Chapter 25

537 25 2
                                    

°°°°Chapter 25°°°°

Samantala, sa pwesto naman ni Mang Rommel

Nanlulumong sinulyapan naman ni Mang Rommel ang mga tanod na kasama niya sa pakikipaglaban kani kanina lang, lahat ng mga iyon ay nakahandusay na sa lupa at wala ng buhay

Habang siya naman ay nasukol na din ng mga aswang na kiwig at kubot sa isang tabi, pumulupot sa kanyanh leeg ang mahabang buhok ng kubot, habang ang mga kiwig naman ay biglang nagbago ng anyo na mula sa pagiging pusa ay nagpalit ng anyo bilang isang malaki at itim na baboy ramo, handa na ding sumugod iyon sa kanya

Gamit ang kanyang itak ay pinutol niya ang buhok ng kubot, kaya naman mabilis siyang umiwas sa pagsugod sa kanya ng galit na galit na baboy ramo

Matapos iyon ay bigla na lamang napaluhod si Mang Rommel, noon lng niya napansin na may malalim siyang sugat sa may hita, naalala niya na nakuha niya iyoj ng sabay sabay soyang sinugod ng mga kalabang aswang

Hawak ang gulok na binigay sa kanya ni Brent, tinitigan niya ang talim niyon na tila isang salamin, nakita pa niya ang mukha ni Lolo Ernie na nakangiti, mga huling ngiti na nakita nioa ng gabing iyon bago ito pinatay ng Hukluban

Mga ngiting tila nagbibigay lakas sa kanya at determinasyon na kaya niyang talunin ang mga kalaban

"Maraming salamat po sa pagtitiwala,"anas niya,"Alay ko sayo ang labang ito, Lolo Ernie, salamat sa pagliligtas mo sa amin ng pamilya ko,"

Matapoa sabihin iyon ay napasulyap siya sa kanyang harapan, kung nasaan ang mga aswang na nag aangilan, ilang sandali pa ay sabay sabay na iyong sumugod sa kanya

Sinalubong din niya iyon ng sugod habang tumatakbong papalapit sa kanya, siya naman ay nakataas ang gulok na pag mamay ari ng apo ni Lolo Ernie at handa na niya iyong itagpas sa ulo ng mga aswang na paparating

Nakita pa niya sa kanyang balintataw ang mukha ni Lolo Ernie na nakangiti sa kanya bago bumaon sa katawan ng mga iyon ang talim ng gulok

Napaluhod nalang siya dahil sa pagod habang nakaalalay ang gulok na nakatusok sa lupa, tumutulo naman ang dugo mula sa mga sugat na kanyang natamo

Nilingon naman niya ang mga kalaban niya na ngayon ay wala ng buhay

Habang sa simbahan naman ay madidinig ang mga kalabugan na nagmumula sa labas

Ang mga malalakas na angilan na nagbibigay ng sanglaksang takot sa mga taong nasa loob

Pilit namang pinapakalma ng mag iina ang mga iyon

"Huminahon lang po tayo, huwag tayong magpapadala sa takot. May mga magigiting po tayong mga kasama na sila ang humaharap sa ating mga kalaban,"mahabang litanya ni Aling Alicia at pagpapaliwanag sa mga iyon para kumalma

Pero sa kabila ng sinabi ni Aling Alicia, ay mababakas pa din sa mukha ng mga naroroon ang matinding takot at pagkabahala, hindi naman nila masisisi ang mga iyon, dahil lahat sila ay halos nakaranas ng pagsalakay ng nga aswang na siyang kumitil sa buhay ng mga pamilya ng mga ito

Maya maya pa ay nagulat nalang ang lahat ng makadinig ng malakas na kalabog na nagmumula sa bubungan, malapit lang iyon sa mga pwesto ng nga buntis na noon ay mga nakahiga na at handa na sanang matulog

Ang maalakas na kalabog na tila ba may nahulog doon na isang malaking bagay dahil sa bigat niyon ay nakita pa nilang nayupi ang yerong bubungan dahil wala naman kisame ang naturang simbahan

"Dito po kayo,"kaagad na sabi ni Amanda sa mga babaing buntis, pinaalis niya iyon sa pwesto kung saan nayupi ang bubungan, pinalipat niya iyon ng ibang pwesto na matutulugan

Aswang Killer: Season 2 of 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon