--
Papunta na kame ngayon ni Kath sa classroom kakatapos lang namen kumain sa cafeteria ng WALANG IMIKAN. Syempre pag umimik pa ko baka ano pang mangyare, baka mamaya sermonan pa ko nun. Daig pa naman nun nanay ko! HAHAHAA
"Be, nakikita mo yun?"
Tas tinuro nya yung canteen.
"Don't tell me gutom ka nanaman! What the? stop eating na be. Tumataba ka na"
"Nah! Shut the fck up! Tara puntahan naten"
EHHHHH! ano ba naman kase, masyadong chismosa talaga tong bestfriend ko! Nakita lang nyang ang daming tao dun sa canteen makiki-isyoso na. Jusko po rudy!
"Ikaw na lang!"
"PESTE! ISA!"
No choice. Sumama na lang ako.
Ang ingay ingay! Ka bwiset. Ano ba kasing meron dito at ang o'OA ng mga tao.
"Omg! Si sam! Shemz."
"Ang sweet nila grabe!"
"Grabe! Ang ganda ni Kendra omg!"
What? TAMA BA ANG NARINIG KO?
O____________O hindi pwede 'to. Shet kelangan kong tumakbo, kelangan ko lumayo. Ayoko! Ayokooooo!
"Oy!"
"Ay leche! Ano ba kath! Ano ba yun! Maka sigaw naman to eh!"
"Asus! tignan na naten may Kendra daw na maganda dun oh!"
"Ha? Ano? Wag n-na! I-ikaw n-na lang be."
"Ba't ganyan ka? Anong nangyayare sayo be"
"Be..."
nanginginig-nginig pa yung boses ko.
"Oh? anong meron? may sakit ka ba? hala naman! ano ba cath! dapat nag sabe ka man lang diba? hinila-hila pa kita dito."
"Ayoko na....."
Hindi ko na kinayanan
tumulo na luha ko.
Peste namang luha 'to oh!
Wrong timing eh!
"Bes, anong nangyayare sayo?! Halaaaaaaa ka jan?"
Tumawa na lang ako ng parang pilit, yung tipong *Ha-ha-ha*
Ang sakit eh!
Bumabalik lahat...
Lahat ng sakit,
Lahat ng pag hihirap,
Lahat ng iyak,
Lahat ng pangako nyang
Hindi man lang nya natupad.
Gusto ko ng mag wala!
Gusto kong sumigaw ng sobrang lakas.
Gusto kong tumakbo.
Pero hindi ko kaya....
Hindi ako makagalaw..
Hindi ko kaya kase gusto ko syang makita.
Gusto ko syang makitang naka ngiti.
Gusto ko syang makitang masaya.
Nakatingin lang ako sa pintuan ng canteen...
Habang sila, ayun! nag titilian.
Papalabas na nga daw kase yung Kendra at si Sam.
Habang nakatingin ako sa pintuan ng canteen, ayun! lumabas na sila.
Masaya..
Magka' holding hands..
Sweet..
Oo, maganda yung babae. Pero dapat ako yun eh, ako dapat yung kasama ngayon ni Sam. AKO LANG DAPAT!
Pero, oo nga pala.
ISANG MALAKING "TAPOS NA KAMI"
Nabuhayan ako ng dugo nung biglang nalihis ng tingin sakin si Sam.
Ngumiti ako bigla pero umiwas din sya ng tingin.
Ewan ko pero, ang sakit. ANG SAKIT SAKIT.
Meron ng syang iba,
May mahal na syang iba,
At mukhang masaya naman sila.
Dapat ko na ba talaga syang kalimutan?
Mag papakatanga pa ba ako?
Lecheng buhay naman 'to oh!
"Bes tara na!"
"Ha? B-baket?"
"Nakakahiya na, tinignan ka ni Sam ng lumuluha ano pang isipin nung depungal na yun sayo! Isipin pa nun patay na patay ka pa sakan...."
"Oo sobra!"
"Takteng bunganga yan bes! Ang ingay mo!"
Ewan ko, hindi ko na alam kinikilos ko... sobrang sakit talaga e. Di ko na alam na sinigawan ko na bestfriend ko, nag hahagulgol na pala ko. Takteng yaaaaaaan!!
"Bes, ang panget ko nung nakita ko ni Sam. Pwede after class samahan mo ko sa mall? papaganda ko!"
"Gaga ka ba!? MAY IBA NA SYA! gumising ka nga sa katotohanan. Hindi yan makakatulong sayo!"
"Kaso be...."
"WALA NG KAYOOOOOOOOOO"
shet parang may sumapak sakin dun ah!
*FLASHBACK*
"Cath, Im so sorry... ayoko na. Hindi ko na kaya. Kelangan na kitang i'let go, im sorry cath. But I need to go now. Im very sorry."
*END OF FLASHBACK*
Shet naman oh! naalala ko nanaman yung mga katarantaduhang sinabe nya sakin!
Gaano na ba ako kahina?
Gaano na ba ako ka tanga?
Gaano na ba ako ka'manhid?
Wala eh! 3 years ng walang kame, pero until now sobrang mahal na mahal ko sya at umaasa akong mamahalin pa din nya ako at kame pa den hanggang dulo.
pero napaka imposible na....
BINABASA MO ANG
COMPLICATED LOVE
RomanceLove? Oo, kasama sa love masaktan. Kelangan mong masaktan para matuto. Pero diba hindi naman lage kelangan masaktan, kaso paano mo maiiwasan? Paano mo maiiwasang hindi masaktan, sobrang hirap diba? Pero kelangan mo na lang talagang tanggapin. Accept...