VEINTIUNO: Aquí viene el inicio de la guerra

137 13 3
                                    

Here comes the war starter

Gabriel

Noon, bata pa lamang ako natutunan ko, nang maging matapang, maging palaban, at hindi nagpapaapekot sa sinasabi ng mga tao tungkol sa'kin. Bukod doon ay natuto rin ako na tumulong sa mga taong inaapi, hindi sa pagiging superhero o kung ano man, ayaw ko lang talagang makakita ng mga taong inaapi at walang kalaban-laban.

Dahil sa kasarian ko, mas nagpapahirap sa akin ang mga taong hindi alam ang kasarian ko o yung alam nila pero pinipili nilang hindi lawakin ang kanilang pag-unawa sa mga taong kagaya ko. Madalas akong nakakarinig ng pagkukutya sa murang edad pa lamang. Alam ko sa sarili ko na hindi ako papayag na gaganunin lang nila ako dahil wala naman silang karapatan para gawin yun, kaya sinabi ko sa sarili ko na magiging matapang ako at hindi ko hahayaan na may mang-api sa akin o may taong maapi dahil lang sa mga taong natural na masama ang ugali.

"Gabriel" rinig kong tawag sa akin ng taong paparating. "Pako" tawag ko sa kaniya sabay ngiti. "Kumusta yung kwarto mo, nagustuhan mo ba?" tanong nito sa akin. "Syempre naman, pinaghirapan yun kaya nagustuhan ko." sagot ko rito na kaniya namang ikinangiti. "Mabuti naman."

"Naparito ka pala?" tanong ko naman dito sabay balik sa ginagawa kong pag-aayos ng mga bagong dating na mga dayami. "Wala lang, gusto lang kitang makita." sabi nito na agad ko namang ikinapula. Kahit simple lang yung mga sinasabi niya kinikilig pa rin talaga ako. "Che, namiss mo lang yung ganda ko eh" "Ang hangin pala dito sa kwadra no?" tanong nito. "Kapal mo. Ako pa talaga mahangin ah" sabi ko dito sabay hampas sa braso nito. "Hahaha aray naman, palagi mo nalang ako hinahampas" sabi ni Pako sabay himas sa braso niyang hinampas ko saka nagpapa-cute. "Ahhh kawawa naman ang baby nayan" kunwaring pag-aalo ko naman dito sabay himas kunwari sa braso niya na kinalaki naman ng mga ngiti niya at natawa na lang kami pareho.

Bigla naman akong napalingon sa may puno ng acacia ng may marinig akong kaluskos mula rito. Sinundan ni Pako ang tingin ko, pero parang wala namang tao roon. "Anong tinitignan mo?" pagtataka nito. "May narinig kasi akong kaluskos banda roon eh" turo ko sa puno. "Baka ibon lang o daga" Ipinagsawalang bahala ko na lang ito at bumalik sa ginagawa ko, tinulungan naman ako ni Pako.

"Ah Pako, kalian pala ang kaarawan ni Sir Javier?" tanong ko rito nang maalala ko ang sinabi ni Javier sa akin kahapon nung paalis na sila.

"Sa makalawa na. Wag mo sya ikikiss ah" sabi nito na tinutukoy yung sinabi ni Sir Javier. "Baliw" nasabi ko nalang rito. "Magseselos talaga ako" "Bakit, tayo ba?" tanong ko rito na agad naman niyang sinagot "Ouch naman" natawa na lang ako.

Makalipas ang ilang sandali nang matapos kami ay umuwi na siya. May aasikasuhin pa raw siya sabi niya. Papunta na sana ako sa duyan sa may puno ng acacia nang may tumawag sa pangalan ko. "Gabriel, pinapatawag ka ng nanay mo" sabi ni Kuya Waldo, isa ring katiwala dito sa hacienda. "Sige po, pupunta na'ko." sagot ko naman rito saka ito umalis.

Agad ko namang binagtas ang daan papunta sa mansion. Naglalakad lang ako at masayang niraramdam ang malamig at preskong hangin. Sa hangin pa lang talaga masasayahan ka na dito. Nang makarating ako sa mansion ay agad naman akong dumiretso sa kusina. Dahil upang makapunta sa kusina ay dadaan ka pa sa sala, makikita mo talaga ang malinis at malawak na sala na may mga katulong na naglilinis o di kaya nag-aayos, ewan ko ba diyan sa kanila at 'di na natapos ang paglilinis.

"Ayan na ang feeling maganda" rinig kong sabi ng isang babae. Napalingon naman ako sa may hagdan na nasa sala at dito ko nakita si Dyosa kasama si Jelly. Ako ba pinapatamaan ng mga to? Tanong ko sa sarili ko, hindi naman siguro ako no, hindi naman kasi ako feeling maganda, dahil maganda naman talaga ako, eme. Pinili ko nalang na hindi sila pansinin at didiretso na sana sa kusina. "Ay, feeling maganda na nga, snobber pa. Artista yarn?" rinig kong sabi ni Jelly kaya naman napatigil ako sa paghakbang at napatingin sa kanila.

Hacienda del SalvadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon