PROLOGUE

5 1 2
                                    

PROLOGUE

Everybody has a dream, everybody has desires, everybody has secrets. When secrets come out, will you be able to reach your dreams, your desire?

Are you willing to step on the ladder even if its fragile just to get on the floors of golds or you will just fall like a dove that got it's wings broken?

You can pull everybody up, but not everybody can pull you up because trust is like a glass.

Are you willing to climb up the castle? Are you willing to take all that risks to get the ROYAL CROWN you desire.

---------------


Hindi. Hindi pwede ito! Hanggang ngayon nakatitig pa rin ako sa duguang bangkay sa harapan ko. Teka? Anong nangyari? Naramdaman kong may hawak akong matalim na bagay sa kamay ko. Unti-unti ko itong tinignan at nabitawan ko ito nang malaman na kutsilyo pala ito. Ang mga kamay ko punong-puno ang mga iyon ng dugo. Ano ba talaga ang nangyari? Ako....ba....ang pumatay?

Napaatras ako sa pagkakaupo kasabay niyon ang pagbukas ng pinto. Iniluwa niyon ang isang babae habang nakatakip ang kamay niya sa kaniyang mukha.

"Oh my! Anong nangyari dito?" pagkatapos hindi ko na alam ang nangyari. Basta nakita ko na lang ang sarili ko na tumatakbo sa ulanan. Kailangan ko makatakas. Hindi ako ang gumawa niyon. Habang tumatakbo hindi ko mapigilang umiyak. Bakit lagi na lang ba kamalasan ang nangyayari sa akin? Para ako laging pinagsasakluban ng langit at lupa. Patuloy lang ako sa pagtakbo habang di ko alam saan ako pupunta hanggang sa may nakita akong eskinita at doon ako nagtago hanggang sa mawala na ang pulis. Nang makaalis na sila ay dumiretso ako sa dating apartment namin.

---------

Ilang araw na akong nagtatago dito. Nagtataka lang ako kung bakit di ako pinupuntahan ng mga pulis dito pero hindi yan ang pinagtatakas ko. Ako ba talaga ang pumatay sa kaniya? Naaalala ko ang itsura niya. Wasak na wasak ang tiyan niya. Hindi ko na alam ano nangyari. Ang huli kong naaalala ay......

Nabulabog ang katahimikan ko nang biglang bumukas ang pinto. Siya? May mga kasama siyang mga lalaki. Pumunta sila sa kinaroroonan ko at walang-awa akomg pinagsasamantalahan habang siya ay parang demonyong humahalakhak habang pinapanood niya akong pinagsasamantalahan. Napapaiyak na lang ako nangyayari. Iniisip ko na lang lahat ng mga masayang nangyari sa akin pero kailangan nga ba ako naging masaya? Nang matapos na sila ay iniwan nila akong lupaypay.

Lumapit naman siya sa akin at ngumiti

"Nagustuhan mo ba ang regalo ko?" sabi niya. Ang huling naalala ko lang ang tatlong saksak habang kinakain ng apoy ang buo kong apartment saka ako tuluyang nagdilim ang paningin ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 03, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE ROYAL CROWNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon