CHAPTER TEN: JAVIER LACOSTE

4 0 0
                                    

AYLA

Napayuko ako pagkatapos marinig ang mga salitang galing kay Zues. Hindi ko aakalaing malakas ang pandama nito. "I'm sorry, Sir. I am just curious." I reasoned out while staring at my nails.

"Curiosity kills the cat, Catrina." Makahulugang tugon nito.

"But the cat has nine lives." I defended while facing him.

Napailing nalang ito at napahilot sa bridge ng kanyang ilong. Stress na agad siya niyan? Ibinalik nito ang telepono sa dating lalagyan bago tumingin sakin. "You're not a cat therefore you only have one life. You can be easily killed."

Tumingin ako sa bughaw na mga mata nito. "Yes, I am not a cat therefore being curious can't kill me. As what you said, curiosity kills only... the cat." Pangungulit ko rito.

Segi, patigasan tayo rito.

"So you're talking back to your boss now?" Parang inis na nitong tanong at itinukod ang dalawang kamay sa mesa ko.

Hala! Ang bilis naman nitong mapikon.

"Sabi ko nga tama kayo. Segi na po. Balik na po kayo dun. Marami pa po tayong trabaho oh." Parang tangang tugon ko habang ngumingiti ng peke.

"Inuutusan mo ba ako?"

"Hala! Hindi ha! Wala naman akong sinabing kuhanan mo ako ng tubig kasi nauuhaw ako. Behave lang naman ako rito eh."

Tiningnan lang ako nito ng matalim bago umalis sa harapan ko. Bumalik ito sa mesa niya at nagpatuloy sa ginagawa.

Whoo! Nakalusot!

Sumapit ang lunch break kaya't tumigil muna ako sa ginagawa ko. I stretched my arms and back. "Oh god! I felt relieved!" Napapaungol na sabi ko.

"Too noisy. I'm working." Striktong saway ni Zues kaya napairap ako.

Hindi ko nalang siya pinansin. Kinuha ko ang lunchbox na ibinigay ni Nikko sakin kanina saka ipinatong sa table ko. Binuksan ko ito at may malaking round glass food container na naglalaman ng maraming kanin. May kasunod pa itong isa pang glass container na naglalaman ng tatlong uri ng ulam. Lastly, another glass container containing a fruit salad.

Wow! Just wow!

Upon seeing the different kinds of dishes, I can say na masarap ito at saka I didn't know ganito siya ka organize pagdating sa mga pagkain. May pa style² pa na mga veggies. Wow ha! Matikman nga kong masarap.

Tinikman ko ito at masarap naman. Papasa na sa panlasa ko pero yung chicken curry niya kulang sa alat pero okay na rin kaysa naman maging choosy pa ako eh libre lang naman to.

Hala! Paano ko mabibigyan si Zues nito? Pang-isahan lang ang mga kubyertos.

Napatingin ako sa kanya at busy lang ito sa pagtitipa sa laptop niya. Wala ba siyang planong kumain?

Tumayo ako kahit labag sa loob ko. Kawawa naman kong di ko bibigyan ng pagkain. Baka mamatay sa gutom. Share nalang kami nitong baon ko.

When I reached his table, I immediately stand in front of him. Hindi ako nito pinansin at nagpatuloy lang ito sa pagtitipa sa laptop niya.

Ay wow! Snob na siya niyan? Sa lagay na yan?

Tumikhim ako at nakuha ko naman ang atensyon niya. Nakakunot noo itong nag-angat ng tingin sakin habang may hawak pa na pen sa kanang kamay.

"Ah, lunch?" Awkward na aya ko rito habang ipinapakita ang dala kong lunchbox.

"No, thanks." Malamig na tanggi nito at ibinalik ang atensyon sa laptop.

Lost Memories Where stories live. Discover now