journalism team ng eskwelahan. Nakakapagod itong marinig lalo na't wala namang maayos na aksyon ang mga pulis. It stressed the hell out of him.

"Malalate ka na ba, Jano? Traffic na naman dito"

tanong sakanya ng driver, sandali niyang itinigil ang pag iiscan sa ipad saka ibinaling ang tingin sa kasama

"Hindi pa naman po, manong. Daan na lang po ulit tayo doon sa dinaanan natin kahapon. Di bale nang mas malayo do'n kesa mag hintay tayo rito" sagot niya. Ibinalik niya ang tingin sa ipad nang mag text ang isa sa kasama niya sa council

San ka na? Nandito na naman journalism team, ikaw talaga yung hanap

Napabuntong hininga na lang siya sa nabasa. Mukhang walang balak tumigil ang mga ito

To-do
interview with journalism team

Hindi nag tagal ay nakarating siya sa paaralan. Dali-dali niyang tinungo ang building 6 kung saan naka-locate ang council office nila. Nadatnan niya sa labas ang tatlong estudyante na malamang ay mga journalist. Kaagad na tumayo ang mga ito nang makita siya

" Good morning, Mr. Valiente. I am Tere, we are from journalism team. Ako rin yung lumapit sayo last—"

"I know Miss Tere, I remember you. I don't want to be rude but I have so much on my plate right now, baka pwedeng bumalik na lang kayo mamayang hapon for the interview." He sternly said. Ngumiti ang journalist sakanya at marahan na tumango

"Yes Mr. Valiente, thank you very much" sagot nito saka nag paalam na umalis. Isang buntong-hininga na naman ang pinakawalan ni Jano bago pumasok sa council office. Dito niya nadatnan si Kyle at Hanna na myembro rin ng council. Kaagad itong lumapit sakanya

"Kumusta, naka-usap mo sila" Hanna asked, referring to the journalists

"Hmm, sabi ko bumalik mamaya kaya kayo muna bahala rito, pagbibigyan ko muna sila baka sakaling makatulong din sa paghahanap kila Dig" saad ng binata

Mabilis na lumipas ang oras. He spend most of his time answering questions about Shiloh and Dig. Siya kasi ang pinakamalapit sa dalawa. Jano cannot hide the fact that it tires him. Please, kung tumakas na naman kayo mag pakita na kayong dalawa, he thought.

At first, Jano wasn't bothered by the news, not because he didn't care but because he was sure they were fine. But two days was long enough. Isa pa, wala man lang text ang dalawa kung nasaan sila, dagdag pa na nung una ay natatawagan ang cellphone nila hanggang sa biglang hindi na. It really worries Jano, lalo na't malaki ang epekto nito sa eskwelahan.

"Titigas ng mga ulo, kapag kayo talaga hindi okay yari kayo saakin" 

Run With Me, ShilohWhere stories live. Discover now