Payong

36 3 0
                                    

"Shit, umuulan na naman." Bulong ko sa sarili kong nakatingin sa bintana habang nagsusulat sa whiteboard si Mrs. Madrigal.

"Okay, class. 'Yan lamang ang points to review niyo para sa darating na quarterly exam. Mag-aral kayong mabuti." Sabi niya pagkatapos niya magsulat. "Yung mga tapos na magsulat, you may now go. Magpayong kayo ha."

"Bye ma'am."

"Ingat po kayo ma'am"

Bati nila habang ako ay nag-aayos pa rin ng mga gamit at iniisip kung paano ang gagawin ko sa ulan.

Shit. Wala akong payong. Paano na 'to? Wala naman kasi akong close dito sa school na 'to maliban na lang sa bestfriend kong si Alexa. Eh absent siya ngayon. PAANO NA 'TO?!

Hindi rin kakayanin kung lulusong ako, sobrang lakas kasi ng ulan, halatang matagal tagal pa bago tumila. Hay ang wrong timing naman!

"Mag-ingat ka, Yvonne."

"Kayo rin ma'am. Sige po, una na ako."

Lumabas na ako ng classroom saka nagpatuloy sa gate. Pero hindi ako derecho lumabas dahil sobrang dami pa ng tao. Umupo muna ako sa isang bench sa waiting shed habang pinapanood ang unti-unting pagka-ubos ng mga tao na nagsisi-uwian.

Tumingin ako sa relo ko at nakitang isang oras halos na pala akong naghihintay. Napakamot ako sa ulo ko.

Iniisip ko pa lang na makikitext ako sa guard nang biglang may kumuha sa kamay ko at hinila ako palabas sa waiting shed.

Palabas na kami at magrereklamo pa lang ako nang makita kong si Ezreal pala 'to. Nagulat ako nang magbukas siya ng payong saka hinila ulit ako palapit sa kanya. Sobrang lapit.

Hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko ngayon kasi shet! Si Ezreal 'to eh! Ang crush ko since grade 6!

Ang gwapo gwapo kasi niya. Matangkad, mabango, maappeal, magaling pumorma, nakadefine ng maayos ang jaw niya, mabango, malinis sa katawan at sa mga gamit, matalino at hindi lang iyan, marunong din siyang magbasketball!

Nasa kanya na ang lahat. Pero ang tanging problema ko lang ay kung bakit magkaklase nga kami mula grade 6 na hanggang ngayong graduating na kami pero hindi niya ako pinapansin. Samantalang nung unang araw na nakita ko siya dito sa school na 'to nung grade six kami ay napansin ko kaagad siya.

"Makipayong ka na sa'kin." nagulat ako sa kanya kaya wala akong mahanap na salita na pwedeng sabihin sa kanya ngayon.

Sumunod na lang ako sa paghila niya sakin dahil nakahawak pa rin siya sa mga kamay ko ngayon. Mahigpit, parang walang balak bitawan.

Nakatingin lang ako sa magkawak naming kamay ngayon. Bakit sa buong five years na magkakilala kami ay ngayong graduating pa talaga kami niya ako naisipan pansinin? At bakit kung kailan masama pa ang panahon? At bakit sa ganitong paraan ang una naming pag-uusap, ang una naming pakikihalubilo sa isa't isa? Unang beses lang namin 'tong magkasama pero bakit nakahawak na agad ang kamay sa akin. At pinakaimportante sa lahat, bakit niya ako pinapayungan gayong hindi naman kami close?

Pero shet, choosy pa ba ako? Ezreal na 'to guys! Eto yung crush ko for 5 years na!

Nakatitig pa rin ako sa magkahawak naming kamay habang baliw na nakangiti. Pero agad kong iniwas ang aking mga tingin at ang ngiti sa aking labi dahil baka biglaan siyang lumingon at makita akong parang baliw. Dinama ko na lang ang aming kamay na magkahawak.

"Wala bang nagsusundo sa'yo kapag ganito kalakas ang ulan?" Tanong niya habang derechong nakatingin sa harap.

"Uhh, wala eh. Pareho kasing nasa work ang parents ko."

Payong (one-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon