Third person POV
"Do you think tama yung issue na magkasama sila sa pagkawala ngayon? "
"Kahit kami yun yung iniisip, this is not the first time na bigla silang nawala"
"What do you mean? What's the relationship between them ba?"
"Hindi namin alam. All we know is that they are more than friends but cannot be lovers"
"Bakit hindi?"
flashback
"Late ka kanina. Hindi na kita dinaanan, hinatid ako ni mommy"
bungad ni Dig nang makapasok sa opisina si Shiloh. Tulad ng nakasanayan, ang binata nalang ang naiwan sa opisina, maaga niyang pinauwi ang iba since wala naman nang kailangan gawin bukod sa reports niya
"Buti na rin yung hindi ka dumaan"
"Why? Nag kasagutan ulit kayo?" He asked looking at her, dito niya nakita ang namamagang mata ng kaibigan, dali-dali niyang niligpit ang mga gamit saka lumapit sa kaibigan
"Mag kuwento ka, makikinig ako."
Saad niya saka tumabi sa dalaga
"Hindi ko maintindihan bakit kailangan tayong madamay sa away nila"
panimula nito na kaagad sinudan ng mga luhang kanina pa nag babadyang tumulo
"Wala naman tayong ginagawang masama, bakit hindi tayo pwede? Minsan nakakapagod ilaban yung tayo and I am sorry for saying this, but sometimes gusto ko na lang isuko"
Agad siyang niyakap ni Gideon at marahang hinaplos ang buhok nito
"shh I understand" marahang pag tahan niya
"Escape?" it seems like a magic word for them both, kaagad na kumawala si Shiloh sa bisig ni Gideon, shaking her head
"Hindi pwede, may ginagawa ka pa saka maaga tayo bukas, room to room campaign di ba"
"Tayo munang dalawa, okay? Tara na."
Wala nang nagawa pa ang dalaga at sinundan ang kaibigan. Hindi niya na alam kung paano sila nakarating sa dagat na naging tambayan na nilang dalawa. Lugar kung saan silang dalawa lang at walang iba.
"Shiloh"
"Hmm?"
"Mabibigla ka ba kung sasabihin kong mahal kita?"
"Hindi" pabulong na tugon ng dalaga
"Hindi ka naman pumalya sa pag paparamdam saakin na mahal mo ako" dagdag niya
Pareho silang natahimik at pinapakinggan ang hampas ng alon, but it's really peaceful, dumadampi sakanilang mga balat ang malamig na simoy ng hangin
"Don't you want to step up another level?"
"Ayaw ko, Dig."
"Bakit parang pag dating saakin ang duwag mo?"
"It's because when it comes to you hindi ko kayang isugal yung meron tayo, Dig. Ayos na saakin yung ganito, ang mahalaga lang naman saakin ay yung nandyan ka"
Somehow, it puts his heart at ease. Naiintindihan niya si Shiloh at kung hindi man, pilit niya pa ring iintindihin.
Hindi niya naman maitatanggi ang lungkot na nadarama. Maraming nag lalaro sa isip niya, baka hindi pa ready si Shiloh na mag risk katulad niya o baka hindi sapat yung pagmamahal sakanya ng dalaga para ipaglaban siya
"Dig"
"Hmm?"
"Wag kang mag-isip ng kung ano-ano jan" nangiti siya sa sinabi ng dalaga, kilalang-kilala talaga siya nito
Natungo ang atensyon nila sa tumutunog na cellphone ni Gideon, it's his mom
"Uwi na tayo" pag aya ni Shiloh
end of flashback
"Their parents don't get along mag mula sa politika hanggang sa personal lives nila kaya si Shiloh at Gideon yung naiipit sa sitwasyon"
"What if they did that escaped thing again kaya sila nawawala ngayon?"
"That's what we are thinking din pero hindi eh, kahit naman tumatakas yung dalawang yun nag sasabi pa rin sila saakin"
flashback
After that night Shiloh haven't received any text from Dig, hindi rin siya nito dinaanan pag pasok at walang Gideon na dumating sa eskwelahan
"Imposibleng aabsent yun eh ngayon yung room to room campaign di ba?" saad ni Kyle
"Jano, hindi ba nag text sa'yo?"
"Hala, bakit saakin mo tinatanong e sayo palaging nag tetext yun" sagot ni Jano kay Shiloh na alalang-alala na ngayon
"Don't tell me hindi nag text sayo?"
dahan-dahang umiling ang dalaga, mukhang alam na ang nangyayari
Kinabukasan nakita niya si Dig na hinatid ng magulang nito, nasa malayo siyang kumakaway, hindi niya alam kung nakita siya nito, hindi kasi ito kumaway o ngumiti man lang pabalik
Araw ngayon ng result sa council, walang sinabi ang kaba sa lungkot na nararamdaman ngayon ni Shiloh, ramdam niya sa buong araw ang pag iwas sakanya ng kaibigan.
"Tara na sa stage, ilalabas na mamaya yung result" pag aya sakanya ni Jano
"Una na ko guys, nag papatulong silang mag set up sa stage, sunod kayo mamaya" Saad ni Dig saka patuloy na lumabas ng opisina. Agad na nag lapitan sila Hanna kay Shiloh na nakatingin lang ngayon sa pinto kung saan dumaan ang binata.
"LQ kayo?" tanong ni Hanna
"Q lang Hanna, remember, hindi sila lovers" panunukso naman ni Kyle
Napabuntong hininga na lang ang dalaga saka niligpit ang mga gamit niya
"Tara na, abangan na lang natin yung result" malungkot na saad nito
"Mga sira ulo kasi kayo"
"Aray ko Jaan bakit kailangan mamatok!"

YOU ARE READING
Run With Me, Shiloh
Short StoryGideon Saavedra, the school president, went missing together with the school secretary, Shiloh Paglinawan.